Jen'S POV
??? Just so you know
This feelings takin control
Of me and i can't help it ???
Kanta here ! Kanta there ! I kanta the lines I can relate to everywhere !
Ok. Ok. Corny. -.-
Kung nagtataka man kayo kung saan ako natulog kagabi. Doon ako sa bahay nila Ivon natulog at na-meet ko parents niya.
Nandito na kami sa sasakyan niya ngayon, sasakyan ni Ivon.
........
Kung ayaw niyo maniwala. Edi HUWAG!Hindi naman kasi totoo eh. Ganito kasi yung nangyari.
>>>FLASHBACK<<<
"Ikaw si Jen, di ba ??" tanong ni Ivon.
"A-ah, o-oo" sabi ko.
"Aahhh." kinamot niya ung ulo niya "Nagtext kasi si Keanu sa akin, sabi niya ihatid daw kita sa inyo." Tingin sa phone niya "At sorry daw kasi may emergency daw siyang kailangang puntahan kaya hindi ka raw niya maihahatid. Sorry daw talaga." Sinasabi niya yun na habang binabasa yung text ni Keanu sa phone niya.
"Okay lang, sanay na ako. Kanina nga lang, iniwan din ako ng mga ka--..." Ano to? Close ba kami? Bakit ko ba kinukwento yung nangyari kanina.
"Ayy... Ano... Hindi okay lang, kahit mag-isa nalang akong uuwi." Sabi ng utak ko na binigkas naman ng bibig ko. Pero umaasa yung puso ko na pipilitin niya akong pumayag."Anong oras na. Sayang oras mong naghintay kung wala namang maghahatid sayo. Pero pwede hintayin mo muna ako saglit?"
Oh well. Wala na akong magagawa, mapilit siya eh. :] Mukhang hindi ako tatantanan kapag tumanggi pa ako.
Bumalik kami sa gym at nagshower muna siya. Pagkatapos ay kinuha niya na ang mga gamit niya at naglakad kami papuntang parking lot.
Nung nakapasok na kami sa loob ng sasakyan niya, tinanong niya ako kung saan ako nakatira, at sinabi ko naman.
After noon ay tumahimik na kaming dalawa. Awkward... Medyo pinagpapawisan na ako. Buti nalang bigla siyang nagsalita.
"Jen, right?"
"Ah, oo, ikaw ?" tanong ko. Kunwari hindi ko alam, syempre. Hohoho.
"Ivon nga pala, sorry nakalimutan kong magpakilala kanina." Sabi niya.
Bati ko na ang bitters! Wala kasi akong pagkwekwentuhan nito kapag maggagalit galitan pa ako sa kanila. Sila rin may dahilan kung bakit kasama ko si Ivon ngayon, kung hindi nila ako iniwan at kinalimutan kanina, siguro hindi ko siya kasama ngayon. Well, dapat si God ang dapat kong pasalamatan. Thank you Lord.
Ang dami ko tuloy nalaman tungkol sa kanya. Hindi ko alam, palakwento rin pala siya.
Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa tapat ng bahay.
Lumabas na ako at nagpaalam na sa kanya. Nagpaalam na rin siya sa akin at umalis na.
Actually, sa bahay nila mama ako umuwi, sa aming HOME SWEET HOME. Miss ko na rin kasi sila. Nagkikita pa rin naman kami kapag weekdays, kahit sa school days at basta kung kailan namin gustong magkita.
Sabay sabay ulit kami nag-dinner. Nung una, nagtaka sila kung bakit daw ako pumunta dito ngayon. Pero hinayaan na nila ako.
>>>END OF FLASHBACK<<<
*inhale* *inhale* *exhale* *exhale* ... Waaaahhh, tapos OPEN !
Kakabukas ko lang ng pinto dito sa Music room 1, pero bakit parang problemado naman mga itsura nila.
Si Krizzy, nakahawak sa gitara niya at nakatitig sa pader.
Si Sandra, nakatulala habang nakapatong ang mga kamay niya sa piano.
Si Yannie, nakapatong ung ulo sa may drums.
Si Stella, naka-upo lang sa gilid mukhang naaasar na nakatingin sa cellphone niya.
Si Yna, naka-upo sa may malapit sa bintana at may tinititigan sa labas. Si Levy, nakita ko dire-diretso pumasok. Parang walang nakita at umupo sa may upuan sa gilid at humawak sa noo.
Anong nangyayari dito?? Minamalas ba sila dahil sa ginawa nila sa akin kahapon?
Wait. Parang ang gandang picture-an. Tumingin ako sa may corridor, at saktong may papalapit na lower year, special class din siya, kung hindi ako nagkakamali, siya si Grace Lene.
Kaya naman tinawag ko siya para magpa picture, binilisan kong kinuha ang stand nung microphone with the mic, pumunta sa gitna at nagpose.
1.......2.......3
CLICK !