CHAPTER 8

102 3 2
                                    

Levy's POV

Ang sakit ng ulo ko, katawan ko, lalo na ang mata ko. Ano bang nangyari? Nagising ako nung may narinig akong tunog ng pagsara ng pinto.

Ayaw kong imulat mga mata ko kasi mahapdi dahil sa kakaiyak, feel ko nga may nakapatong sa mga mata ko eh. Pero teka lang, hindi ba kanina naglalakad kami ni Stella papuntang Music room? Bakit ako nakahiga ngayon?

Nagulat nalang ako ng may biglang nagbuntong hininga at nagsalita "Levy naman eh. Ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya? Andito naman ako ah.  AAAAHHH! Pag nagpakita lang yang Drew na yan, matitikman niya ang pinakamapait na suntok ko!...." Angelo? Si Angelo ba tong nagsasalita? 
"Dapat inunahan ko nalang siya. Dapat hindi ko nalang siya pinabayaan na manligaw sa'yo. Para hindi ka na sana nasasaktan pa ng ganito ngayon."

>>>Flashback<<<

HAAY! Recess na !  Tatambay na naman kaming walo sa labas. Pero bili muna kami ng pagkain.

Pagkatapos naming nakabili, tumambay na kami sa favorite tambayan namin. Sa may bench...

Dito kami lagi kasi dito ang may pinakamagandang view. Dahil dito namin natatanaw ang mga crush namin. Hahaha

WAAAAHHH! Ayun na si IVON!!! "JEN! JEN ! Si IVON mo oh !!" sabi ni Yannie.

"Waaahh! Saan ? Saan ?" natatarantang sabi niya.

"Ayun, ayun oh." sabay sabay naming turo. Nagtilian kami hanngang sa hindi na namin siya makita.

Habang hindi pa nakakaget-over si Jen. Hinahanap na ng mata namin si Jericho, Daniel, at si Justin.

At ayun na nga si Justin.... "Yannie ! Yannie ! Nakita mo na siya ?" sabi ni Jen

"Hahahhaha, oo." sabi naman ni Yannie at tinapik tapik niya yung balikat ko habang pinipigilan niyang tumili. Masakit, grabe.

Binigyan namin ng mapanlokong tingin si Yannie nang nginitian siya ni Justin.

"Waaahhh! nginitian ka ni Justin...... Waaah !" sigaw ni Yna sabay sapak kay Yannie.

"Buti ka pa nginingitian ng crush mo!" sabi naman ni Stella na kunwari naiinggit.

Hanggang makita namin si Daniel.... Ayan, nagtilian kami lahat to the highest level.

"Si Daniiiiieeeeel !!!" pabulong na sigaw ni Krizzy.

"Andiyan na si Jericho! Ssshhh!" sabi ni Sandra.

Kaya tumahimik naman kami.

Malapit na yung time kaya pabalik na kami ng classroom.

"Ui, Levy, may usapan ba kayo nung lalaking yun na magsuot ng ganyan?" tanong ni Jen sa akin. Nung tinignan ko ung tinuturo niya. May lalaking nakasuot ng blue varsity jacket, parehas kami.

"Halla! Hindi ah, ADIK!" sabi ko. 

Nung nakalayo na sa amin yung lalaki. Lumingon si Stella. "Oi, Angelo nakasulat sa Varsity niya oh!" Waaaah! Siya si Angelo... !!" sabi naman ni Stella.

Bago kami makarating sa room. Angelo sila ng Angelo, nakakasawa ng pakinggan. May itsura daw kasi, matangos ang ilong, maganda ang mata.... at bagay daw kami..... May itsura nga pero hindi ko type eh, sorry nalang sila.

Kinabukasan....

Hindi ko alam binigay pala nila number ko sa kanya.

May nagtext sa akin

FROM: 0906625364*

Hello, Angelo to.... nakitext lang ako.... ito ung number ko oh 0928742769*

-end-

Sooo, ano yun. Ang feeling naman, binibigay number niya sa akin. Ang kapal !

Pero kinilig naman sila nung nakita nila text niya sa akin.

>>>END OF FLASHBACK<<<

 Naalala ko yung first encounter naming dalawa. Naging close kami, hindi ko alam kung paano at bakit pero naging close nalang kami.

Pero ano bang pinagsasabi niya ngayon?

 Yna's POV

6:45 A.M.

WHAT's WRONG WITH BITTERSSS!?

Umuwi si Levy kasama si Stella na umiiyak dahil daw sa break-up nila ni Drew.

Hindi umuwi si Jen kahapon. Siguro galit. Pati na rin si Krizzy. Ano kayang nangyari dun? Hindi naman siya nagreply sa text messages namin.

Si Sandra naman, napansin ko parang laging natutulala. Parang wala sa sarili niya.

Si Yannie, parang may malaking malaking problema. Pag-uwi niya nga eh, parang umiyak. Dumiretso siya agad sa kwarto at natulog.

At pati na rin ako, naguguluhan ako kung dapat ba masaya ako ngayon o kaya naman malungkot dahil sa mga nalaman ko kahapon.

>>>FLASHBACK<<<

"Pero mas maganda pa rin tong sunset na nasa harapan ko ngayon" pahabol niyang sabi. Napangiti naman ako dun.

"Sorry! Sorry talaga." sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"HA?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ngayon ko to ginagawa para sayo, pero bukas naman talaga dapat?" tanong niya.

"Oo.Bakit?' tanong ko.

"Kasi may importante akong kailangang puntahan bukas, payagan mo na ako please? Ngayon nalang tayo magcelebrate. Importante talaga eh." pagmamakaawa niya sa akin.

Tch. Ngayon lang to mangyayari, ngayon ko lang din siya hindi makakasama sa monthsary namin, pero importante naman daw eh, ayaw ko namang maging sagabal sa importante niyang gagawin bukas.

"Ayos lang, ano ka ba? Importante nga sabi mo eh, sige lang." sabi ko.

"AAAHHH, salamat! Salamat talaga!" sabi niya.

Pumunta pa kami nagikot-ikot sa park, kumain ng ice cream at pagkatapos ay umuwi na. Enjoy naman kahit papaano, tatanungin ko sana kung ano yung importanteng gagawin niya, pero nawala naman sa isip ko nung kasama ko siya. Naalala ko nalang ng makauwi na ako. Pero may tiwala naman ako sa kanya, hindi ko na kailangan pang alamin.

>>>END OF FLASHBACK<<<

Pero ayaw ko ng isipin yan. Nag aalala ako sa mga kaibigan ko ngayon.

Pati sa pagpunta sa school, hindi kami sabay sabay. Si Sandra kasi pagka-gising ko, wala na, si Yannie naman, lumabas lang ng pinto na hindi nagpapaalam, si Levy at Stella nagpaalam naman at nauna na, kasi late na rin eh. So, punta na nga rin ako sa school, 7:22 na eh.

***

Dito na akong Music Room 1, pumasok nalang ako agad at pumunta na sa may upuan malapit sa bintana. Mag-iisip nalang muna ako.

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now