CHAPTER 17

83 3 1
                                    

YNA'S POV

T-teka, si JC yun ah. Bakit siya nandito? Gusto ko siyang lapitan pero parang may nagsasabi sa akin na huwag. Nakaupo siya sa may bench, parang may hinihintay kasi tingin siya ng tingin sa phone niya tapos parang may hinahanap sa paligid.

Laking gulat ko na lang ng nakita ko si Ate Camille. Lumapit siya kay JC sabay halik sa cheeks niya...

Parang sumisikip yung dibdib ko, hindi ko alam kung magagalit ba dapat ako.

Sinundan ko sila hanggang sa pumasok sila sa movie theatre.

Hindi ko alam, pero bigla ko nalang nilabas cellphone ko at tinextan si JC.

TO: SUNSET
Nasan ka?

Walang nagreply.

KRIZZY'S POV

Nagulat ako ng hinila ako bigla ni Yannie. Akala ko ba nahimatay tong babaeng to. Baka naman nauntog  yung ulo nito, kaya ito yung side effects? 

Pinatigil ko siya sa pagtakbo. "Yannie! Okay ka lang ba?! Hindi ka ba nahihilo o nasusuka?"

"Ha? Hindi. Okay lang ako.... T-teka, si Yna ba yun?" Pagtingin ko naman sa tinuro niya, nakita ko nga si Yna, na parang wala sa sarili, nakatitig lang sa cellphone niya habang naglalakad.

Nilapitan namin siya ni Yannie at nung nakita niya kami bigla nalang siyang umiyak.

*vibrate *vibrate

FROM: LEVY
Saan kayo? Meet tayo here sa fusion, daliiiiiiii.

LEVY'S POV

Papunta na kami sa table kung saan ko iniwan si Jen at Yna. Pero nakita kong si Ivon na ang kasama ni Jen, hindi si Yna.

Waaaaaaaaaaa! What happened?
Si Sandra rin nung nakita niya si Jen kasama ni Ivon, mula sa malungkot na mukha niya, napalitan at naging gulat ang facial expression niya.

"Tara doon sa gilid" turo ko doon sa pinakagilid na table.

Pumunta naman kami, nag order nalang kami ng milkshake.

~~~Saan kayo? Meet tayo here sa fusion, daliiiiiiii.~~~
SENT!

Sinend ko sa kanila Yna, Stella, Krizzy and Yannie.

Kailangan nilang makita ang milagro na to.

STELLA'S POV

Ano bang ginagawa niya dito?

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

Tinignan ko lang siya.

"Kung hindi ako dumating dito, baka napano kana, wala man lang bang thank you?" tanong niya ulit.

"Bakit ka nandito? Ikaw ba may pakana nito? Sa tingin mo mauuto mo ako? SA tingin mo magpapasalamat ako dahil niligtas mo ako? Ano bang pakulo to ha?" sabi ko nalang sa kanya.

Tahimik lang siya.

"Jason, sabi ko layuan mo na ako. Hindi ka naman bata para hindi yun maintindihan, dba?" sabi ko sa kanya.

"Stella, sa tingin mo kaya kong gawin yun sayo? Para saan naman ha?!" medyo lumalakas na yung boses niya.

"Eh, bakit ka nandito? Paano mo nalaman na may gagawa sakin ng ganito? Bakit sakto nung dumating sila, meron ka din?" tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba ganun ako katanga? Na magpaplano ako ng ganito? Sinusundan kita kaya ako nandito ngayon, sabi mo layuan kita kaya hindi nalang ako nagpakita sayo. At nakita ko naman bigla na hinila ka nalang nila. Kailangan pa rin ba kitang layuan kahit sinasaktan ka na ng iba?!"

"Oo, sana nilayuan mo nalang ako, hindi lang naman ikaw ang pwedeng magligtas sa akin eh. Hindi lang ikaw ang tao dito Jason, marami sila. Jason. Tama na please. Ayoko na. Ayoko na talaga!" sabi ko nalang sa kanya.

*Vibrate *vibrate

  FROM: LEVY
Saan kayo? Meet tayo here sa fusion, daliiiiiiii.

"Kailangan ko ng umalis." 

Hinawakan niya yung kamay ko at sabing "Ayaw mo na ba talaga? Hindi na ba talaga natin pwedeng ayusin tong gulong to?"

"Hinding hindi na ako magpapakita sayo, kapag umalis ka ngayon."  

True Meaning Of BitternessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt