Stella's POV
"Waa." sabi ni Jen.
"Problema mo?" tanong ko.
"Eh kasi bakit sila lang napili, nakakaasar. Asan na kaya sila ngayon?" sabi niya ulit.
Ayun nga. Hindi kami napili nung limang members ng Kanto boys, eh bakit ba kasi lima lang sila. Unfair.
"Ewan ko sa mga yun. Kalimutan nalang natin sila ngayon."
Andito pa rin kami sa loob ng campus, syempre. Ieenjoy namin ni Jen tong valentines day. Kahit kami lang, okay na yun. Hindi lang naman lovers ang kailangan kapag valentines eh, okay lang naman kahit friends, or family ang kasama.
Maraming nakatayong stalls at kung ano anong pakulo ang iba't-ibang organizations ng school.
"Stella, tara dun sa puro chocolates. Bilhan mo ko." Ayan na, sabi ko na eh. Magpapalibre tong babaeng to.
"Ayoko, may pera ka."
"Ngayon lang naman eh. Ang imot mo." sabi niya pa.
"Ayoko nga."
"Ganito nalang, ilibre mo ko nung chocolates, tapos ililibre kita dun sa gusto mo. Deal?"
"Deal."
Kumakain na kami nung chocolates na binili KO. Langya tong babaeng to. Sampung chocolate ang binili, para daw matikman niya lahat.
"Stellaaa. Jen!!" Boses yun ni Levy ah.
Paglingon ko, nakita ko silang lima.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Jen.
"Iiiiisshhh. Na-miss kasi namin kayo." sabi ni Sandra.
"Wooow. Nasaan na yung mga kalandian niyo?" sabi ni Jen.
"Ayun, pinaalis namin." sabi ni Yannie.
"Anong pinaalis? Bakit?" Tanong ko.
"Kasi hindi tayo kumpleto, pwede naman silang maghintay eh, um-agree naman sila. Wala na rin lang silang magagawa kahit tumanggi sila." sabi ni Krizzy.
"Okay lang daw sa kanila kasi busy rin sila, daming nag-iinterview." sabi ni Yna.
"Edi sila na ang sikat." sabi ni Jen.
"So, ano? Tara? Lamon na tayo" sabi ni Sandra.
Kinain nilang lima yung chocolate ni Jen.
"Hoy, binili ni Stella yang chocolates para sa akin. Inubos niyo na." sabi ni Jen.
"Anong inubos, may lima pa oh." sabi ni Krizzy.
"IIiisshh." pagmumuryot ni Jen.
Halos lahat na ata ng stall, pinuntahan namin. Mauubos pera namin dito.
JEN'S POV
Kahit na dapat may date sila dun sa mga gwapong nilalang, mas pinili nila kaming kasama. Friends muna dapat over lovers. Yan ang gusto ko sa kanila eh, kahit na may mga boyfriend na sila, hindi pa rin nila kami kinakalimutan, hindi nila pinapabayaan yung friendship namin. Sana 2 years from now. Kapag nasa college na kami, ganito pa rin, walang kalimutan at walang iwanan. Kahit iba iba ang course o school namin, sama magremain pa rin ang frienship namin. Dahil kahit ano man ang mangyari, kahit ano man ang sabihin nila. Bitter pa rin ako, sana hindi lang ako kundi pati rin sila.
(AUTHORS NOTE: In-end ko na kasi ang hirap pala nung ang dami mong characters, ang hirap mag-isip ng kung ano ano. Kung sinipag man ako, tutuluyan ko to pero magkakahiwalay na sila, uunahin ko story nung isa ganun. So ayun lang. Gusto kong matapos na to eh. Haha.)