CHAPTER 4

141 2 0
                                    

Yna's POV

(5:40 PM)

Palabas na kami ng school ni Sunset ko pero bakit hindi kami papuntang parking lot.

"Huy, doon ung daan papuntang parking lot" at tinuro ko yung daan sa kabila.

"Ha? Eh maglalakad tayo ngayon eh" sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi gusto kitang makasama ng mas matagal ngayon" nginitian niya ako "Tara muna sa park" at hinila nya ung kamay ko. 

Natulala naman ako sa mga sinabi niya.

Nagising nalang ako nung may biglang humila ng bag ko.

"Yung bag ko!!" sigaw ko.

"Ha?! HOY! BALIK MO YAN!!" sigaw niya dun sa lalaking humila ng bag ko. Bago pa siya tumakbo, tinanong niya muna sa'kin kung dala ko phone ko at um-oo naman ako. Nung medyo malayo na siya, eh sumigaw pa siya "HINDI AKO BABALIK HANGGANG HINDI KO PA NAKUKUHA UNG BAG MO. HINTAY KA, PLEASE!!?"

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na huwag niya ng kunin ang bag ko pero nung sisigaw na sana ako, di ko na siya makita.

5 minutes

.

.

.

.

10 minutes

.

.

.

.

.

30 minutes

Wala pa rin siya. Nasaan na kaya siya? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. Dapat kasi hindi niya na hinabol eh.

Vibrate.....vibrate...

Oh may nagtext... nagtext na siya.

From: Sunset

Baby, andito ka pa rin ba sa park? Dito ako sa may Gazebo.

------

Ayyy! Bakit siya napunta dun? Anong nangyari at napadpad siya dun? Hindi ko na siya tinext pa at dumiretso na ako doon..

Takbo... takbooo

Meron kasing gazebo sa may gitna ng park na ito. Ilang beses na ako nakapunta dun at marami siyang lights. Ang ganda nga eh.

Nakakaasar nga lang kasi ako pa pinapunta doon. Sana naman hindi niya nakalimutan yun.. Malapit na malapit ung araw na yun. Sana hindi niya pa nakakalimutan.

Sa wakas nakarating na rin ako dito. Pero bakit ang dilim ngayon. Nawalan ba sila ng kuryente?

Parang siya na ata yon, yung nakatalikod sa may gitna ng gazebo, malayo pa ako sa kanya kaya sumigaw ako "Hoy!! Akala ko naman kung ano nang nangyari sayo!!"

At tumalikod siya. May kausap pala siya sa phone. At hawak niya na rin ang bag ko. Parang may sinabi siya sa phone at biglang nag-on ang lights. Wow !

Ang ganda..................

"Nagustuhan mo ba?!" sigaw niya

"Para saan to!?" tanong ko.

At biglang may mga taong lumabas sa may likod ng gazebo at nagfall-in line sila at may sari-sariling hawak na parang mga papel?

Isa-isa nilang inikot ang mga hawak nila at ...
SUNSET.....HAPPPY......MONTHSARY ❤❤

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now