Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko noong narinig ko ang pangalan ko maging ang pangalan ni Brandon. Alam niya pala ang lahat ng ito. Paano niya nagawang itago sa amin at pag-mukhain ang sarili niya na wala ring alam sa mga nangyayari kay Sam? Masasaktan ba ako o matutuwa? Masasaktan dahil hindi niya nagawang sabihin sa amin na may alam siya simula pa lang o matutuwa dahil alam ko na ngayon na hindi mag-isang kinakaharap ni Sam ang kaniyang mga problema dahil may kaagapay pala siya? I chose the latter. Kahit ano man ang dahilan nilang dalawa at hindi nila sinabi sa amin ay tatanggapin ko iyon ng buo. Alam ko na kapakanan lang naming lahat ang iniisip nila.Hindi ko sila dapat sisihin dahil kahit baliktarin ko man ang mundo ay ginawa lang nila ang para sa kanila ay tama.
Papasok na sana ako ng pintuan ng bigla kong natabig ang isa sa mga bakal na nakakonekta roon. Napatigil ako sa aking kinatatayuan at nag-hintay nang susunod na mangyayari. Naramdaman ko na gumalaw ang nasa aking likuran. Ito na naman ang puso ko. Tumitibok na naman ng napakabilis.
"Sofia?", tanong niya. Ayokong humarap sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Naramdaman kong nag-lakad siya papalapit sa akin kaya naman hinawakan ko ang doorknob at pinihit. Bubuksan ko na sana ito ngunit bigla ko itong nabitawan dahil hinawakan niya ako sa braso at pinihit papaharap sa kaniya. Pag-harap ko sa kaniya ay hindi ko magawang titigan siya. Itinuon ko ang mga tingin ko sa malayo at pinipilit na huwag tumingin sa kaniya.
"I knew it is you. Look at me.", sabi niya ng may diin. Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya kaya naman hinawakan niya ang baba ko at pinilig sa kaniya.
"Did you hear all the things I've just said?", tanong niya ng mahinahon habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"I...I...I didn't mean to. I was just... just gonna call you because...because they are looking for you inside.", pautal-utal ko na tugon ko sa kaniya ngunit hindi ko pa rin magawang tingnan siya ng diretso.
"You're lying.", sabi niya. "Lagi akong nandito nang ganitong oras at alam nila kung saan ako hahanapin. Alam nila kung nasaan ako.", patuloy niya.
"I am not-", sabi ko ngunit napatigil ako dahil hinawakan niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya senyales na pinapatahimik niya ako.
"Shhh... don't make anymore excuses. I know that you are lying.", sabi niya kaya naman napatahimik na lamang ako.
"Paano mo nalaman na nandito ako? Sino ang nag-sabi sa iyo?", pag-tatanong niya. Hindi ko siya sinagot at nanatili lang tahimik.
"Ano ang mga narinig mo sa mga sinabi ko?", tanong niya ulit. Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay nag-bigay din ako ng katanungan sa kaniya.
"Totoo ba lahat ng sinabi mo? Totoo ba na may alam si Brandon at ang mga magulang natin sa mga bagay na ito? Sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo? Totoo ba ang pinakahuli mog sinabi? Totoo bang sinabi mong mahal mo ako o sadyang nananaginip lang ako ngayon kaya nangyayari ang mga bagay na ito?", tuloy-tuloy na tanong ko sa kaniya habang sunod-sunod na nag-situluan ang mga luha ko. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang likod ng kaniyang mga palad.
"I know that this day would come and you will know everything. I wasn't wrong.", sabi niya habang patuloy na pinupunasan ang mukha ko. "But I didn't expect that you would know it so soon.", patuloy niya.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko. Totoo ba ang lahat ng ito?", pag-tatanong ko ulit sa kaniya. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa isasagot niya. Kahit hindi niya na sagutin 'yung mga nauna kong tanong, basta 'yung pinakahuli na lang. Sinubukan kong mag-pakatatag at buti na lamang ay sumusunod ang katawan ko sa akin. Huminga siya ng malalim bago siya muling tumingin sa akin.
"Oo. Totoo ang lahat ng ito. Totoo ang lahat ng mga sinabi ko at totoo rin na may alam si Brandon at maging ang mga nakatataas sa bagay na ito.", saglit siyang tumigil at tumitig lamang sa akin. Nag-hihintay lang ako ng huli niyang sasabihin nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya at biglang niyakap. Hinalikan niya ako sa aking buhok at inamoy ito. Nanatili kaming ganoon hanggang sa mag-salita muli siya.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
Aktuelle LiteraturSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...