Napakaraming nakakalat sa paligid na armado ng mga matataas na kalibre ng baril. Malilikot ang mga tingin at tila hindi sila mapakali sa kanilang kinatatayuan at maya-maya ang pag-sasalita sa kanilang device na nakakabit sa kanilang mga tainga kausap ang kanilang mga kasamahan sa ibang panig ng lugar at humihingi ng impormasyon sa mga nagaganap sa paligid. Malalaman agad namin kung sino talaga ang mga tiga-bantay at ang mga binabantayan dahil na rin sa paraan ng kanilang pag-kilos at pananalita.
Karamihan sa mga tao rito ay puro nakaitim ngunit hindi masyadong magarbo ang mga pananamit. Mababanaag ang kaibahan ng bawat grupo dahil na rin sa insignia na nakatatak sa iba't-ibang parte ng kanilang mga katawan. Lahat ay makikitaan ng kaangatan sa buhay dahil na rin sa paraan ng kanilang pag-galaw at ang kanilang mga ekspresyon na ibinibigay. Kahit nag-uusap ang karamihan sa kanila ay nananatili pa rin ang pag-kaseryoso sa kanilang mga aura.
Mabigat ang dating sa pakiramdam sa lugar na kinaroroonan namin ngayon. Hindi namin alam kung ano ang nasa isip ng bawat isa na naririto. Puro palitan lang ng mga tingin ang aming ginagawa sa buong oras ng pananatili namin dito at tatango lamang kung mayroong gustong ipahiwatig.
Sa pag-oobserba ko ay nakita ko na ang ibang miyembro ng bawat organisasyon ay mayroong dalang mga briefcase na kung susumahin ay nag-lalaman ng mga baril at pera na gagamitin sa auction. Nakasisiguro ako na milyon-milyong pera nanaman ang maipapalabas sa pag-kakataong ito.
Ang lahat ng mga ilalagay sa bidding ay nakaimbak sa iisang silid na dito rin matatagpuan. Mahigpit ang pag-babantay roon dahil na rin sa mga nakalipas na insidenteng nangyari noon. Ang ibang organisasyon ay nagawang palitan ang mga orihinal na kagamitan na nakalagay roon at pinalitan nila ng replica ang bawat isa na hindi naman talaga magagamit. Sa pag-kakataong ito ay nadala na ang mga nag-papatakbo ng auction na ito kaya naman siniguro nila na wala na talagang makapapasok sa loob noon maliban lamang sa mga binigyan ng awtorisasyon.
Nandito rin pala ang mastermind sa pag-patay sa yumaong si Mr. Leondale Alcantara na si Mr. Montreal. Tama nga ang sinabi ng mga nakatataas na nandito ang lahat ng big-time organizations. Nakita ko rin ang mga pamilya nila na mag-kakasama sa iisang lamesa at tahimik na nag-uusap. Ang iba ay napapansin ko na madalas ang pag-sulyap sa puwesto namin kung saan ang lahat ng mga may matataas na posisyon sa aming organisasyon ay nakaupo. Hindi talaga iyon maiiwasan dahil kami ang itinuturing ngayon na nangunguna sa listahan ng mga pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa buong bansa lalong-lalo na pagdating sa underground business.
Napalingon ako sa aking kanan kung saan ay nakatayo sila Sam at ang iba pa naming kaibigan. Nag-palitan kami ng mga tingin at sa pa-gkakataong ito ay agad kaming kumilos sa aming kinalalagyan ng matanggap namin ang pahiwatig na mag-sisimula na ang auction. Kasabay ng pag-puwesto namin sa tamang posisyon na nakatalaga sa amin ay ang pag-sasalita ng auctioneer sa ring.
"Good evening, ladies and gentlemen! We're here in the Nocturnal Institute. Today is the 12th day of April year 2015 for the 27th year of auctioning of guns. Ready all the moneys you've got because I'm sure as h*ll that tonight, money is the greatest thing you'll ever need and if you're gonna have a shortage, sorry, you can go home crying your eyes out. Good luck! May the best bidder win!", pag-uumpisa nito. Pag-katapos lamang ng ilang sandali pa ay nakita na namin na isa-isa ng inilalabas ang mga baril na ilalagay sa bidding. Isa lang ang masasabi ko sa pag-kakataong ito sa mga nakikita ko sa harapan ko ngayon. Astounding! Lumapit ang auctioneer sa mga ito at hinawakan ang baril na pinakamalapit sa kaniya saka ulit bumalik sa kinatatayuan niya kanina.
"We will begin with this 2014 model Barrett XM109 OSW. A prototype anti-material rifle and grenade launcher, chambered in 25x59mm. Capable of defeating light armor and equipment out to 2 km.(1.2 mi.). Starting price, please. Oh, yes! $5,600!", saad nito noong nag-taas ng presyo ang isang bidder na limang pagitan lamang ang layo sa kaliwa mula sa aming lamesa.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
General FictionSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...