"Tama nga ako ng hinala. Hindi na aabot pa ng tatlong taon bago tayo makagawa ng unang hakbang para maisakatuparan ang ating plano. Nasa atin na ngayon ang alas maging ang susi para matuklasan natin ang lahat ng tinatagong sikreto ni Marcus Montreal. Nakasisiguro ako na wala na siyang kawala pa. Magagawa na rin nating bigyan ng katarungan ang lahat ng mga taong inagrabiyado niya maging ng kaniyang grupo.", pahayag ko sa mga kasama ko ngayon sa loob ng isa sa mga silid sa aming tahanan.
"Pero kailangan pa rin natin makuha ang singsing niya. Sa tingin ko ay hindi pa rin kompleto ang mga impormasyon na nakalap natin mula sa hard-drive na iyon. Nakasisiguro ako na marami pa siyang tinatago at hindi iyon alam ng committee. ", pahayag ni Sam sa amin habang may kaseryosohan ang kaniyang mukha. Tumango naman ako dahil napag-tanto ko rin na mayroon siyang punto sa kaniyang sinasabi.
"Bakit hindi mo subukan na kumalap pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kaniya sa tuwing nag-kakaroon ka ng pag-kakataon na pumunta sa kaniyang opisina? Sigurado ako na may matatagpuan ka doon na kapaki-pakinabang at magagamit natin.", suhestiyon sa kaniya ni Bea. Nag-isip muna siya ng malalim at saka muling nag-salita.
"Ilang beses ko na ito sinubukan pero sadyang mailap ang bagay na kailangan talaga natin. Nabuksan ko na rin ang safe niya sa loob ng kaniyang opisina at lahat ng laman niyon ay nagawa ko ng kopyahin at ibigay sa mga nakatataas. Nangalap pa ako ng ibang maaaring magamit sa ibang parte ng kaniyang opisina at lahat ng puwedeng buksan o pag-taguan ay nahalungkat ko na pero wala pa rin. Pumunta rin ako sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang gusali at iilan lamang ang nakita ko na maaaring mapakinabangan.", paliwanag niya.
"Siniguro mo ba na malinis ang ginawa mong hakbang na iyon? Maaari kasi na nahuli ka niya sa mga ginawa mo ngunit nag-hahanap lamang siya ng tamang tiyempo para interogahin ka. Mag-ingat ka dahil alam mo ang kakayahan niya.", maingat na babala ni Brandon sa kaniya.
"Oo, siniguro ko na malinis ang mga ginawa ko. Tinakpan ko ang mga CCTV roon habang isinasagawa ko ang mga bagay na iyon at nilagyan ko ang mga ito ng mga illusion para pag-akalain na katulad pa rin ng nakagawian nilang titigan ang mga nakikita nila sa mga oras na iyon. Nag-suot rin ako ng gloves sa mga kamay ko para walang maiwang bakas. Siniguro ko rin na naibalik sa dating paraan ng pag-kakakuha ko ang lahat ng ginalaw ko. Tiningnan ko ang bawat sulok at wala naman akong nakitang mga hidden cameras.", patuloy pa ni Sam.
"Ibig sabihin ay may lugar pa siya na mas iniingatan na malaman ng iba dahil doon niya itinatago ang mga impormasyon na kinakailangan natin sa pag-papabagsak sa kaniya. Ngunit ang tanong ay papaano natin malalaman kung nasaan ito? Maaari rin naman na ang tinutukoy kong lugar na ito ay nakatago lamang sa mismong bahay na kaniyang tinitirahan. Nagawa mo na bang makapunta sa bahay niya kahit sa isang pag-kakataon man lang?", pag-kokonsulta sa kaniya ni Althea. Tumingin naman kaming lahat kay Sam at hinintay ang kaniyang pag-sagot.
Maaaring tama nga ang hinala ni Althea. Saan pa nga ba pinakamagandang itago ang mga iyon? Wala naman ng iba kung hindi sa pinakaligtas na lugar at iyon ay ang tirahan.
"Hindi pa. Ni isa sa aming lahat ay hindi pa niya nagagawang papuntahin sa kaniyang bahay maliban sa mga pinakapinag-kakatiwalaan niya lamang na mga tauhan ang nag-karoon ng pag-kakataon na makarating roon.", sagot nito.
"Eh, bakit hindi kaya natin subukan na inspeksiyonin ang kaniyang tinitirahan? Malay natin ay marami tayong makakalap na impormasyon roon.", saad ni Alexander.
"Parang imposible naman ata iyang sinasabi mo dahil napakaraming tauhan niya ang nakakalat sa palibot noon at hindi naman sila mga walang-isip para hayaan na lang nila na may makapasok kahit ni isa roon na hindi nila kagrupo at ang mas malala pa ay kalaban nila.", pag-sabat ni Johanna sa usapan.
"Walang imposible kung gugustuhin natin. Marami naman tayong mga maaaring gawin para mag-tagumpay tayo sa gagawin nating iyon.", pag-dedepensa ni James habang ginagamit niya ang kaniyang cellphone.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
General FictionSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...