Pag-pasok namin sa loob ay nakasalubong namin ang ilan sa mga nag-babantay at tinanguan lang nila kami.
"Gusto kitang makasama pa ng mas matagal. Gusto kong mag-kuwentuhan pa tayo. Puwede ka bang makipag-palit na lang kay Merinal? Papakiusapan ko siya. Mabait naman siya, eh.", pag-mamakaawa ko kay Sam. Hindi ko alam pero parang nag-kakaroon na ata ako ng anxiety kahit sa tuwing maiisip ko pa lamang na malalayo nanaman siya sa akin, sa amin.
"Hindi na. Bukas na lang ulit tayo mag-usap. Kailangan mo na rin mag-pahinga.", sabi niya habang nasa tapat na kami ng pintuan kung saan ako nakatalaga.
"Ayoko. Sige na. Please. Nag-mamakaawa ako sa iyo. Natatakot ako. Ayokong mawala ka sa paningin ko. Ayokong mawalay ulit sa iyo.", sabi ko habang pakiramdam ko ay maiiyak nanaman ako.
"Shhh... it's okay. Mag-kikita naman tayo kinabukasan, eh. Pangako ko sa iyo na simula bukas ay hindi na ulit tayo mag-hihiwalay pa. Hindi na ulit kita iiwanan.", pangungumbinsi niya sa akin.
"Hindi ako naniniwala sa iyo kasi promises are meant to be broken. Huwag ka mangako, gawin mo. Sige na, dito ka na lang sa kuwarto namin matulog. Okay lang naman iyon kay Merinal, eh. Please.", pakiusap ko sa kaniya habang hawak-hawak ang mga kamay niya. Sakto naman na bumukas ang pintuan at nakita namin sa loob na gising ang lahat. I froze at my spot for a few seconds before I was finally able to speak.
"Bakit gising pa kayo? Kanina noong umalis ako dito sa kuwarto ay tulog na kayong lahat, ah?", tanong ko sa kanila ng may kaba sa aking dibdib. Nakita ko na nakatitig sila sa aking likuran pababa sa mga kamay namin na mag-kahawak.
"I can explain.", sabi ko sa kanila.
"You don't have to. We already knew.", sabi sa akin ni Bea ng mahinahon at saka binigyan ako ng isang ngiti. Ngiting totoo. Saka lang ako nakahinga ng tuluyan at saka tuluyang pumasok sa loob. Hinila ko si Sam papasok and I can feel that he is hesitating but I still pulled him inside. Hindi ko pa rin binibitawan ang kaniyang kamay.
"Ah, Merinal can I h-", sasabihin ko na sana kay Merinal ngunit pinutol ako ni Sam.
"Don't. Please.", sabi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata at nakita ko ang pag-aalinlangan niya. Binigyan ko siya ng isang malungkot na titig.
"It's okay, Sam. We can swap. Bukas ko na lang kukunin ang ibang mga gamit ko dito.", sabi ni Merinal sabay tayo sa kaniyang higaan at kinuha ang mga kinakailangan niya. Umaliwalas naman ang aking mukha at saka ulit hinarap si Sam.
"See? I told you, she's kind.", sabi ko sa kaniya saka ibinaling ang tingin kay Merinal na papalabas na ng pintuan and I mouthed her a thank you. She just gave me a smile then went outside. Pag-kasarado niya ng pinto ay saka ko ulit hinarap ang mga kasama ko sa kuwarto.
"Just this once. Please.", sabi ko sa kanila habang binigyan ko sila ng nag-mamakaawang mukha.
"What can we do? It's you.", sabi ni Althea and she gave me a look of forfeit. Tiningnan ko naman ang iba at binigyan lang nila ako ng tango at saka bumalik na ulit sa pag-kakahiga. Napadako naman ang tingin ko kay Brandon.
"Nag-tatampo ako sa iyo, alam mo ba iyon?", sabi ko sa kaniya.
"Yeah, I know. Let me make it up to you.", sabi niya saka ako nilapitan at niyakap. Hindi ko pa rin binatawan ang kamay ni Sam."I'm sorry. I just did it for you, for all of you.", sabi niya.
"I know. You don't need to apologize but, you owe me something.", sabi ko sa kaniya saka may ibinulong sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng ngisi.
"Alright.", sabi niya saka bumalik sa higaan niya.
"Hey, what's that?", bigla naman tanong ni Bea.
"Don't be jealous, it's just a treat.",sabi ko sa kaniya saka siya binigyan ng mapang-asar na mukha.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
Narrativa generaleSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...