Chapter 21

225 2 0
                                    

"Good evening, your highnesses.", bati naming lahat at sabay-sabay na yumuko simbolo ng pag-galang namin sa kanila. Binati rin naman nila kami pabalik.

"You can all sit down now.", sabi ni Tita Audrey, ina ni Bea. Sumunod naman kami at nag-siupo sa harapan nila kung saan ay may mahabang upuan na nakatalaga roon. Bago mag-salita si Tita Vanessa na ina ni Johanna ay tinanguan muna niya ang mga nag-babantay sa likod namin. Lumabas naman kaagad ang mga ito at tumayo sa labas sabay isinarado ang pinto.

"Since you all know that the situations these past few weeks had worsen because of all the organizations who are against us have been doing everything just to alert and bring us nothing but pain, we've decided to give you all ten a mission.", pahayag ni Tita Vanessa.

"What we're going to give you will test your abilities to comprehend and analyze critically the things that may or will happen if we do the things we've planned. Who will be affected by it? How much will it affect? And how long and how fast will it last and go?", sabi naman ni Tita Margaux, ina ni Brandon.

"That mission would be to conduct an experiment where you will observe how one individual can fight with as many as he can without failing, how much pain he can withstand, and how long he will last.", pahayag ni Tito Gabriel, ama ni Bea.

"You also need to know the efficiency of our equipments by knowing how much damage it will cause, how large of an area it will affect, how many people it might lose, and what would be its main job.", dagdag pa ni Tito Xavier, ama ni Johanna.

"Will you do it?", pag-tatanong sa amin ni daddy.

"Yes, Sir, we will do it.", sagot namin sa kaniya.

"Good. You can now go back to your quarters and thank you for your time. We need your report next week, Friday at 9:00 a.m. Good night.", sabi niya sabay tayo.

Tumayo na rin kami at nag-paalam sa kanila. Pag-katapos noon ay lumabas na kami at nag-lakad pabalik sa aming kuwarto ng tahimik. Walang kahit ni isa ang nag-tangkang mag-salita sa amin. Siguro ay dahil iniisip na nila ang mga maaari naming gawin sa misyon na ibinigay sa amin. Maging ako ay nag-iisip rin ng mga bagay na maaari namin pag-kuhanan ng karagdagang kaalaman.

Tumingin ako sa likuran at nakita ko si Sam na nag-lalakad mag-isa. Wala nanamang ekspresyon ang kaniyang mukha. Nakakatawa. Paano niya kaya nagagawang ilihim ang dahilan ng bigla niyang pag-babago? Ang dahilan kung bakit siya humiwalay sa amin. Dahil kaya gusto niya kami protektahan o sadyang nag-iba na talaga ang pag-tingin niya sa amin? Napakahirap niyang basahin. Isang sandali ay nakikinita ko na sasabihin na niya ang dahilan pero bigla na lang siya mag-iisip ng malalim at mag-babago na naman ang desisyon niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong lingunin at dahil doon ay kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. Hindi na ulit ako lumingon sa kaniya pag-katapos noon. Buti na lamang at nakarating na kami sa aming kuwarto. Pumasok na ang mga kasamahan ko ngunit bago ako pumasok ay nilingon ko muli siya at ang hindi ko alam ay nakatingin din pala siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngisi at pumunta na sa kuwartong naitalaga para sa kaniya. Hindi ko na iyon inintindi pa at pumasok na ako sa loob.

*****

Lunes ngayon at wala kaming pasok dahil suspendido nga ang aming mga klase dahil sa bagyo. Nandito kami ngayong sampu sa imbakan ng mga armas namin at ginagawa ang misyon na ibinigay sa amin. Siguro ay mas maaga pa sa itinakdang pasahan ng ulat namin ito maipapasa dahil ngayon pa lamang ay malapit na namin matapos ito. May kani-kaniya kasi kaming ginagawa. Bawat isa sa amin ay iba ang ginagawa pero may kaugnayan pa rin naman sa iuulat namin. Lahat ng uri ng armas na mayroon kami rito ay nagawan na namin ng report ayon sa gustong malaman ng mga nakatataas. Naeksamina na rin namin ang iba sa mga tauhan ng organisasyon na kinikilala bilang mga pinakamalalakas sa lahat. Ang kailangan na lang namin gawin ay ang ibigay ang saktong detalye ng kanilang mga katanungan. Marami na kaming mga nakalap na impormasyon at pag-sasama-samahin na lamang namin ito.

A Devil Meets An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon