Nagising ako dahil sa isang katok sa aking pintuan. Nang buksan ko ito ay nakita ko sa labas ang isa sa mga househelps na inassign dito sa tinutuluyan namin.
"Ms. Sofia, nakahanda na po ang mga pagkain. Nasa baba na rin po 'yung mga kasama niyo po. Hinihintay ka na po nila at sabi daw po ni Ms. Bea ay pakisabi daw po sa inyo na bilisan niyo daw po at may sasabihin siya sa inyo.",magalang at nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige po, bababa na rin po ako. Mag-aayos lang po ako saglit ng sarili. Maraming salamat po.",sabi ko sa kaniya.
"Sige po.",pag-kasabi niya noon ay tumalikod na siya at bumaba na ng hagdanan at ako naman ay isinarado ko na ang pintuan.
Ganoon ang pakikipag-usap sa amin ng mga taong nakapaligid sa amin dahil iyon na ang kanilang nakasanayan. Noon pa man ay iyon na daw ang dapat nilang pakikitungo sa amin na naikuwento sa akin minsan ni Mommy noong nag-uusap kami. Iyon daw kasi ang inutos sa kanila ng aming mga pinanggalingan na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin nila kahit matagal na panahon na ang nakalilipas. Nag-silbing tradisyon na ito para sa kanila at maging sa amin na rin.Hinayaan na lang namin ito sapagkat kahit ilang beses na namin silang sinasabihan na huwag silang masyadong maging pormal sa amin dahil parang pamilya na rin naman ang turing namin sa kanila ay iyon at iyon pa rin ang ginagawa nila. Hindi naman namin sila masisisi kasi iyon na ang nakasanayan nila.
Napapanatili pa rin namin ang mga tradisyon, gawi at kaugalian na ipinamana pa sa amin ng aming mga ninuno dahil sabi ng aming mga magulang ay mahalaga raw itong panatilihin sapagkat isa ito sa mga paraan ng pag-papakita ng pag-galang namin sa kanila kahit na wala na sila.
Pag-katapos ko mag-ayos ng aking sarili ay agad akong dumiretso sa baba upang kumain na. Pag-kapunta ko sa hapag-kainan ay nakita ko agad ang aking mga kaibigan na masayang nag-kukuwentuhan at kumakain ngunit hindi ko nakita si Sam. Nang nakita nila ako ay isa-isa nila akong binati ng magandang umaga at ganoon din naman ang ginawa ko sa kanila.
"Mukhang tinanghali ka na ng gising ngayon Sofi, ah.",saad ni Bea.
"Bes, hindi pa naman tanghali ang alas siete ng umaga.",saad naman ni Althea.
"Eh, para kasi sa kaniya ay tanghali na iyon,di ba? Lagi pa nga niya tayo pinag-sasabihan kapag masyado na tayo tinatanghali ng gising na kailangan daw natin mag-karoon ng self-discipline para hindi tayo laging nag-mamadali sa mga gagawin natin.",sagot ni Bea.
"Hayaan mo na siya, Bea. Ngayon lang naman, eh, at saka, grabe naman kasi talaga 'yung ginawa natin kahapon. Nakakadrain talaga. Ako nga, eh, kung hindi lang ako nag-alarm dahil may kailangan akong gawin ay siguradong mas tanghali pa ako magigising kaysa kay Sofi.",sabat ni Brandon.
"Oo na po, grabe, lagi niyo na lang ako pinag-tutulungan. Isa lang ako, okay? Kayo marami. Isa-isa lang naman.",parang nag-tatampong saad ni Bea.
"Oh, sige na at tama na muna 'yang mga kadramahan niyo sa buhay. Pakainin niyo muna si Sofi. Ang gulo niyo kasi, eh, kaya hindi tuloy makakuha ng pagkain.",sabi ni Monique. At dahil nga sa sinabi niya ay nag-siayos na sila ng upo. Pag-katapos namin kumain ay lumabas na kami at pumunta kami sa garden ng tinutuluyan namin at doon kami umupo at nag-kuwentuhan. Mamaya pa namang 10 o'clock 'yung training namin dahil sabi ni Sir Max ay mabilis lang naman daw ang pag-aaralan namin ngayon at 'yun ay kung papaano gumamit ng mga patalim.
Kadalasan kasi ay 7:30 ng umaga kami nag-uumpisa dahil madami kaming kailangang matutunan. Habang nag-kukuwentuhan kami ay biglang dumating si Sam.
"Oh, Sam,buti naman at nandito ka na. Saan ka ba nag-punta at hindi ka namin nakita kanina? Hindi ka tuloy nakasabay sa amin kumain. Inakyat kita sa kuwarto mo para tawagin ka sana kaso ang sabi sa akin ni Ate Carol ay maaga ka daw umalis at hindi mo daw sinabi kung saan ka pupunta.",mahabang paliwanag ni James.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
General FictionSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...