Mabilis na lumipas ang panahon at hindi nila namamalayan na sa isang iglap ay haharap nanaman sila sa panibagong yugto ng kanilang mga buhay. They finished high school with flying colors and as always, Sofia and Sam were their valedictorians. In their case, the two of them were the first ones who graduated in their university twice that had become a tie. Kahit hindi man kaaya-aya ang pag-uugali ni Sam sa ibang bagay ay pag-dating sa talino at talento ay lubus-lubos ang natamasa niyang biyaya. Ganoon din naman si Sofia kaya naman isa ito sa mga dahilan ng kanilang hindi matapos-tapos na kompetisyon sa isa't-isa. Halos lahat ng bagay ay nag-kakaparehas sila ng kinakahinatnan.
Katatapos lang ng kanilang graduation ceremony at maraming mga nagsipag-tapos na ang umalis kasama ang kanilang pamilya upang ipag-diwang ang okasyong ito kaya naman kakaunti na lang ang mga taong natira sa kanilang paaralan upang ayusin ang mga bagay na dapat pa nilang ayusin bago sila tuluyang mag-bakasyon.
"Well, well, well. Here comes one of our valedictorians!", sino pa ba ang hilig mag-umpisa ng gulo? Eh, di, walang iba kung hindi si Andrea. "How do you feel about being tied again with Sam? Siguro, tuwang-tuwa ka nanaman kasi mas lalo ka nang titingalain ng mga taong nasa paligid mo dahil akala nila ay ang galing-galing mo na, eh, ang totoo pala ay isa ka lang namang hamak at mapag-panggap na tao na walang maibubuga? How did you able to do that? You know what? Kung ako sa'yo ay hindi ko na pipilitin pa ang sarili ko para lang makuha ang bagay na hindi ko naman talaga kaya at hindi nararapat para sa akin.", sabi niya na nakapag-pairita sa akin ngunit hindi ko ipinakita sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon.
"Tapos ka na ba mag-salita?", tanong ko sa kaniya at noong hindi na siya nag-salita pa at nakikipag-tagisan na lang ng titig ay nag-patuloy na ako."Well, I'm sorry but I am not you and I will never be. At saka, hindi ba dapat na sa sarili mo mismo sinasabi ang mga bagay na iyan? Alam naman lahat ng naririto ngayon na hindi ako ang mapag-panggap kundi ikaw. Hindi ako ang trying-hard dito kundi ikaw. Huwag mo ng palalimin pa ang usapan dahil kung mag-sasalita ka pa ng mga hindi kaaya-ayang salita ay baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na sabihin ang mga tinatago mong baho bukod pa sa mga kapangitang asal na ipinapakita mo sa amin mula noon hanggang ngayon. Kung insecure ka kasi hindi mo nakuha o wala ka ng kung anong meron man ang ibang tao ngayon ay huwag mo naman masyadong ipahalata kasi mas nag-mumukha kang kawawa. Bakit hindi mo itry kahit minsan man lang na matuwa sa kung ano ang natatamasa ng kapuwa mo at mas pag-butihin pa para kahit papaano ay makuha mo rin iyon? O kaya, kung ayaw mo naman ay mas mabuting manahimik ka na lang sa isang tabi para naman kahit isang araw man lang ay maging mas maganda ang araw namin.", sabi ko sa kaniya.
"How dare you say that to me?", she was about to slap me but I immediately grabbed her arm to stop her from what she was about to do. She was pulling her arm from my grasp but I did not let it go.
"I am the one who has the right to tell you that how dare you because you should be the one who needs to learn a lesson here. Subukan mo ulit na gawin o sabihin ang sinabi at ginawa mo kanina at sinasabi ko sa iyo ay baka hindi ka na sikatan pa ng araw.", pag-kasabi na pag-kasabi ko niyon ay binitawan ko na ang pulsuhan niya ng may lakas kaya naman muntikan na siyang matumba kung hindi lang niya nakontrol ang sarili niya. Bago ko siya talikuran ay binigyan ko muna siya ng isang mapag-bantang tingin bago ako tuluyang umalis.
"Hindi pa tayo tapos!", sabi niya sa akin habang papalayo ako ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at nag-tuloy na lang ako sa pag-lalakad.
Kung akala niya ay palalampasin ko lang ang pang-iinsulto niya sa akin puwes, mali siya ng akala. Hindi ako ang tipo ng tao na hahayaang maagrabyado ang sarili at walang gagawin na kahit ano man lang para maipag-tanggol ang kaniyang sarili. Ang mga taong kagaya niya ay dapat pinapakitaan din ng tapang at sinisindak rin paminsan-minsan upang mag-tino sapagkat kung wala kang gagawin ay mag-papatuloy lang sila sa pananakit sa iyo kaya matuto kang lumaban lalo na kapag alam mo na nasa tama ka at wala kang ginagawang masama sa kanila para gawin nila sa iyo ang mga bagay na iyon.
Isa sa mga kinakailangan na matutunan namin sa papasukan naming mundo ay kung papaano depensahan ang sarili mapa-pisikal man o sa kahit anong aspeto. Kailangan namin maging alerto at maagap sa mga nangyayari sa aming paligid sapagkat kung hindi namin gagawin iyon ay maaaring maisahan kami o mapahamak. Kailangan din namin ng mabilisang pag-iisip at mga galaw upang makontrol namin ang mangyayari. Hindi rin kami dapat mag-pakita ng kahit ano mang emosyon dahil isa ito sa mga maaari nilang gamitin laban sa amin kapag nagkataon. Hindi kami dapat mag-padalos-dalos sa aming mga gagawin at sasabihin ng hindi ito pinag-iisipan at pinag-paplanuhan ng mabuti at ng ilang ulit dahil baka ito ang isa sa maging dahilan ng aming pag-kapahamak.
Bukas ay ang umpisa ng aming pag-sasanay para sa aming pag-konkontrol sa organisasyon balang araw na binuo ng aming mga angkan matagal na panahon na ang nakalilipas upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat miyembro ng aming pamilya at upang mapanatili rin ang aming mga pag-mamay-ari.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
Fiksi UmumSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...