Chapter 10

239 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa aking kuwarto mag-isa at nakaupo sa aking kama habang gumagamit ako ng laptop. I'm doing a research about every single thing that I need to learn about our organization. About the people who are the ones that are controlling other big-time organizations, their assets, their transactions, their backgrounds, where they usually go and what they usually do, and most of them all, how they built and are continuously developing their organizations.

They do all kinds of things that most people would think they can't do but eventually, behind all those sophisticated and glamorous looks, they can do everything they crave themselves to do.

I read a line in one of the books that I am reading that you cannot trust any single soul that is living in your world but only yourself because matter-of-factly, they will just leave you in the end or worst, they can be the reason behind your death. Akala mo sa unang tingin ay mabuti silang tao pero habang tumatagal ay doon lumalabas ang tunay nilang pagkatao. Ang halimaw na matagal na nilang ikinukubli sa loob nila ay unti-unting kumakawala at labis-labis ang pag-nanasang umatake sa mga nilalang na walang kamuwang-muwang sa kung ano man ang mangyayari sa kanila sa hinaharap.

"Looks can really be deceiving.", bigla ko na lang nasabi sa aking sarili.

Noong bata ako ay mabilis kong pinaniniwalaan ang mga aksyon na ipinapakita sa akin ng mga tao bilang isang mabuting bagay na habambuhay na mag-tatagal. Pero habang lumalaki ako ay doon ako namulat sa tunay na takbo ng mundo, sa tunay na takbo ng buhay ng mga tao. Our world is a big mess, a really agonizingly big mess.

Hindi ko alam kung kailan, kung paano, kung saan, kung bakit, o kung sino ang nag-pasimula ng mundong punong-puno ng kaguluhan, ng katiwalian, ng pandaraya, ng walang pag-kakapantay-pantay ng bawat nilalang at marami pang ibang negatibong penomena na nangyayari sa ating paligid.

Akala ko noon ay madali lang ang buhay, kakain ka lang, matutulog ka lang, mag-lalaro ka lang, mag-lilinis ka lang ng sarili mo, okay na ang araw mo, pero mali, maling-mali pala ako. Kahit gaano mo iwasan o takasan ang mga problema at pag-subok na nakahain sa harapan mo ay patuloy at patuloy ka pa ring bumabalik sa sitwasyon na kinalulugmukan mo. Sobrang hirap. Sobrang saklap. Gusto mo ng sumuko, gusto mo na lang mawala sa isang iglap pero kahit gaano katatag ang kagustuhan mong iyon ay wala pa ring nangyayari. Wala ka pa ring nararating.

Imbis na ilang ulit na mag-hinaing tungkol sa mga bagay na nararanasan mo ngayon, tungkol sa mga bagay na wala ka ngayon, bakit hindi mo kaya subukan na tumingin naman sa positibong parte ng buhay mo? Bakit hindi ka na lang matuto na mag-pasalamat sa mga biyayang natatamasa mo sa bawat araw na nagigising ka upang harapin ang mga panibagong hamon na tutulong sa iyo pag-dating ng araw upang maging isang ganap na matatag at punong-puno ng karunungan na indibiduwal? 'Di ba mas maganda kung ganoon? Mas madali ang buhay. Huwag mo nang gawing komplikado pa sa paggawa ng mga bagay na wala namang maidudulot sa iyo na maganda sa bandang huli.

Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay kailangan mong daanin sa dahas ang isang bagay para makuha mo kung ano man o kung sino man ang minimithi mo. Huwag daanin sa masamang gawi. Huwag daanin sa maling paniniwala. Hindi mo kailangan manakit o manggamit ng kahit sino man o ng kahit ano man para makuha ang inaasam mo. Ang inaasam mo na wala namang mabuting maidudulot sa kapuwa mo.

Napapaisip tuloy ako kung bakit ang mga ganitong uri ng tao ay hindi maliwanagan at hindi mapag-tanto na ang mga ginagawa nila ay mali, hindi tama, hindi nararapat. Bakit sila dumaragdag sa kaguluhan na hindi na matapos-tapos pa kung puwede naman silang mamuhay ng tahimik at mapayapa kasama ng mga mahal nila sa buhay? Pero sa simula't-simula pa lang ay alam ko na din naman ang mga kasagutan sa aking mga katanungan.

Ginagawa nila ito para sa kapangyarihan, para sa kayamanan, para sa reputasyon, at para sa kakayahang mag-kontrol at mag-paikot ng mga tao. Nang mga taong hindi kayang buhayin ang kanilang sarili at pamilya, ng mga taong hindi nag-karoon ng pagkakataon na mag-karoon ng maayos na pinag-aralan kaya ginagawa nila ang sa tingin nila ay ang pinakamadaling paraan para malamnan ang mga kumukulo nilang sikmura, para buhayin ang kanilang mga minamahal at mabigyan ng mga bagay na makapag-papasaya sa kanila. At ang bagay na aking tinutukoy ay ang pagkapit sa patalim. Sa patalim na hindi nila alam ay ang unti-unting sisira sa kanilang kinabukasan, sa kanilang itinaguyod na pamilya, at higit sa lahat, sa kanilang buong pagkatao.

Hindi ko namalayan na masyado na pa lang napalalim ang aking pag-iisip sa mga bagay-bagay hanggang sa biglang may kumatok sa aking pintuan. Tumayo ako sa aking higaan upang pag-buksan ang kung sino man ang kumakatok rito. Nang buksan ko ito ay nakita ko sa labas si Johanna.

"Good evening. Tara na sa baba, kakain na daw tayo.",nakangiting sabi niya.

"Good evening din. Sige, susunod na ako. Isasara ko lang 'yung laptop. Mauna ka nang bumababa.",sagot ko sa kaniya.

"Hindi, sige, hihintayin na kita dito.",sabi niya ulit.

"Sige, salamat. Mabilis lang ako.", pag-kasabi ko niyon ay mabilis akong pumunta sa kama at pinatay ang laptop. Bago ako tuluyang lumabas ay sinigurado ko munang nakapatay lahat at nakatanggal sa saksakan ang mga gamit. Pag-katapos kong masiguro ay lumabas na ako sa aking kuwarto at isinarado ang pinto upang bumaba na.

"Tara na.", nakangiting sabi ko kay Johanna. Sumang-ayon naman siya kaya bumaba na kami at pumunta sa dining hall.

Pag-karating namin doon ay nag-hahanda na ang mga tao roon kaya tumulong kami para makapag-simula na rin sa pag-kain. Pag-katapos namin mag-ayos ay sabay-sabay kaming umupo at nag-simula na kumain. Habang kumakain ay nag-kukuwentuhan sila maliban kay Sam habang ako ay nakikinig lamang sa kanila.

"Parang ang seryoso mo ata, Sofi. May problema ba?", biglang tanong sa akin ni Bea ng may pag-aalala sa kaniyang mukha. Dahil sa tanong niyang iyon ay lumingon sa akin ang lahat at halatang may pag-tataka rin sa kanilang mga mukha. I gave them a faint smile then aswered.

"I'm fine, I am just tired, that's all.",sabi ko sa kanila. Mukhang kumbinsido naman sila sa sagot ko kaya nag-patuloy na lang sila sa pag-uusap ngunit may iisang tao na nag-tagal bago inalis muli ang tingin sa akin at iyon ay walang iba kung hindi si Sam. Pinag-masdan ko siya pabalik ngunit pag-katapos rin lang ng ilang sandali pa ay inalis na rin niya ang tingin sa akin at saka nag-patuloy muli sa pag-kain. Pag-katapos namin kumain ay nag-paalam na rin kami sa isa't-isa at umakyat na sa taas upang makapag-pahinga na. Muli kong sinulyapan si Sam at umasang lilingon muli siya sa akin ngunit hindi na ito nangyari pa kaya tuluyan na akong pumunta sa aking kuwarto at nag-pahinga na.

Be kind to everyone. Why? It's just because of the simple reason that they are facing their own battle you know nothing about.

A Devil Meets An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon