Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang ginawa naming operasyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali ang mga organisasyon na kasama sa auction na iyon dahil hindi sila nag-tagumpay sa pakay nila. Hindi rin nila alam kung saan napunta ang mga baril na nakaimbak sa lugar na iyon ngunit iisang grupo lamang ang pinag-hihinalaan nila at iyon ay walang iba kundi kami. Hindi naman nila ito magawang ikompirma dahil wala silang sapat na batayan sa kanilang hinala. Mailap sa kanila ang mga ebidensiya dahil na rin alam nila na hindi madaling makakalap ng impormasyon pag-dating sa mga ginagawa ng aming organisasyon at kakailanganin muna nila ng masusing pag-iimbestiga na mag-tatagal at sa bandang huli ay wala pa rin silang mapapala.
Patuloy pa rin naming inoobserbahan ang grupo ni Mr. Montreal dahil na rin sa mga nakalipas na araw ay hindi sila naging gaanong aktibo sa mga kaganapan na nangyayari at patuloy lang silang nananahimik. Ngunit ang kadalasan ngang sinasabi namin ay mas mabuti nang mag-ingay kaysa naman tumahimik sapagkat kung sino pa ang tahimik ay siya pala ang mas mapaminsala kapag nag-sagawa na ng hakbang. Panigurado ako na may panibago nanaman silang nakahandang sorpresa at hindi lang kami ang daraanan niyon kundi pati na rin ang ibang mga grupo.
Napabalita na rin sa iba't-ibang pahayagan ang nangyaring engkuwentro sa pinag-ganapan ng bidding at kahit ang mga awtoridad ay walang makuhang kapaki-pakinabang na impormasyon. Kahit marami silang nakuhang katawan ay hindi pa rin nila ito magawang makilala dahil lahat ng kanilang mga records ay nakablock at walang kahit sinong kamag-anak man lang ang nag-tangkang kumuha ng mga labi.
Ano pa nga ba ang dapat namin asahan sa mga awtoridad ngayon? Wala na dahil maging sila ay maaari nang bilhin. Kahit sino naman na sa panahon ngayon ay puwede nang mabayaran ang serbisyo. Kaunting sundot mo lang ay bibigay na agad. Para saan pa ang mga sinumpaan nilang salaysay kung sa bandang huli ay babaliin lamang nila ito? Hindi sila karapat-dapat na manungkulan lalong-lalo na sa taumbayan. Nanloloko sila para lang sa popularidad na inaasam nila. Nanggagamit sila para lang sa mga plano na gusto nilang isagawa.
Ngunit katulad rin namin ay may mga nananatili pa ring tapat sa kanilang mga katungkulan. Pinapairal pa rin nila kung ano ang nararapat at tama ayon sa lahat ng klase ng batas. Pero sapat nga ba ang mga batas na ipinapatupad sa ating bansa? Kung ako ang tatanungin, ang magiging sagot ko ay hindi. Bakit? Dahil hindi alam ng pamahalaan kung ano at sino talaga ang mga dapat nilang ipriyoridad, ang mga dapat nilang unahin at bigyan ng karampatang tulong kahit hindi man financially. Inuuna pa nilang ipatupad ang mga batas na kung tutuusin ay hindi naman talaga makatutulong sa mga taong naninirahan sa ating bansa. May mga batas man silang ipinapatupad para sa kabuuang pangkaligtasan at kaunlaran ng bawat mamamayan ay hindi naman ito nagagamit sa tamang pamamaraan.
Sa ibang panig naman ay kulang rin sa kaalaman ang mga pangunahing tao na dapat na nagpapa-tupad ng mga ganitong uri ng batas. Alam man nila ang mga ito ay hindi pa rin sapat ang naibibigay nilang mga kasagutan kapag may nangyari nang aberya. Kulang ang mga impormasyong inihahayag nila kaugnay sa naturang batas o patakaran. Kadalasan pa nga ay hindi kayang solusyonan ng mabilisan ng ilang mga opisyal ang mga pangyayaring kung sa tutuusin ay napakadali lang bigyan ng aksyon.
Kulang man tayo sa mga kagamitan upang mas mapadali ang pagpapa-takbo ng mga kaso at imbestigasyon ay dapat na hindi na ito palalain pa ng dahil lang sa kakulangan ng kaalaman at aksyon ng mga indibiduwal na siya rin mismong nag-papatupad ng mga ito.
Pero hindi lang sa mga awtoridad dapat isisi ang ganitong mga pangyayari dahil una sa lahat ay hindi naman magiging ganito kagulo ang mga sitwasyon kung lahat lang ng taong naninirahan sa mundo ay kayang mag-karoon ng disiplina sa sarili at sa kanilang mga kapaligiran na ginagalawan. Pangalawa, dapat sila rin mismo ay mag-karoon ng kaalaman sa mga karapatan at tungkulin na dapat nilang makuha at magawa upang kapag may nangyari mang hindi kanais-nais ay alam na nila kung ano ang magiging aksyon kaagad. Pangatlo, kung alam na nila na iniisahan sila ng mga may kapangyarihan ay dapat na hindi na sila mag-paloko pa ng tuluyan at sila na lang mismo ang gumawa ng nararapat. Maraming bagay ang kayang gawin ng kahit na sino man kung iisipin lang nila kung ano ba talaga ang dapat. Hindi sila dapat mag-palinlang sa mga pangako at kasiguraduhan na sinasabi sa kanila dahil ang mundo ng politika ay sobrang marumi.
BINABASA MO ANG
A Devil Meets An Angel
Ficción GeneralSa istoryang ito ay masasaksihan ninyo ang mga kaganapan sa buhay ng bidang si Sofia Altamira mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa siya ay naging ganap na dalaga na. Maraming ups and downs na mangyayari dito so sana hanggang sa huli ay suportahan...