Brion Zayn Brillante-Della Verde
"Bawal po kayo sa loob, hanggan diyan lang po kayo sa labas." Ang sabi ng isang Nurse na humarang samin ni Roishua papasok sa emergency room. Agad naman pinasok ng iba pang Nurse ang stretcher kung nasaan ang duguang anak ko.
Napa upo na lang ako sa bangkuan dito sa labas at sinapo ang aking mukha. Diyos ko sana po ay walang mangyareng masama sa anak ko. Hindi ko ho kakayanin ang mawala sya. Hindi ako handa at kahit kailan ay hindi ako magiging handa.
"Brion! What happened?" Ang kabadong tanong ni Kate. Tumingin ako sa kanya kasama nito si Vince na parehing bakas sa mukha ang pagaalala. Sila ang una kong tinawagan dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Ayoko namang tawagan sila Mama at Papa dahil baka ma-high blood lang si Mama. At saka ayokong malaman nila ang totoong nangyare kung bakit nasa ospital ang anak ko ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at agad na lumapit kay Kate at sinalubong ng mahigpit na yakap.
Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya. Sobra akong natatakot para sa anak ko.
"Calm down Brion, everything will be okay." Pagpapakalma nito sa akin habang hinihimas ang likuran ko.
"Ano bang nangyare Brion? Anobang nangyare sa inaanak ko?" Ang tanong ni Kate.
Ano nga bang nangyare sa anak ko? Biglang nag sink in sa utak ko ang buong pangyayare. Kung paano nauntog ang anak ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kate at hinanap ang taong may kagagawan kung bakit nangyare 'to sa anak ko.
Nakita ko ito hindi kalayuan sa pwesto namin nila Kate. Puro dugo ang damit nito at namumula rin ang mga mata dahil siguro sa pag iyak. Pero hindi mabubura ng pag iyak niya ang ginawa niya sa anak ko. Sa anak namin.
Lumapit ako kay Roishua at ng makaharap ako sa kanya ay ginawaran ko siya ng malutong na sampal. Sinuguro kong ibinuhos ko ang buong lakas ko para don.
"Hayop ka Roishua! Pxtang ina mo! Ayos lang sakin na ako ang saktan mo, pero pati ang anak ko dinamay mo! Sariling dugo't laman mo nagawa mong saktan! Ikaw ang dahilan kung bakit naandito sa ospital ang anak ko!" Ang galit na galit na turan ko kay Roishua habang pinaghahahampas ang kaniyang dibdib. Habang sinasaktan ko siya ay hindi ko maiwasang hindi lumuha.
Inaawat naman ako nila Kate at Vince pero hindi ako nagpapigil. Kulang pa 'tong ginagawa kong pananakit sa kaniya para sa mga ginawa niya sa akin. Kulang pa rin yan para sa ginawa niya kay Brian.
"Calm down Brion please." Ang sabini Vince sa akin at kinapitan ang dalawa kong braso para awatin.
"I'm sorry Brion, hindi ko ginusto ang nangyare. Hindi ko sinasadya." Ang paghingi ng tawad ni Roilan. Nasa boses niya ang pagsisi pero hindi sapat iyon. Hindi sapat ang pagsisi niya kumpara sa ginawa niya sa anak namin.
Pilit akong kumawala kay Vince at ng magtagumpay ako ay muli kong ginawaran ng sampal si Roishua.
"Gxgo! Anong hindi mo sinasadya?! Roishua naman. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo itinulak ang anak natin! Txng ina mo! Sabihin mo Roishua, kulang pa ba ang pananakit na ginagawa mo sakin para idamay mo si Brian ah?! Kulang pa ba ang mga sugat at pasang natatamo ko sayo? Napaka demonyo mo para gawin yon sa anak natin! Pag may nangyare lang na hindi maganda sa anak ko, patawarin sana ako ng Diyos kung ano ang magagawa ko sayo!" Ang mahabang ratsada ko sa kanya. Napayuko na lamang si Roishua sa mga sinabi ko.
"Pitong taon Roishua. Pitong taon kong tiniis ang pananakit at panisisi mo sa akin. Tinggap ko ang lahat ng kamao at masasakit na salita mula sayo. Pero hindi ko matatanggap ang ginawa mo sa anak natin." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
FanfictionLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...
