Prologue

1.3K 55 3
                                    

Brion Zayn Brillante-Dela Verde
-PAST-

"Sino ang ama niyan Brion?! Magsalita ka!" Ang bulyaw sakin ni Papa.

Naandito kami ngayon ni Mama sa Opisina ni Papa. Ilang minuto na rin kaming namamalagi dito at tanging hikbi ko ang maririnig kasama na rin ang pag hikbi ni Mama.

Katabi ko si Mama sa isang sofa habang si Papa naman ay nakatayo sa harapan naming dalawa ni Mama.

I'm so very disappointed to myself at alam kong ganon rin ang nararamdaman ng mga magulang ko sakin.

I made my promise to my parents na tatapusin ko muna ang pag aaral ko, bago ako mabuntis.

Pero, heto na. Heto na nga.

Hindi ko magawang masagot ang sagot ni Papa. Tanging pag hikbi lang ang naging sagot ko.

Ngayong buntis na ako. Itatakwil na ba ako ng mga magulang ko? They going to hate me kasi hindi ko natupad ang pangako ko sa kanila?

"Anak, magsalita ka na. Sabihin mo samin ng Papa mo kung anong nangyare, para matulungan ka namin." Ang sabi ni Mama habang hinihimas ang likuran ko.

Lalo akong napaluha. Pati ang mga magulang ko ay madadamay pa sa problema ko.

Humugot ako ng isang malalim na pag hinga bago sinagot ang tanong ni Papa.

"S-si... Roishua po P-papa.." Ang lumuluha kong sagot at saka tumingin kay Papa.

Kita ko sa mukha niya ang galit, inis at lungkot sa mga mata niya.

Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga butil na luhang kumawala sa mata ni Papa pagkatapos kong sagutin ang katanungan niya.

Napahilamos si Papa sa kaniyang mukha.

Napayuko na lamang ako dahil sa sobrang hiya sa kaniya.

Hindi ko kayang tignan sa mata si Papa dahil alam kong ako ang dahilan ng pag luha niya. Kahit kay Mama rin ay ganoon.

Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila.

"S-sorry po P-papa at M-mama.. Hindi ko po ginusto ang n-nangyare.. P-patawarin ninyo po a-ako..." Ang sabi ko at lumuhod sa harapan ni Papa habang ang kaliwa ko namang kamay ay ipinatong ko sa tuhod ni Mama.

"Anak please, mag usap tayo ng maayos. You don't need to that." Ang hagulgol na sabi ni Mama at saka ako tinulungang makatayo. Pati rin si Papa ay tinulungan ako.

Muli akong umupo sa Sofa at ganoon rin si Papa. Pinag-gigitnaan ako ng mga magulang ko.

Akala ko ay hindi ako kakausapin ni Papa pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Lalong nagragasa ang luha sa mata ko ng yakapin ako ni Papa. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin siya pabalik.

Sa mga bisig na ito pakiramdam ko may kasama ako sa pag subok na ito.

Sa mga bisig na ito pakiramdam ko protektado ako.

"P-papa please.. I'm really really sorry.. H-hindi ko ginusto ang nangyare" Ang humahagulgol kong paumanhin kay Papa.

Naramdaman ko ang pag alo ni Papa sa likuran ko.

"Shhh tahan na Brion, i'ts okay? I'm not mad at you anak. Calm down." Pagpapatahan sakin ni Papa.

Ilang minuto rin kaming natahimik. Nanatili pa rin akong nakayakap kay Papa. Hinintay ko muna ang sarili kong kumalma at mukhan ganoon rin ang ginagawa ng mga magulang ko.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Papa atsaka hinarap silang dalawa ni Mama.

"Handa po akong sagutin lahat ng katanugan niyo." Ang sabi ko sa kanila.

"Kailan pa yan Nak? Kailan mo pa nililihim samin ng Papa mo ang pagbubuntis mo?" Ang tanong sakin ni Mama.

Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tanong ni Mama.

"It happened nung birthday party po ni Kate, 2 months ago. I am so drunk that time and i felt so hot po. Hindi ko po alam ang nangyayare sa paligid ko. Ang tanda ko lang po ay may taong nag akay sakin papunta sa isang kwarto. A-at pag gising ko po. I saw Roishua beside me without any clothes at ganon rin po ako." Ang pagsasalaysay ko sa nangyare.

Muli kong narinig ang pag hikbi ni Mama.

Ang mga hikbing yon. Ako ang dahilan non.

Pakiramdam ko ang sama kong anak. Walang ginawa ang mga magulang ko kung hindi bigyan ako na maganda at maayos na buhay pero heto ang naiganti ko sa kanila.

Hindi nila deserve ang masaktan ng dahil sa akin.

"Roishua James Dela Verde. Son of Rolando Dela Verde. Brion sa lahat ng lalake sa mundo sa isang Dela Verde pa?" Ang may halong galit na sabi ni Papa.

Roishua James Dela Verde. My schoolmate.

Tama si Papa. Bakit sa kanya pa? Ang gaya niya ay isang fuck boy. Kilala na maraming nakakamang babae.

Ni hindi sumagi sa isipan ko ang magka gusto sa kaniya kahit may taglay naman siyang kagwapuhan. At mas lalong hindi sumagi sa isipan kong magpabuntis sa gaya niya.

"I'ts okay Papa. I can raise my baby by my own." Sabi ko.

"Hindi Brion, hindi pwedeng maranasan ng apo ko ang walang tatay habang lumalaki sya."

"Pero Papa, pareho naming hindi mahal ang isa't-isa. At alam kong hindi papayag si Roishua na magsama kami lalo na't S-straight po sya."

"This is not about you and Roishua, Brion. Tungkol ito sa apo ko."

"But Papa.." Tutol sana ako ng biglang nag salita si Mama.

"Anak makinig ka sa Papa mo okay? You're Dad is right. This is about your child, isipin mo ang kapakanan ng anak mo. Gusto mo bang habang lumalaki ang anak mo, hinahanap niya ang tatay niya?" Umiling ako sa sinabi ni Mama.

Ayokong maranasan ng anak ko ang hindi kumpletong Pamilya.

Hindi ko ito papangarapin. Gusto kong lumaki ang anak ko ng may Ama. Gusto kong lumaki ang anak ko na kasama ang Ama niya.

"Whether you like it or not, magsasama kayong dalawa para sa apo ko. Did I make myself clear Brion?" Tanging tango na lang ang naisagot ko kay Papa.

Tama sila. Dapat unahin at isipin ko ang kapakanan ng Anak ko.

Dapat lumaki ang anak kong kasama ang Tatay nila. Hindi deserve ng anak ko ang hindi kumpletong pamilya.

BrieMode45
December 21, 2020

DVB I: The Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon