BrieMode45: Na sabi ko na po sa isa ko pong book na "Sorcerer Academy I: The Cursed Child" ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapag update, at dahil nga po iyon sa "Writer's Block" na madalas na kinakaharap ng isang manunulat na kagaya ko. Kaya pag pasensyahan ninyo na kung ang tagal ko pong walang update dito. Sana ay maintindihan ninyo ako.
Thank you sa lahat ng nag votes at nag comments! Love ko kayo😘
Brion Zayn Brillante- Dela Verde
Naandito na kami sa tapat ng bahay nila Kate. Bumaba na si RC sa kotse niya at pagkatapos ay pumunta naman siya sa akin at siya mismo ang nag bukas ng pintuan sakin.
Ngumiti naman ako sa kaniya bago ako bumaba ng kotse niya. Kinuha rin niya ang mga pinamili ko sa likod ng kotse niya. Kinuha ko naman na ito sa kaniya.
Pitong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nagbabago si RC. Napaka Gentlemen pa din niya.
"Salamat sa pag hatid sakin RC." Pasasalamat ko rito. Nginitian naman niya ako.
"Gusto mo bang pumasok muna sa loob para makapag meryenda?" Anyaya ko rito.
"Hindi na Ion, may mga kailangan rin akong asikasuhin eh." Ang sabi naman niya. Tumango naman ako.
"Okay ganon ba. Osige salamat ulit sa pag hatid sakin." Ang pasasalamat ko ulit.
"You're welcome Ion. Ngapala pwede ka ba mamayang gabi? Mag dinner sana tayo." Ang tanong nito sa akin. Mamayang gabi?
Inisip ko. Wala naman akong ibang gagawin mamayang gabi.
"Pwede naman." Sagot ko at tipid na ngumiti.
Saka nahihiya rin ako na tanggihan si RC. Lalo na't iniwan ko siya ng malaking katanungan sa isip niya seven years ago. At sana sa paraan na ito ay makabawi man lang ako.
"Thanks. Sunduin kita mamaya dito ng 7:30 pm." Sabi niya at tumano na lang ako.
"Osiya, mauna na ako Ion. Asahan kita mamaya ah." Sabi niya sa akin.
"Sige, ingat ka sa byahe ah." Paalala ko dito. Nginitian na lang niya ako at pumasok na sa loob ng kotse niya. Binuhay na niya ang makina nito at makalipas ang ilang sandali ay pinaandar na niya ang kotse niya. Inintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila Kate.
Agad naman akong sinalubong ng katulong nila Kate na si Manang Biding at kinuha ang mga pinamili ko. Maging si Kate rin ay sinalubong ako.
"Where's Brian?" Tanong ko dito ng makalapit siya sa akin.
"Nasa taas, kasama ni Vince naglalaro ng XBox." Sagot nito sa akin.
"Bakit natagalan ka sa pag go-grocery Brion?" Ang biglang tanong sakin ni Kate. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit?
Pero baka pag sinabi ko naman sa kaniya kung bakit, tiyak uusok na naman ang ilong nito lalo na't galit din siya kay RC dahil sa ginawang panloloko nito sa akin noon. Knowing Kate, matagal makalimot yan sa mga issues.
"Ahm may dinaanan lang ako." Ang sagot ko dito. Naglakad naman siya papuntang salas kaya naman sumunod ako sa kaniya. Umupo ito bago muling nag salita.
"May dinaanan ka ba talaga kaya ka natagalan o kaya ka natagalan dahil may kasama ka?" Ang makabuluhang tanong nito sa akin.
Umupo naman ako bago nag salita.
"What are you talking about?" Ang maang-maangan na tanong ko dito. Napa irap naman siya.
"Come on Brion, don't lie to me. Nakita mo may lalaking nag hatid sayo dito. So sino siya?" Ang maarteng tanong nito sakin.
BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
FanficLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...