T.H.S. Chapter Nine

1K 50 0
                                        

Brion Zayn Brillante-Dela Verde

Nagmadali akong lumbas sa building na ito at tumakbo sa parking lot na lumuluha.

Pag dating ko doon ay agad akong sinalubong ni Vince.

"Brion, what happened? Why are you crying?" Ang alalang tanong nito sa akin.

"S-saka ko na sasabihin. Bumalik na tayo ng ospital Vince please. Ayoko na dito." Ang sabi ko dito at pinunasan ang mga luha na umagos sa mukha ko.

Hindi na ako pinilit ni Vince at inalalayan akong sumakay sa kotse niya. Ini-start na ni Vince ang kotse at makalipas ang ilang segundo ay inumpisahan na niyang paandarin ito.

Gusto kong lumayo kay Roishua. Gusto kong lumayo sa lugar kung nasaan siya. Gusto kong mawala na siya sa buhay ko. Pero hindi pa pwede ngayon. Hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa siya ng anak niya.

-----*****-----

"Ang kapal ng mukha ng asawa mo Brion! Nakuha pa nyang makipag tirahan sa ibang babae habang ang anak nyo naandito ng dahil sa kaniya!" Ang galit na galit na sabi ni Kate habang palakad lakad dito sa kwarto.

Ikinewnto ko na kasi sa kanila ni Vince kung anong nakita ko at nangyare kanina sa opisina ni Roishua.

"Calm down Kate please. Hindi mo kailangang sumigaw." Sita ko dito. Sobrang lakas kasi ng boses nitong si Kate. Buti na lang at nasa private room ang anak ko.

"Calm down? Hindi ako makakalma hangga't hindi ko nasasampal yang magaling mong asawa ta ang secretary niyang makati. Vince common. Pupuntahan natin si Roishua." Sabi nito at lumapit kay Vince at hinigit ito mula sa pagkakaupo nito.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin kay Kate ang nangyare kanina. Pati na rin ang pananakit sa akin ni Roishua. Alam kong magagalit siya ng husto at baka sinaktan pa niya si Roishua kahit lalaki ito.

"Kate I'm begging you. I'm tired. Pagod na ako sa gulo ngayon. Please wag ka ng dumagdag pa." Pakiusap ko dito. Nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon nito. Umupo na ito sa tabing bangkuan ni Vince.

"Sorry Brion. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Masyado ng makapal ang kalyo niya sa mukha. Bakit ba kasi pinatagal mo pa ang relasyon nyo Brion? For fxcking sake. Hiwalayan mo na yang gxgong yan. You're relationship with him is not healthy anymore." Bigla ko namang naalala ang divorce paper na nakuha ko kanina.

Dapat ko na talaga pirmahan iyon. Ayoko ko na. Pagod na pagod na ako. Suko na ako. Hindi ko na kaya pang lumaban.

Kailangan ko na siyang ibalik sa taong dapat naman ay nagmamay-ari talaga sa kanya. Ibabalik ko na ang buhay na sinira ko.

Masakit man para sakin ang gawin ito, pero tama si Kate. Hindi na healthy ito at masyado ng toxic. Simula pa naman talaga ay toxic na itong relasyon namin ni Roishua pero pilit ko pa ring pinagsiksikan ang sarili ko sa kaniya.

Tatapusin ko na ang pagdudusa at paghihirap ko sa piling ni Roishua. Oras na parang ibalik ko sa tama ang lahat. Oras na para gawin ang tama. At ito ang palayain namin ang isa't-isa sa magulong buhay na 'to.

"Kung pagod ka Brion, you can sleep. Kami muna ang bahalang magbantay kay Brian. You need a rest." Ang sabi ni Vince sa akin.

Tama siya kailangan ko na ng pahinga. Pahinga para sa lahat ng nangyare sakin.

Roishua James Dela Verde

"FXCK!" Ang hiyaw ko at inihagis ang baso sa harapan ko. Naandito pa rin ako sa opisina ko at nilululong ang sarili sa alak.

Kahit na pinipilit kong ilunod ang sarili ko sa alak ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Brion. Ang asawa ko.

For fxcking 7 years. Sinisisi ko si Brion. Sinisisi ko siya dahil sinira niya ang buhay ko.

Sinisisi ko siya dahil hindi ko magawang pakasalan ang babaeng mahal ko. Hindi ko magawang pakasalan si Angeline.

Pagkatapos sabihin sakin ni Brion ang mga hinanakit niya sa akin. Bigla akong natauhan.

Pxtang ina. Walang kasalanan sakin si Brion. Hindi niya kasalanan kung bakit nasira ang buhay ko. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako.

Ako ang dapat sisihin kung bakit nangyare samin ni Brion ito. Kung hindi ko nilagyan ng drugs ang alak na ibinigay ko sa kaniya noon hindi siya mabubuntis. Hindi siya makakasal sakin. Hindi niya naranasan ang malulupit na kamay ko. Hindi niya mararanasang masabihan ng masasakit na salita mula sakin.

Nang makita ko ang mga luhang kumakawala kanina sa mga mata ni Brion parang may kung anong bagay ang kumurot sa puso ko. Paano ko nagawang paiyakin ang isa sa mga pinaka magandang pares ng matang nakita ko?

Lahat ng mga nagawa ko kay Brion ay pinagsisihan ko na ngayon. Kahit huli na para magsisi ako. Anong klaseng tao ako para magalit sa taong wala namang kasalanan sakin? Anong klaseng Asawa ako at nagagawa kong saktan si Brion? At higit sa lahat, anong klaseng Ama ako at nagawa kong saktan ang anak ko at ngayon nasa ospital siya ng dahil sa ginawa ko.

Nang makita ko ang duguan kong anak. Sobra akong natakot para sa anak ko. Ako ang may gawa kung bakit siya nasa ospital. Hindi ko alam kung pwede ko pa ba siyang tawaging anak ko pagkatapos kong gawin ang bagay na yon sa kaniya.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Fxck, ngayon ko lang naranasan ang umiyak ng ganito. Nang hiwalayan din ako ni Angeline noon ay hindi ko nga nagawang umiyak. Pero iba ngayon. Simula ng maospital si Brian ay may kung ano ng gumugulo sa puso ko. Hindi ko dapat nararamdaman 'to kay Brion. Dapat ay galit lang ako sa kaniya na lagi ko namang gingawa. Pero bakit biglang lumambot ang bato kong puso ngayon kay Brion?

Kinuha ko ang bote ng alak at nilagok ang natitirang laman nito. Marami akong kasalanang nagawa kay Brion. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilan 'to. I don't know, how many times na lumapat ang kamay ko sa mukha niya. I don't how many times na nagkama ako ng ibang babae. Marami akong ginawang mali. At handa akong pagsisihan ang lahat ng yon.

Handa rin akong itama ito. At sana lang ay hindi pa huli ang lahat para maitama at makabawi ako kila Brion at Brian. Sana ay magawa nila akong mapatawad sa mga bagay na nagawa ko sa kanila. Sana mapatawad nila ako.

Kahit lumuhod pa ako sa harapan nila o kung ano pa man, gagawin ko. Makuha ko lang ang kapatawaran nila. Handa akong gawin ang lahat.

BrieMode45
January 02, 2021

DVB I: The Husband's SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon