T.H.S. Chapter Thirteen

797 42 2
                                    

Brion Zayn Brillante-Dela Verde

"Brian, halika na at kakain na tayo." Ang tawag ko dito mula sa kusina. Nang hindi ako makakuha ng tugon kay Brian ay sinilip ko ito.

Nasa may sala siya at nakatuon ang mga mata sa Television. Iniwan ko muna saglit ang naka hain na pagkain sa hapag at pinuntahan ito sa sala. Pag dating ko dito ay hindi ako nagkakamali at pinapanood na naman niya ang paborito niyang penikula. Ang The Lorax. Hindi ko alam kung bakit pinapanood pa rin ito ni Brian, paulit-ulit na lang. Hindi na rin bilang sa daliri kung ilang beses na ba niyang napanood ito.

Mukhang hindi nga niya narinig ang pag tawag ko sa kaniya at hindi rin niya pansin ang presensya ko.

"Brian Joshua." Ang ma awtoridad na tawag ko dito pero hindi pa rin ako binigyan nito ng pansin. Kahit nga bigyan ng tingin ay hindi niya nagawa.

Kinuha ko ang remote at dahil sa inis ko ay pinatay ko ang T.V.

Napalingon naman ito sa akin at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"Mama why did you turn off the T.V?" Ang may halong lungkot na tanong nito sa akin. I raise my right eyebrow before I answer his question.

"Ilang beses ba kitang sasabihan na masamamng pinag aantay ang pagkain Brian Joshua? Kanina pa kita tinatawag, bakit parang wala kang nadidinig?" Panenermon ko dito. Ngumite ito ng labas lahat ang ngipin. Eto na naman po siya, gagamitin na naman niya ang ka cute-tan na taglay niya.

"Mama pagtapos na po ng pinapanood ko, please?" Sabi nito at ipinagdikit pa ang dalawang palad na akala mong nagdarasal. Nag pout pa ito ng lips niya. Sorry Nak, pero hindi uubra sakin ngayon yang technique mo.

"No." Ang mariin na sabi ko. "Pag oras na ng pagkain, kakain ka na. Do you understand?" Dagdag ko. Yumuko na lang ito at marahang tumango.

"Let's go." Pag aya ko dito. Tumungo na ako sa kusina habang nakasunod sakin ang bulilit.

"Mama ano pong ulam natin?" Tanong nito. Tinulungan ko muna itong maka upo. Medyo mataas kasi ang upuan dito sa kusina at dahil medyo maliit si Brian ay kailangan pa niyang alalayan para maka upo.

"Ginisang ampalaya." Ang sagot ko dito at ipinakita ko sa kaniya ang mangkok kung saan ko inilagay ang ulam na niluto ko. Napasimangot siya ng makita ito at napatingin sakin.

"Mama, hindi po ako nakain niyan." Ang sabi nito. Kumakain naman gulay si Brian pero pili lang. At dahil isa akong magulang ay sinasanay ko siyang kumain ng iba't-ibang klase ng gulay.

"Anong parati kong sinasabi sayo Brian Joshua?" Ang masungit na tanong ko dito at nag cross arm. Hindi naman talaga ako masungit lalo na kay Brian. Pero dumadating talaga ang oras na kailangan ko siya sungitan o tarayan para sumunod siya sa akin.

"Kung ano pong pagkain sa nakahain sa hapag kainan, kailangang kainin at wag ng mamili ng kakainin." Sagot nito. Palihim naman akong natuwa. Nakakatuwa lang kasi na saulo na niya ang mga pangaral ko sa kaniya.

"At anong dapat mong gawin diyan sa nakahain?" Muling tanong ko.

"Kainin po, but Mama.."

"No." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito. Alam ko kasing kukulitin lang ako nito na hainan siya ng ibang ulam. "Anong sabi sayo ng Daddy mo? Be a good boy daw diba? Ang mga good boy ay kumakain ng veggies. Kung hindi mo yan kakainin, ipapa cancel ko na ang lakad natin mamaya sa Daddy mo." Ang pananakot ko dito. Nanlaki naman ang mga mata nito.

"I'm going to eat na po Mama!" Ang sabi nito at saka nag umpisang kumain. Umupo naman ako sa harapan niya at nag simula na ring mag kumain.

Naalala ko tuloy ang naganap kaninang umaga.

DVB I: The Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon