T.H.S. Chapter Four

1K 49 3
                                        

Brion Zayn Brillante-Dela Verde
~7 years later~

Naandito ako ngayon sa kusina at kasulukuyang nagluluto ng almusal para sa anak ko.

"Good morning Mama." Ang masiglang bati sa akin ng anak ko mula sa likuran ko.

Nilingon ko ito at saka nginitian. Naka bihis na it ng school uniform nya.

Makalipas ang pitong taon ay masasabi kong nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng anak na kagaya ni Brian.

Sobrang independent ng batang ito kahit pitong taong gulang pa lang siya. Pero dahil bata pa ang anak ko eh paminsan-minsan ay kailangan pa rin ng tulong nito mula sa magulang.

Bukod roon ay matalino rin ang anak ko. Mabilis niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay.

Sobrang swerte ko sa anak ko. At ang anak ko ang nagsisilbing liwanag ko sa yugto ng buhay kong ito.

"Good morning din baby boy ko." Ang bati ko sa kanya at ngintian siya. Nginitian din naman ako nito pabalik.

Itinuon ko ulit ang aking sa sarili ko sa aking niluluto.

"Ano pong niluluto mo po Mama?" Ang tanong ng maliit na boses sa likuran ko.

"Yung favorite mo po baby boy ko." Sagot ko dito habang nakatuon pa rin sa aking niluluto.

"Yehey hotdog!" Ang hiyaw ng maliit na boses sa likuran ko. Napangiti naman ako ng marinig ko ang hiyaw niya.

Pagkatapos kong mag luto ay pinakain ko na ang anak ko. 6:30 na ng umaga at may pasok pa sya ng 7:00, miya-miya ay dadating na ang school bus na susundo sa kanya.

Nang matapos na siyang kumain, lumabas na kami ng bahay at ilang minuto ay tumigil na ang school bus sa tapat ng bahay namin.

"Be a good boy anak ah? Galingan mo sa school dapat pag uwi mo, marami kang stars ah?" Sabi ko sa kanya pumantay sa kanya.

Nginitian naman ako nito na abot hanggang tenga.

"Opo Mama, gagalingan ko po sa school para maging proud na po sakin si Papa." Ang sabi ng anak ko.

Kahit naka ngiti ito sa akin, kita ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan.

Makalipas ang pitong taon ng mabuntis ako ni Roishua eh, hindi naging maayos ang pag sasama namin. Kahit sa anak namin ay hindi niya pinakikisamahan ng maayos.

Pilit ring inililihim ni Roishua ang tungkol sa kasal namin at pati na rin ang pagkakaroon niya ng anak. Bumili rin siya ng isang bahay sa isang tagong village kung saan kami naka tira.

Pitong taon. Pitong taon akong nagtitiyagang pakisamahan siya para sa anak ko. Ayokong lumaki ang anak ko na hindi kumpleto ang pamilya niya. Sa sobrang bait ng anak ko hindi niya deserve ang broken family.

Sobra akong nasasaktan dahil sa sitwasyon namin ni Roishua. Nasasaktan ako dahil ang anak namin ang naiipit rito. Ang anak ko ang nahihirapan dahil sa pilit na kasal na ito.

Kaya kahit hindi maganda ang pagsasama namin ni Roishua ay nagtitiis na lang ako para sa anak ko. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko.

Nginitian ko na lang ang anak ko.

"Sige na anak, pasok ka na baka ma late ka pa." Ang sabi ko dito at tinulungan siyang makapanik sa school bus. Bago pa ito tuluyang pumasok sa loob humalik muna ito sa pisngi ko.

"Ba-bye Mama, I love you po." Paalam ng anak ko.

"I love you too anak." Sabi ko. Pumasok na sya sa loob ng school bus at ng maka upo siya ay sumilip siya sa bintana at tumingin sakin para kumaway. Kumaway na lang ako pabalik.

Hinintay kong maka alis ang school bus at ng tuluyan ng nawala ito sa paningin ko ay saka lang ako pumasok muli sa bahay namin.

Tahimik lang ang buong bahay pagpasok ko. Wala naman dito si Roishua dahil umalis siya kagabi.

Dumaretso kaagad ako sa kwarto ko. Hindi kasi kami nagsasama ni Roishua sa iisang kwarto dahil pareho naman kaming hindi komportable. Kaya naman may sari-sarili kaming kwarto.

Aaminin ko. Sa loob ng pitong taon na pagsasama namin sa pilit na kasal na ito ni Roishua ay nagkaramdam na rin ako ng pagmamahal para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit at paano.

Pero sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae, nasasaktan ako. May kung ano kirot sa puso ko pag nasasaksihan ko ibang babae ang nakakapag bigay sa kanya ng kailangan niya na dapat na akong asawa niya ang nagbibigay.

Siguro natural lang na maramamdaman ko ang sakit na iyon d-dahil asawa niya ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumaretso kaagad ako sa cr para maligo.

Pag hubad ko pa lang ng mga kasuotan ko ay naramdaman ko kaagad ang kirot sa katawan ko. Humarap ako sa body mirror dito sa banyo at sinuri ang buong katawan ko.

May ilan akong pasa sa iba't-ibang parteng katawan ko. Pasa na kagagawan ng Asawa ko. Pasa nakakakagawan ni Roishua.

Oo. Sinasaktan ako ni Roishua pero hindi naman madalas mangyare iyon. Nangyayare lamang yon pag naka inom siya.

Nasasaktan niya ako dahil sa nangyare sa amin. Sinisisi niya ako kung bakit hindi niya magawang pakasalan ang babaeng gusto niya. Galit na galit siya sa akin dahil natali siya sa kasal na 'to. Natali siya sa akin.

Ni hindi ko magawang makalaban. Ano bang laban ng patpatin kong katawan laban sa matipuno niyang katawan?

Pasalamat na lang ako at hindi narinig ng anak namin ang ginawa niyang pananakit sa akin kagabi.

Ayokong masaksihan ng anak ko kung ano ang ginagawa ng tatay niya sa akin. Ayokong makita niya kung paano ako pagbuhatan ng kamay ni Roishua. At lalong ayokong marinig niya ang masasakit na salitang binabato sa akin ni Roishua ng paulit-ulit.

Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin naman ako dahil hindi nagagawang saktan ni Roishua ang anak namin. Ayos na sakin na ako ang saktan niya, huwag lang ang anak namin.

Hindi rin alam ng mga magulang ko ang tungkol sa pananakit na ginagawa ni Roishua sa akin. Dahil sa oras na malaman nila ito, alam kong ilalayo nila kami ng anak ko kay Roishua.

Pagkatapos niya akong saktan kagabi ay umalis siya dito sa bahay. Hindi ko alam kung saan siya nag punta. Gusto ko sana siyang i-text o tawagan pero alam kong mas lalo lang siyang magagalit pag ginawa ko iyon.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakaharap sa salamin.

Pinunasan ko ang mga luhang kumakawala sa mata ko.

Kakayanin ko 'to. May dahilan pa para mag tiyaga ako. At ito ang bigyan ng buong pamilya ang anak ko. Hangga't kaya pa ng katawan ko ang pananakit na ginagawa ni Roishua, hindi ako susuko. Handa akong gawin ang lahat para lang sa anak ko.

BrieMode45
December 27, 2020

DVB I: The Husband's SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon