T.H.S. Chapter Seventeen

1.1K 54 31
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyang nasa Mini Bar sa mansyon ng mga magulang niya si Roishua at nagpapaka lunod sa alak. Dito niya mas piniling umuwi sa loob ng dalawang linggo sa kadahilanang ayaw niyang umuwi sa bahay niya kung saan kasama niyang naninirahan ang asawa't anak. Naaalala lamang kasi niya ang mga ito at nagsisisi sa mga bagay na nagawa niya.

Sa loob ng dalawang linggo ay hindi nawaglit sa kaniyang isipan ang kaniyang asawa at anak. Walang oras na hindi sumasagi sa isipan niya ang mga ito. At ngayong tuluyan na siyang iniwan ni Brion at ng anak nilang si Brian ay hindi niya maiwasang magsisi. Sa isip-isip niya ay dapat ng una pa lang ay pinahalagahan na niya ang mga ito at hindi binaliwala. May kasabihan nga na nasa huli ang pagsisisi.

"Madami ka ng nainom." Ang sabi ng isang lalaki mula sa likuran ni Roishua. Ang kapatid niyang si Malich. Umupo ito sa tabi niya at kumuha rin ng alak na kaniyang iinumin. Nilingon ito ni Roishua.

"You don't have a shooting today?" Tanong ni Roishua dito at muling lumagok ng alak. Kahit na nakakailang inom siya nito ay hindi pa rin nawawala ang pait na dumadaloy sa kaniyang lalamunan.

"Tapos na." Maiksing sagot ng kapatid niya sa kaniya.

"Balita ko, mataas daw ang ratings ng teleserye ninyo." Sabi ni Roishua.

"Yeah, it because of LJ. As usual, magaling siya sa pagiging kontrabida." Sabi ni Malich na may ngiti sa labi. Nakita naman ni Roishua ang pag ngiti ng kapatid ng mabanggit si LJ. Alam niyang hindi basta simpleng ngiti ito.

"You like him?" Ang may panunuksong tanong ni Roishua sa kapatid. Napatawa naman ng mahina si Malich sa tanong ng makakatanda niyang kapatid.

"I don't know. But he's attractive." Sagot naman ni Malich.

"I think you like him brother." Sabi ni Roishua. Napangiti na lang si Malich sa sinabi ng kapatid.

"How did you say so?" Ang tanong naman ni Malich kay Roishua.

"Because I can see in your eyes that you had a feelings for him." Sagot ni Roishua.

"Maybe? Pero isang bagay ang sigurado ako. Ayokong mawala siya sakin." Ang sabi ni Malich. Sabay na lumagok ng alak ang magkapatid.

"Ikaw Kuya? You had a feelings for him?" Ang biglang tanong ni Malich. Tinignan naman ni Roishua ang kapatid na puno ng pagtataka ang mukha.

"What are you talking about?" Umiling-iling na lamang si Malich. Hinarap niya ang kaniyang nakakatandang kapatid at saka nag salita.

"Kuya hindi mo ako maloloko. The guy in the mall two weeks ago. I know that guy is you're husband right?" Ang sabi ni Malich.

Alam ni Roishua na ang kapatid niyang si Malich ang mahirap taguan ng sikreto. Kaya nga sa pitong taon na itinatago niya ang asawa't anak ay nag iingat siya dahil baka nga malaman ni Malich ang tungkol rito.

"How did you say so?" Ang pang gagayang tanong ni Roishua sa kapatid.

"You and that guy had a same ring. And that little kid, he look's like you. Hindi maitatanggi na anak mo siya." Ang sagot ni Malich.

Napa buntong hininga na lamang si Roishua at muling lumagok ng alak. Sa isip-isip niya ay hindi niya maitatanggi sa kapatid ang tungkol kay Brion at sa anak niyang si Brian. Kilala niya ang kapatid at alam niyang hindi naman nito sasabihin sa iba pa nilang mga kapatid ang tungkol kila Brion.

DVB I: The Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon