Brion Zayn Brillante-Dela Verde
"Osige na Brion, ako na muna ang bahalang mag bantay sa inaanak ko." Ang sabi sa akin ni Kate.
Nakalipas na ang isang araw na naka-admit sa ospital ang anak ko. Hindi ko na nagawa pang umuwi kahapon dahil ayaw kong mawalay sa anak ko. Gusto ko kasi na kung magising man siya ay ako ang una niyang makita. At isa pa ay walang ibang magbabantay sa anak ko.
Palabas ako ng ospital ngayon kasama si Vince para umuwi at kumuha ng damit sa bahay. Mukang matatagalan din ata kami dito sa ospital kaya't kailangan namin ng pamalit na damit.
Pupuntaha rin namin ni Vince si Roishua. Tanghali na ngayon at alam kong nasa trabaho na siya. Naandon na siya sa kompanyang pagmamay ari niya.
Balak ko sana siyang kausapin para sa kailangan na pag salin ng dugo ni Brian para mamaya.
Pasalamat na lang ako at muling pumunta dito sila Kate at Vince kaya naman may magbabantay kay Brian ngayon.
"Salamat Kate." Ang sabi ko dito. Nginitian niya ako bago muling nag salita.
"Wala yon Brion. Para san pa't naging mag best friend tayo? You need me right now, kaya hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka." Sabi niya sa akin. Ako naman ang napangiti dahil sa sinabi niya.
Laking pasasalamat ko sa Diyos at binigyan niya ako ng kaibigan na kagaya ni Kate at Vince na handang tumulong sa akin kung kailan ko pinaka kailangan.
Lumabas na kami ni Vince sa ospital at pumunta sa parking lot para sumakay sa kaniyang kotse. Pinasama talaga ni Kate sa akin si Vince. Nang marating namin ang kotse niya ay agad kaming sumakay dito at tinungo ang daan papunta sa bahay namin.
Makalipas ang ilang minuto ng biyahe ay narating na namin ang bahay namin nila Roishua.
Dumaretso agad ako sa loob ng bahay. Hindi na sumama sa akin si Vince. Ang sabi niya ay aantayin na lang niya ako sa labas ng bahay.
Nang makapasok ako ay agad kong tinungo ang hagdanan papunta sa kwarto ng anak ko. Pumasok kaagad ako rito at kinuha ko ang malaking bag sa cabinet ni Brian at doon inilagay ang mga damit niya. Nang matapos ako ay sa kwarto ko naman ako kaagad nag tungo. Kumuha lang ako ng mga ilang damit na susuotin ko.
Pagkatapos kong mag gayak ay agad rin akomg bumaba. Pag baba ko ay naagaw ng atensyon ko ang isang brown envelope na nakapatong sa lamesa dito sa may salas. Kinuha ko ito at tinignan kung ano ang nasa loob.
Divorce paper. Oo tama divorce paper ang masa loob ng envelope. Siguro ay balak na rin talaga akong hiwalayan ni Roishua. Muli, siguro ay isa na itong senyales na dapat na rin talaga akong makipag hiwalay kay Roishua. Dahil umpisa pa lang ay wala na talagang patutunguhan ang relasyon namin.
Kung patatagalin pa namin ito at ipioilit ang sarili sa sitwasyon na ito ay kapwa kaming mahihirapan. Tama na nga siguro ang mag hiwalay kaming dalawa ni Roishua.
Kinuha ko ito at dinala palabas ng bahay. Agad kong tinungo ang kotse ni Vince at muling sumakay doon. Papunta naman kami ngayon kay Roishua dahil kakausapin ko siya tungkol sa kalagayan ni Brian. Sana lang ay pumayag siya. Sana naman ay gawin niya ito para sa anak naming dalawa.
After 1 hour ay narating na namin ang company ni Roishua. Ipinark muna ni Vince ang kotse saka ako bumaba.
"Ako na lang ang papasok sa loob Vince, hintayin mo na lang ako dito." Ang sabi ko dito.
"Sigurado ka ba Brion? Paano kung saktan ka ni Roishua?" Ang alalang tanong niya sa akin.
"Huwag kang mag alala Vince, hindi ko nanulit hahayaang saktan ako ni Roishua." Sagot ko dito. Bumuntong hininga muna ito bago nag salita.
BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
FanfictionLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...
