T.H.S. Chapter Five

994 47 3
                                        

Brion Zayn Brillante-Dela Verde

Nagising na lang ako na nakababad ang katawan ko sa bathub dito sa banyo ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at nag anlaw ng katawan. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo at nag hanap ng damit na isusuot. Matapos kong mag bihis ay tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Alas-onse na ng umaga at alas-dose ang uwi ni Brian mula sa school. Kailangan ko mg mag luto ng pagkain niya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at tinungo ang daan papunta ng kusina. Pero natigilan ako ng may narinig akong kakaibang tunog na nagmumula sa isa sa mga kwarto dito sa bahay.

Sinundan ko kung saan nagmumula ang kakaibang tunog na iyon at hindi nga ako nagkakamali. Sa kwarto nga ni Roishua. Tumigil ako sa harapan ng kwarto niya at dahan-dahang pinihit ang door knob ng pintuan nito.

Unti-unti kong sinilip ang loob ng kwarto ni Roishua para matiyak ang naririnig kong ingay. At tama ako, muli na namang nakikipag laro ng apoy si Roishua sa ibang babae. Nakita ko ang isang katawan na nasa ibabaw ng katawan ni Roishua.

"Ugh! Shxt make it fast baby." Ang humaling na sabi ng babae kay Roishua.

"Okay ughhh!" Ang sagot naman ni Roishua at binilisan ang pag bayo niya sa babae niya.

Hindi ko na kinaya ang nakikita at naririnig ko kaya naman pinili ko ng isara ang pintuan. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko.

Ako dapat yon eh. Ako dapat ang gumagawa non. Ako dapat ang humiyaw sa pangalan ni Roishua. Ako dapat ang nasa posisyon ng babaeng yon. Kasi ako ang asawa ni Roishua.

Nagmadali akong bumaba ng hagdan at agad ng tumungo sa kusina. Kalimutan mo na lang ang mga nakita mo Brion, okay?

At higit sa lahat dapat ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para kay Roishua. Dahil alam kong kahit kailan at kahit anong gawin ko ay hindi magagawa ni Roishua na mahalin ako. Dahil ako lang naman ang taong sumira sa buhay niya.

Inumpisahan ko na ang pagluluto para sa pananghalian ng anak ko. Grade one pa lang si Brian at haft day ang pasok nito sa school.

Sigurado akong gutom na iyon pag uwi niya.

Napag desisyonan kong mag luto ng Pakbet at Nilagang baboy. Isinalang ko muna ang kanin at sinimulan ng lutuin ang ulam. Makalipas ang 30 minutes ay may narinig akong kaluskos sa likuran ko.

"Brian ikaw na ba yan?" Ang tanong ko habang nakatuon pa rin ako sa aking niluluto. Pero wala akong nakuhang sagot kaya naman nilingon ko ang likuran ko. Imbiss na ang anak kong si Brian ang nakita ko ay ang babaeng kasama ni Roishua ang nakita ko.

Nakatayo ito sa harapan ng lamesa at matamlay na naka tingin sa akin.

"Ikaw ba aang katulong dito? Pagtimpla mo nga ako ng gatas. Ngayon na." Ang supladong utos nito sa akin.

Tinignan ko ito. Hindi naman siya maganda. Ang katawan nito ay hindi rin kagandahan. Medyo angat ang kaniyang puson at halatang lawlaw na ang dibdib nito. Masyadong makapal rin ang kolerete nito sa mukha.

"Anong tinutunganga mo diyan? Kumilos ka!" Ang bulyaw sa akin nito.

Sinunod ko ang utos nito at ipinagtimpla siya ng gatas. Nang matapos kong timplahin ang gatas ay lumpait ako sa kaniya hindi para ibigay ang gatas. Itinapon ko sa kaniya ang gatas na tinimpla ko. Ganyan ang nararaoat para sa mga maarte.

"Excuse me Miss. I am not a Nani, maid, yaya or anything here. I am Roishua's Husband. Kaya wala kang karapatan na utusan at bulyawan ako, lalo na dito sa bahay ng asawa ko. Kaya habang nakakapag timpi pa ako, umalis ka sa harapan ko. Kung may unti ka pang hiya sa katawan mo, umalis ka na dito sa bahay ng ASAWA ko!" Ang hiyaw ko dito. Sandali itong napatulala pero agad rin niyang nabawi ang kamalditahan niya.

DVB I: The Husband's SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon