Brion Zayn Brillante-Dela Verde
Naandito pa rin kami sa ospital ngayon. Kasama ko pa rin sina Kate at Vince, at naandito na rin si Roishua. Simula ng dumating siya dito para magpakuha ng dugo para sa gagawing pag salin ng dugo kay Brion ay hindi ko siya kinikibo. Ni hindi ko nga siya magawang tignan.
Kung hindi lang siya kailangan ng anak ko, ay hindi ko hahayaang pumunta siya rito. Ayokong makita ang kahit isang hibla ng buhok niya. Ayokong makita ang anino niya at mas lalong ayokong maramdaman ang presensya nya.
"Successfull ang pag salin ng dugo sa kaniya. Maaaring mamaya ay magising na siya. I'll excuse myself." Ang sabi samin ng Doctor.
Tumango lang kaming lahat at lumabas na ang doctor.
"Brion, Roishua. We're going outside para makapag usap kayo." Ang sabi ni Vince sa amin ni Roishua.
"No Vince, we will stay here." Ang matigas na sabi naman ni Kate. Alam kong sa mga oras na ngayon ay hindi niya ako hahayaang mag isa dito lalo na't naandito pa si Roishua.
"Kate, hayaan mo muna sila makapag usap. It's family matter, hindi tayo kasali." Ang mahinahon na sabi ni Vince sa kasintahan.
Umirap muna si Kate bago nag salita.
"Fine." Ang sabi niya at lumingon sa akin. "Call me Brion, if anything happens here." Sabi nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
Lumabas na sina Kate at Vince at naiwan kaming dalawa ni Roishua sa loob ng kwarto ni Brian. Umupo ako sa tabi ng anak ko at si Roishua naman sa kabila. Kapwa kaming tahimik at nakamasid lang sa nahihimbing na anak namin.
"Brion." Ang pag tawag sakin ni Roishua. Hindi ko siya pinansin, nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa anak ko.
"Brion look at me please." Pagmamakaawa nito sa akin. Please? For fxcking seven years ngayon ko lang narinig na mag please sa akin si Roishua.
"Kung may sasabihin ka sakin, sabihin mo na. Sa tahimik ng kwartong 'to marirnig kita. Hindi na kita kailangan pang tignan." Ang walang ganang sabi ko dito. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.
"I'm s-sorry Brion." Ang sabi nito na ikinagulat ko pero hindi ako nagpahalata. Sa lahat ng ginawang pananakit at pangloloko niya sa akin kahit isang beses ay hindi ko man lang narinig sa kaniya ang salitang yan. Kahit kailan ay hindi siya humingi ng kapatawaran sa mga bagay na ginawa niya sa akin.
"Alam ko marami akong atraso at kasalanan sayo. Huli man pero nagsisisi ako sa mga ginawa ko sayo at sa anak natin. Handa akong gawin ang lahat para mapatawad niyo ako. Handa akong tanggapin lahat ng galit nyo ng anak natin makuha ko lang ang kapatawaran ninyo." Ang sabi ni Roishua. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.
Noon ko pa gustong marinig ang mga katagang ito kay Roishua. Gusto kong pagsisihan niya ang mga ginawa niya sa akin at sa anak namin. Gusto kong bumawi siya sa amin, gusto kong ayusin namin ang pagsasama namin para sa anak namin. Pero hindi na ngayon. Desidido na akong itama ang pagkakamaling ito. Hindi ko na kaya at diko alam kung kakayanin ko pa.
Pininasan ko ang mga luha ko at kinuha ko ang isang bag kung nasaan ang brown envelope na nakita ko sa bahay kahapon. Kinuha ko ito at iniabot kay Roishua. Nagtaka naman siya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa envelope.
"Alam ko na alam mo kung anong lamang nyan Roishua. Nakuha ko yan sa bahay kahapon." Panimula ko.
"Handa akong pirmahan yan Roishua. Handa na akong palayain ka sa kulungan na ginawa ko. Handa na akong ibalik ka sa taong nag mamay ari sayo. Handa na akong ibalik sayo ang buhay na kinuha ko sayo. Hindi mo na kailangan pang bumawi sa amin ni Brian o kung ano pa man. Let's end our marriage. Let's end this." Pagpapatuloy ko. Sobrang hirap para sa akin na sabihin ang mag ito pero tanggap ko na kahit ikinasal kaming dalawa ni Roishua ay hindi kami ang nararapat na magkasama habang buhay.

BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
FanficLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...