Brion Zayn Brillante- Dela Verde
"Were here." Ang anunsyo ni Roishua samin. Naandito na kami sa tapat ng bahay namin at kasalukuyang nasa loob pa kami ng kotse ni Roishua. Katabi ko si Brian dito sa back seat, alam kong naiilang pa rin siya sa ama kaya mas pinili niya ang tumabi sakin.
"Ako na ang mag bubukas ng gate." Pagpiprisinta ko. Wala naman kasi kaming katulong kaya walang ibang magbubukas ng gate para samin. Saka eto rin naman ang lagi kong ginagawa pag tuwing uuwi dito si Roishua.
Ayaw din kasi talagang kumuha ng katulong ni Roishua dahil baka daw kumalat ang tungkol sa namamagitan sa amin. Isang sikat na business man si Roishua at galing sa kilalang pamilya si Roishua. Magiging malaking kasiraan daw kung malalaman ng iba ang tungkol sa amin.
Bumaba na ako at tinungo ang gate at binuksan ito para makapasok ang ktse ni Roishua sa loob ng bahay. Pagpasok ng kotse ni Roishua ay agad na bumaba si Brian at pumunta sa akin. Sumunod naman si Roishua ay kinuha ang mga gamit namin bago pumunta sa amin ni Brian. Alam kong natatakot ang anak ko ngayon dahil andito kami sa bahay, ni kahit ako rin ay nakakaramdam din ng takot.
Sa bahay kung saan ako madalas mapagbuhatan ng kamay, at sa bahay na 'to naganap ang hindi magandang pangyayare kay Brian.
"Kung iniisip ninyo na sasaktan ko kayo pag pasok ninyo sa loob, nagkakamali kayo." Ang mahinahon na sabi ni Roishua sa amin. Siguro ay ramdam niya ang takot naming dalawa ni Brian.
"Come on, let's go inside." Ang sabi niya at pumasok sa loob ng bahay habang bitbit ang gamit namin ni Brian. Sumunod naman kami dito.
Sana lang ay hindi na nga kami makaranas ng pananakit kay Roishua. Kahit sa loob lang ng isang buwan.
----------*****----------
"Sleep na baby boy ko, para makabawi ka ulit ng energy na nawala sayo. Saka para next day makapasok ka na sa school." Ang sabi ko kay Brian. Lumipas ang mag hapon na naandito kami sa bahay ni Brian ay wala namang ibang naganap.
Ang totoo niyang ay maghapon ring nakakulong si Roishua sa opisina niya dito sa bahay. Ang sabi niya sa akin ay marami daw siyang trabahong dapat tapusin. Nakumpirma kong marami nga siyang trabahong ginagawa dahil ng pumunta ako sa opisina niya kanina para dalhan siya ng pagkain, nakita ko ang tambak na gawain niya sa kaniyang lamesa.
"Mama can I ask you before I sleep?" Ang tanong sakin ni Brian.
"Yes naman Nak, ano ba yung itatanong mo?" Sabi ko naman.
"Hindi na po ba talaga tayo sasaktan ni Daddy? Especially you po?" Tanong niya.
"Kasi Mama kung gagawin nya po ulit yon, let's leave him na po." Pagpapatuloy nito. Nginitian ko naman siya bago sumagot.
"Hindi na Nak, kaya wag ka ng mag worry okay? Your daddy will never hurt us again." Sagot ko. Alam kong may isang salita si Roishua dahil sa pitong taon rin na pagsasama namin ay napatunayan ko ito. Basta't sinabi niya ang isang bagay, yun ang gagawin niya.
"Pero paano po pag ginawa niya ulit yon?" Ang muling tanong niya. Sumagi na rin sa isipan ko ang tanong na yan. Paano nga ba kung saktan ulit ako o si Brian ni Roishua? Paano kung hindi niya mapanindigan ang sinabi niyang hindi niya kami sasaktan ulit?
Ang naisip ko lang na solusyon ay ang iwan na na ng tuluyan si Roishua. Kung sa loob ng isang buwan ay magawa niya muling saktan ang kahit sino samin ng anak ko ay hindi ako mag dadalawang isip na hiwalayan siya. Dahil ginawa ko lang naman 'to para magkaayos silang dalawang mag ama, pero kung magagawa niy a muli ang mga bagay na nagawa na niya noon ay wala na akong balak pang pataglin at paabutin ng isang buwan ang bagay na ito.
"Ay nako Nak, matulog ka na lang. Enough na sa questions please?" Sabi ko dito at dinampiaan ang bawat parte ng mukha nito. Sumunod naman ay dinampian ko ng halik ang kaniyang leeg na nagpahagikhik sa kaniya.
Napuno ng tawa ang kwarto ni Brian.
"O-opo Mama, enough na po di na po ako mag ask ulit." Ang habol hiningang sabi nito. Namumula na rin ang mukha nito kaya tinigilan ko na ang pagkiliti sa kaniya. Bigla namamg naagaw ang atensyon naming dalawa ng anak ko ng may narinig kaming katok mula sa labas ng kwarto.
Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Brian at niluwa nito si Roishua na nakasuot na ng pajamas niya at may dalang unan.
Anong ginagawa niya at anong balak niya?
"Good evening." Ang bati nito sa amin at binigyan kami ng tipid na ngiti. Tumango naman ako dito bilang tugon.
"Are you going to sleep buddy?" Ang tanong nito kay Brian. Napatingin naman sakin si Biran. Alam kong na iilang siya sa trato ng ama niya ngayon, pero gusto kong masanay siya rito. Nginitian ko ito at saka sinenyasan na sagutin ang tanong ng ama. Lumingon muli ito kay Roishua at saka nagsalita.
"Good evening D-daddy, yes po I'm going to sleep." Sagot nito. Medyo na bulol pa ito sa 'Daddy'. Hindi naman kasi nakasanayan ni Brrian ng tawagin na Daddy si Roishua lalo na kapag kaharap ito.
"Can I sleep with you?" Ang tanong muli ni Roishua. Nakita ko naman ang pag silay ng ngiti sa mga labi ni Brian.
"Yes po daddy!" Ang masiglang sagot nito. Ramdam ko ang excitement ng anak ko dahil ito ang unang pagkakataon na tatabihan siya ng ama sa pag tulog.
Ngumiti naman si Roishua at lumapit na sa direksyon namin. Pumunta ito sa kabilang side ni Brian at nahiga habang ang kaniyang ulo ay naka unan sa kaniyang kamay. Tumayo naman ako sa kama ni Brian.
"Ahm Roishua, i-ikaw na ang bahalang mag patulog sa kanya. Good night Nak, sleep well." Ang sabi ko dito at saka hinalikan sa pisngi.
"Mama saan ka po pupunta?" Ang tanong nito sa akin.
"Sa room ko Nak, Mama is tired na rin. I want to sleep na din." Sagot ko dito.
"But Mama, you can sleep here po sa room ko." Sabi naman nito. Napatingin naman ako kay Roishua na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin. Umiwas agad ako ng tingin dito at muling bumaling kay Brian.
"Nak, hindi tayo kasya sa bed mo eh." Sabi ko naman. Nakita ko naman ang pag nguso ng anak ko.
"Please Mama?" Sabi nito at nag pa cute pa. Napahilot na lang ako sa sintido ko. God, paano ko ba matatanggihan ang batang 'to?
"Come on Brion, pag bigyan mo na ang bata. Sa tingin ko ay kakasya naman tayong tatlo dito." Sabi naman ni Roishua. Napabuntong hininga na lang ako.
"Fine." Sabi ko nakita ko naman ang pag landas ng ngiti sa labi ni Brian. Dahan-dahang humiga sa kabilang side ni Brian. Bali pinag gigitnaan namin ni Roishua si Brian.
"Good night Daddy, good night Mama." Ang sabi ni Brian sa amin no Roishua. Ngumiti ako dito bago sumagot.
"Good night Nak."
"Good night bud." Ang sabi naman ni Roishua at hinalikan ang anak sa noo.
Eto yung pangarap ko noon pa bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko. Eto ang bagay na gusto kong masaksihan noon pa. At sana sa loob ng isang buwan ay araw-araw ko ng masilayan ang ganitong kaganapan.
"Good night Brion." Ang bati ni Roishua nq may kasamamg ngiti. Nginitian ko ito at sala sumagot.
"Good night Roishua." Ipinikit ko na ang mata ko. Ngayon ay payapa na akong makakatulog. Sana ay maayos na 'to. Bago ko tuluyang itama ang lahat.
BrieMode45
January 15, 2021

BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
Fiksi PenggemarLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...