T.H.S. Chapter Fourteen

861 43 6
                                    

Third Person's POV

Alas onse na ng gabi at nagmamadaling magmaneho pauwi si Roishua sa kanilang bahay. Nagkaroon kasi ng salo-salo sa kanilang mansyon dahil sa pag dating ng kaniyang dating nobya na si Angeline. Kasundo kasi ang dalaga ang ina ni Roishua na si Donya Margarette, kaya naman ng malaman nito na uuwi ito sa Pilipinas mula sa America ay nagpahanda ito ng piging sa kanilang mansyon.

Aminado naman si Roishua na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para kay Angeline kahit na iniwan siya nito para piliin ang career na kaniyang tinatahak. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya ganoong kasaya sa pag dating nito.

Alas otso na ng gabi ng maalala ni Roishua na meron nga pala siyang ipinangakong lakad sa kaniyang anak at asawa. Kaya naman nagmadali itong nagpaalam na aalis siya. Ngunit naipit siya sa traffic kaya naman inabot siya ng ilang oras sa daan. At ngaying nasa loob na siya ng Village nila ay halos paliparin na nito ang kotse niya marating lang ang kanilang bahay.

Alam niyang nabigo na naman niya ang kaniyang anak sa ipinangako niya. Dapat nga ay babawi siya sa anak niya ngunit hindi niya nagawa. Pumapasok sa kaniyang isipan ang anak niyang lumuluha ng dahil sa kanya. At muka ng kaniyang asawa na may panghihinayang.

"Fxck!" Ang bulong nito sa sarili. Ilang minuto na ang lumipas ay narating na nga niya ang kaniyang tahanan. Hindi na siya bumisina dahil alam niyang tulog na ang asawa niya at wala ng mag bubukas ng gate para sa kaniya, kaya siya na mismo ang gumawa nito.

Nang maiparada na ni Roishua ang kaniyang sasakyan ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay nila at tinungo ang taas para puntahan ang kwarto ng anak. Narating na niya ang kwarto ng anak at pag bukas niya rito ay nadatnan niya na mahimbing ng natutulog ito.

Napabuntong hininga na lamamg siya at lumapit sa anak. Yumukod ito at hinalikan niya ito sa noo.

"Sorry Bud." Ang bulong niya rito. Tumayona siya at nilisan na ang kwarto ng anak. Paglabas niya ay siya namang labas ng asawa niya sa katabing kwarto. Naka suot na ito ng pajamas at ayon sa mukha nito ay naalimpungatan siya. Nagulat pa ito ng makita siya ngunit agad rin niyang binawi ang rekasyon niya. Nag umpisa itong mag lakad at nilagpasan siya na parang hindi nag eexist ang kaniyang presensya. Sinundan na lamang niya ng tingin ang pagbaba ng kaniyang asawa.

Ramdam niya ang galit ni Brion dahil sa hindi niya tinupad ang pinangako niya rito at sa anak. Ayaw niyang magtampo ito kaya naman sinundan niya ito sa baba upang mag explain kung bakit hindi niya nagawang makauwi kanina. Nadatnan niyang nasa kusina ito at nagtitimpla ng gatas. Lumapit siya sa direksyon nito.

"Brion." Ang mahinahong tawag niya rito ngunit wala siyang nakuhang tugon mula sa asawa niya. Ni kahit nga pagbaling ng tingin ay hindi niya nagawa.

"Brion, let's talk please." Pagmamaka awa nito sa asawa. Itinigil ni Brion ang pagtitimpla ng kaniyang gatas at binigyan si Roishua ng walang ganang tingin.

"May dapat ba tayong pag usapan?" Ang sabi nito muling itinuon ang sarili sa pagtitimpla ng kaniyang gatas.

"Tungkol dun sa lakad natin dapat kanina, I want to expl--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Roishua ng biglang nag salita si Brion.

"I don't need your explanation Roishua. Alam ko kung bakit hindi ka nakapunta. Dahil kay Angeline." Ang sabi nito. Nagulat naman si Roishua sa tinuran ng asawa niya.

"Hindi mo alam kung gaano umasa ang anak natin sa ipinangako mo Roishua. Hindi mo alam kung gaano siya nasaktan. Sana nakita mo kung paano umiyak ang anak natin ng hindi ka sumipot kanina. Kung patuloy mong gagawin 'to sa anak natin Roishua, hindi na ako mag dadalawang isip na pirmahan ang divorce paper at ilayo sayo si Brian." Ang ratsada ni Brion at nilagpassan na siya nito habang dala-dala ang isang baso ng gatas. Ngunit bago tuluyang makapagpas si Brion ay muli itong nag salita.

DVB I: The Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon