Brion Zayn Brillante-Dela Verde
"Anong pinag usapan ninyong mag asawa?" Ang tanong ni Kate sa akin. Andito kami ngayon sa palabas isang fast food restaurant. Bumili kasi kami ng pagkain namin na dadalhin namin sa ospital.
Hindi pa rin kasi nakaka labas ng ospital si Brian. Ang sabi naman ng Doctor, maaaring bukas o sa isang araw ay makakalabas na siya basta't maayos ang kalagayan niya at walang problema.
"Tungkol yon sa divorce namin." Simpleng sagot ko dito. Pagkatapos naming pag usapan ni Roishua ang divorce namin kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Ni hindi na nga nito nagawang silipin muli ang anak namin. Sana ay tumupad lang siya sa mga pakiusap ko kanina.
"Sa wakas Brion! After seven years, natauhan ka na rin. Dapat noon mo pa siya hiniwalayan nung unang beses ka niyang sinaktan. Kung maaga ko lang talagang nalaman na sinasaktan ka niyang ni Roishua, baka pinilit na kitang hiwalayan siya noon pa." Mahabang ratsada niya.
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako kumapit ng ganong katagal sa relasyon namin, dahil sa anak namin. Umaasa kasi ako na baka magawa niyang tanggapin kahit si Brian lang." Paliwanag ko naman dito.
"Pero ngayon, desidido na akong hiwalayan si Roishua. Pero bago mangyare yon, gusto ko munang maging maayos ang pagsasama ng mag ama, bago kami maghiwalay ni Roishua." Dagdag ko. Binuksan na ni Kate ang pintuan ng kotse niya at pumasok sa loob. Ganoon rin ang ginawa ko.
Pag pasok ko sa loob eh isang Kate na magkasalubong ang kilay at kunot ang noo ang sumalubong sa akin.
"What do you mean na gusto mo munang maging maayos si Brian at Roishua?" Takang tanong nito sa akin. Simula na nitomg paandarin ang kotse at tinungo ang daan papuntang ospital.
"Nakipag kasundo kasi ako kay Roishua kanina, na bago sana kami mag hiwalay ay magpaka ama muna siya kay Brian."
"WHAT?! Anong klaseng pakulo yan Brion? Magpaka ama kay Brian? For fxcking seven years Brion ni hindi nga niya nagawang magpaka ama kay Brian. Sa tingin mo ba mangyayare yang gusto mo? Sabi ni Kate na may halong inis na tono sa kaniyang boses.
"Saka kung mangyayare man yan, masasaktan lang ang inaanak ko." Dagdag ni Kate. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita.
"Alam ko naman Kate na maaaring masaktan si Brian, pero ayokong lumaki siya ng malayo ang loob niya kay Roishua. Kahit anong gawing natin, baliktarin man ang mundo. Walang magbabago, si Roishua parin ang tatay niya. Nakita mo naman ang ginawa ni Brian kanina, ayokong maging ganon siya kay Roishua habang lumalaki siya. Ayokong balutin ng galit ang puso niya para sa tatay niya. Ang bagay na pinaka ayaw ko ay ang mag tanim ng galit si Brian kay Roishua at kahit kanino pa man." Paliwanag ko dito.
"Fine. Problema ninyo yan, wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang suportahan ka. Basta me and Vince is always here for the two of you." Sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Thank you Kate."
----------*****----------
"Nak we're going home na." Ang sabi ko kay Brian habang binibihisan siya. Ngayon kasi ang labas ni Brian sa ospital. Sabi ng Doctor, pwede na namin siya iuwi. Binayaran na din ni Kate at Vince ang bill dito sa ospital. Nung una tumanggi ako pero hindi sila nagpatinag. Isipin ko na lang daw na regalo nila iyon kay Brian na inaanak nila.
"But Mama, ayoko na pong umuwi sa house natin kasi naandon si Daddy." Sabi ni Brian. Hinaplos ko ang tuktok ng ulo nito at hinalikan siya sa noo.
"Don't worry baby boy ko, hindi na tayo sasaktan ulit ni Daddy mo." Niginitian ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagbibihis sa kaniya.
Pagkatapos ko siyang bihisan kinarga ko naman siya. Si Vince naman ang may dala ng mga gamit namin.
"Kate, Vince. Salamat talaga sa lahat ng tulong ninyo samin ng anak ko." Pagpapasalamat ko sa kanila.
"Wala yon Brion, hindi naman na kayo iba samin nitong inaanak namin." Ang sabi naman ni Vince. Nginitian ko naman ito.
"I will do anything to help you Brion." Sabi naman ni Kate.
"Osiya tara na sa labas." Pag aya ni Kate sa amin.
Lumabas na kami ng kwarto kung saan na admit si Brian at tinungo ang elevator. Nasa 3rd floor kasi kami. Pag bukas ng elevator ay agad kaming nag lakad palabas at pag dating namin sa lobby ay isqng pamilyar na pigura ang nakita ko.
Si Roishua at mukhang nag aabang sa amin. Tipid itong ngumiti sa akin at sinalubong kami.
"Ihahatid ko na kayo sa bahay." Simpleng sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Ihahatid? Wala naman kaming pinag usapan na sunduin niya kami dito.
"Hindi na kailangan. Kami ang maghahatid kay Brion at Brian." Ang sabi ni Kate. Tinignan ko siya at nakita ko ang mga nanlilisik niyang mga mata na nakatingin kay Roishua.
"Pare. Kung may gagawin ka lang hindi maganda sa mag ama mo, kami na lang ang maghahatid sa kanila." Ang sabi naman ni Vince.
"Trust me. Wala akong gagawing masama sa kanila. I'm here to be a father to my son." Ang sabi niya at binaling ang tingin sa akin.
"And a husband to my husband." Sabi niya. Nakaramdam naman ako ng kakaiba pagkatapos sabihin iyon ni Roishua.
Bilang asawa sa akin? Nahihibang na ba siya? Maaaring maayos pa nila ni Brian ang relasyon nila pero ang relasyon naming dalawa, malabo na. Matagal ko ng tinanggap ito.
"I'll carry him." Ang sabi sa akin ni Roishua. Tinignan ko naman si Brian. Halata sa mukha nito ang takot na nararamdaman.
Binigyan ko naman siya ng ngiti.
"Baby boy, sige na hindi ka naman na sasaktan ni Daddy." Sabi ko dito. Pero bakas pa rin sa mukha niya na ayaw sumama sa ama.
Makalipas ang ilang sandali ay ibinuka na ni Brian ang mga braso niya at akmang sasama na kay Roishua. Nakita ko naman ang kahit papaanong ngiti na sumilay kay Roishua saka kinuha mula sa mga braso ko si Brian.
Hinalikan ni Roishua sa noo si Brian at nakita ko naman pag aliwalas ng mukha ni Brian. Alam kong nasiyahan siya sa ginawa ni Roishua. Sa pitong taon ng pagsasama namin ni Roishua, ni hindi man lang niya ito nagawa sa anak. Bumaling muli sakin si Roishua at ang anak ko na halos hanggang tenga ang ngiti.
"Brion, tara na sa parking lot. Kate, Vince, thank you for taking care to my son and to my husband. Mauuna na kami." Ang pasasalamat niya kila Kate. Hindi naman umimik si Kate, si Vince naman ay tumango lang.
Nag umpisa ng humakbang si Roishua papalabas ng ospital bitbit ang anak namin at kapwa masaya habang ako naman ay napako sa kinatatayuan ko.
Eto yon eh. Eto yung pinapangarap ko noon pa. Sana ay sa loob ng isang buwan ay magampanan na ni Roishua ang pagiging ama kay Brian. Sana tama ang desisyon ko bago ko tuluyan palayain si Roishua.
BrieMode45
January 10, 2021

BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
FanfictionLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...