Ang chapter na ito ay para kay MaroonJ15 na laging nag cocomment sa story ko. Thank you, love ka ni Author❤
Brian Zayn Brillante-Dela Verde
Habang naglalakad ako papunta sa office ni Roishua eh napansin kong bakante ang table na malapit sa pintuan ng office ni Roishua kung nasaan ang secretary niyang si Melanie.
Nakilala ko na noon si Melani dahil ng bumisita kami dito ni Brian ay siya ang humarap sa amin.
Dahil wala naman si Melanie ay lumapit na ako sa pintuan at binuksan ito.
Pero nagulat ako sa nakita ko ng pag bukas ko ng pintuan ng opisina ni Roishua. May babaeng nakapatong sa kaniya habang naghahalikan silang dalawa. Ito ang sekretarya niyang si Melanie.
Saktong pag bukas ko ng pintuan ay natigil sila sa kababuyan na ginagawa nila at napatingin sa direksyon ko.
Hindi ko maiwasan na magkaroon ng mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang lakas ng loob ni Roishua na magsaya habang ang anak ko ay nagdudusa sa ospital ng dahil sa kaniya.
Gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Parang ipinako ang mga paa ko kaya hindi ko magawang maigalaw.
Itinulak ni Roishua si Melanie na nakapatong sa kaniya kaya naman nalaglag ito sa sahig. Agad namang lumapit sa akin si Roishua.
"B-brion, let me explain." Ang sabi ni Roishua ng makalapit sa akin.
Explain? Para saan? Matagal na niyang ginagawa ang makipag laro ng apoy sa ibang babae kaya sanay na ako. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan.
Akmang kakapitan ni Roishua ang braso ko pero agad ko itong iniwas.
"Wala kang dapat i-explain sa akin. Sanay na akong makita kang nakikipag lampungan sa iba Roishua." Panimula ko.
"P-pero ang kapal ng mukha mo Roishua. Habang ikaw dito nagpapakasarap, ang anak mo naandoon sa ospital. Nakahiga at walang malay ng dahil sa kagagawan mo. Txng ina naman Roishua, magkaron ka naman ng kaunting konsensya at hiya sa katawan mo." Pagkatapos kong sabihin 'to kay Roishua ay hindi ko naiwasang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Ano bang klaseng tao si Roishua? Nakukuha pa niyang magpakasarap habang may taong nagdudusa ng dahil sa kaniya. Anong klaseng tao ang naging ama ng anak ko? Tao nga ba talaga siya?
"Brion please listen to me. Bigla na lang niya akong hinalikan, nakainom ako kaya wala akong lab--" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Roishua ng agad kong pinutol ito.
Ayoko ng makarinig pa ng kahit anong kasinungalingan na lalabas sa bibig niya.
"Like I said earlier. I don't need your fxcking explanation Roishua. Wala kang dapat pang ipaliwanag sa akin, at para saan pa? Simula ng ikasal tayo ay nagawa mo ng magkama ng ilang babae. Sa mismong bahay pa natin mismo ginagawa iyon. Sa loob ng pitong taon Roishua, nagtiis ako sa lahat. Tiniis ko kahit ang pambabae mo. Sabihin mo Roishua, ano pang dapat mong ipaliwanag sa akin? Kasal lang tayo sa papel pero hindi mo ako mahal kaya wala kang umarte na akala mo na nahuli ka na nambabae ng mahal mong asawa." Ratsada ko dito. Natahimik ang paligid pagkatapos kong mag salita. Nabasag lang ito ng biglang nag salita si Melanie na kahalikan ni Roishua kanina.
"E-excuse me S-sir, may trabaho pa po akong aasikasuhin." Paalam nito at naglakad papaalis pero ng makalapit ito sa akin ay agad kong kinapitan ang braso nito kaya naman napatigil siya. Hinarap ko siya at nakita ko ang kabado niyang mukha.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at pinadapo ko na ang kamay ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng sampal ko sa kaniya ay nawalan siya ng balanse kaya natumba siya sa sahig. Hindi ko na siya inintay pang tumayo at agad kong hinila ang buhok niya. Pinagwagwagan ko siya.
Inawat naman ako ni Roishua sa pananakit na ginagawa ko sa secretary niya. Niyakap ako ni Roishua mula sa likuran ko at pilit na inilayo kay Melanie na ngayon ay gulo gulo ang buhok na nakaupo sa sahig.
"Malandi kang babae ka. Ang trabaho mo ay ang maging sekretarya ni Roishua. Nang ASAWA ko. Pero siya mismo ang tinatrabaho mo!" Ang bulyaw ko dito at nagpupumilit kumawala kay Roishua.
"Melanie, leave please." Ang sabi ni Roishua habang inaawat ako.
"Sorry Sir." Ang umiiyak na sabi ni Melanie. Tumayo ito at kinuha ang bag sa table niya at dali-daling umalis sa harapan namin ni Roishua. Napatingin rin ako sa paligid, ang mga tao ay nakatingin na rin sa amin ni Roishua.
Kinapitan ako ni Roishua sa braso at hinigit ako papasok ng opisina niya.
"What are you doing Brion?! Talagang nag eskandalo ka pa?" Ang sabi ni Roishua na may kataasan ang boses.
"Tignan mo ang ginawa mo. Pinag tinginan tayo ng mga empleyado ko. And guest what? Dinig na dinig nila ang mga sinabi mo kay Melanie." Dagdag nito.
"Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hayaan mo, ayon naman ang una't huling gagawin ko yon sa mga babaeng kalampungan mo." Sabi ko dito at tinggal ang pagkakakapit niya sa braso ko.
"Hindi mo na dapat ginawa yon. At sayo na mismo lumabas na mag asawa lang tayo sa papel. Kaya kung may babae man akong kalampungan ay hindi mo na dapat pang pakielaman." Sabi nito sa akin. Napatawa naman ako ng sarkastiko.
"Tama ka nga naman Roishua. Hindi ko na dapat pinakielaman ang babae mo pero may karapatan akong gawin yon. Dahil kahit anong gawin mo, asawa mo ako Roishua. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nagawa ko iyon." Sabi ko dito.
"Bakit ka ba nag punta dito Brion?" Tanong niya.
"Kaya ako nag punta dito para sabihan ka na, kailangan salinan ng dugo si Brian at ang dugo mo ang kailangan. Sana naman gawin mo 'to sa anak natin bago kami umalis sa buhay mo." Ang sagot ko. Nakita ko namang rumehistro sa mukha niya ang pagtataka.
"W-what?" Tanong niya. Tumalikod ako sa kanya at tinungo ang daan papunta sa pintuan. Binuksan ko ito pero bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko si Roishua na hanggang ngayon ay nanatili sa pwesto niya.
"Tapusin na natin Roishua. Pagod na ako sayo. Tapusin na natin ang dapat matagal na nating tinapos." Ang sabi ko at tuluyang nilisan ang opisina niya.
Naramdaman kong muli ang pamumuo ng tubig sa mata ko. Tama na Brion, hindi ka na dapat pang umasa na magagawang tanggapin ni Roishua ang anak mo. Lalo na ang nararamdaman mo.
BrieMode45
December 31, 2020
BINABASA MO ANG
DVB I: The Husband's Suffer
Fan-FictionLumaki si Brion Zayn na hindi alam ang katangian niyang taglay. At ng dumating siya sa edad na 16 anyos. Nalaman niya at ng kaniyang mga magulang ang kakayahan niyang mag dala ng bata sa kaniyang sinapupunan kahit na siya ay isang lalaki. Isang araw...
