Zephaniah's POV
Naka tayo ako ngayon sa malaking glass wall dito sa kwarto. Tanaw na tanaw ang buong isla na pag aari namin ni Xanthus dito sa Maldives.
"How's your sleep, moon?" nadama ko ang balat ni Xanthus sa likuran ko dahil niyakap niya ako mula sa likod habang binabaon ang muka niya sa leeg ko, gustong gusto ko iyong ginagawa niyang iyon. Dalawang taon na simula nang tumira kami dito sa isalang binili niya para sakin.
"Still thinking of the other piece of your airpods, hmm?" napapaos niyang tanong dahil nakita niya na hawak hawak ko nanaman ang airpods ko na nawawala ang isang kapares dahil nahulog noong hinatak niya ako palabas ng simbahan.
"Yeah, if you just let me get it for like a second sana hindi ako malungkot ngayon" nalulungkot ako kase ayun yung unang binili ko sa unang sahod ko bilang architect. Tinawanan niya lang ako tsaka kumalas sa pag kakayakap sakin.
"Let's go down the breakfast is ready or else you want to be my breakfast in bed?" nginisihan niya ako ng nakakaloko pero nag make face lang ako sakanya. Dinner na nga tapos breakfast pa ano ka swerte? Pag labas ko sa walk in closet ay andoon siya sa kama at nag lalaro ng kung anong games sa phone.
Bago ko siya binalingan ay napatinin ako sa suot ko dahil may full length mirror sa gilid ng tv, nag muka akong nasa farm dahil sa cow print halter top and biker shorts.
"Ano 'yang damit mo? Muka kang suman. Tch! Tara na nga" sinimangutan ko si Xanthus 'tsaka ako sumunod palabas ng sala nitong pent house.
"Xanthus kakalinis ko lang tignan mo san mo tinatapon 'yang mga soda can, balat ng cheetos, mga plato at mga baso! Kahit kelan ka talaga!" sigaw ko sakaniya dahil ang kalat nanaman ng sala ganiyan 'yan lagi mag trabaho pero pag ako nag kakalat ng damit sa kwarto grabe magalit.
"Sorry, moon. Anong oras na kase ako natulog dahil sa mga sinend na work sa'kin, I forgot to clean this mess 'cause I fell asleep for 5 minutes and I woke up again to lay beside you" paliwanag niya 'tsaka ako tinayo mula sa pag liligpit ng mga kalat niya at hinalikan ako sa noo.
"Don't pick it up. Lilinisin ko nalang pag balik natin mag breakfast muna tayo, okay?" sabi niya habang hawak hawak ang muka ko at dinampian ako ng mabilis na halik sa labi at hinatak na ako palabas ng room.
Pag tapos naming mag breakfast ay natupad naman ang sinabi niya hindi lang 'yon buong araw akong hindi pina kilos kaya buong araw lang ako nanood ng kdrama.
"Sun, while you're at the meeting I'll just go down and walk by the sea shore" paalam ko sakaniya habang inaayos ang necktie niya. Tumango lang siya. Kaya pag tapos ay nag palit ako ng damit. Nag suot ako ng yellow lace dress at ng bohemian styles sandals.
"Do you really need to dress like that? mag lalakad ka lang naman sa tabing dagat" puna niya nanaman sa suot ko at inilingan lang ulit ako. Puro iling lang naman 'yan si Xanthus dahil hindi niya rin magawang pag bawalan ako sa mga damit ko.
"Bakit hinintay mo pa ako? Pwede ka naman ng mauna sa meeting mo" sabi ko dahil in 10 minutes start na ng meeting niya.
Gusto niya raw akong kasabay bumaba, nagulat ako dahil baba pa siya e nasa 8th floor naman ang meeting room na specially only for him lang. Sasalubungin niya pa daw ang mga ka meeting niya dahil first time daw ng mga iyon dito.
Pag kababa ay agad niyang kinamayan ang mga bisita niyang indiano habang ako ay pangiti ngiti lang. "Is she your sister? She's so lovely you might want to introduce her to me" biro nung Maldivian na may kagwapuhan, kay Xanthus. Agad na nag igting ang bagang ni Xanthus at tinitigan ang indiano at pinalupot ang braso sa bewang ko "Moon, this is Engineer Sharma gusto mo mawalan siya ng trabaho o titigilan mo kakatingin ka sakaniya?" napayuko ako dahil natawa ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Crossed Paths Accidentally On Purpose
General FictionXanthus Dwight Villaflor a man that he thinks he can get all the woman's heart in just one wink and he believe that everything he wants, he get, not until he met Zephaniah Amber Daleziel Stones. What could be the purpose, why their paths crossed?