Chapter 19

136 11 0
                                    

Zephaniah's POV

"Amber, una na kami nalinis na namin yung mga pinag gamitan namin yung sayo nalang hindi. May family dinner pa kase kami e" Paalam sa akin ni Red at Ryle kambal kong kaklase sila nalang kase yung naiwan dahil nauna ng umalis yung iba. Tiningnan ko yung relo ko at nakita kong 6:00 pm na pala late na pala, papahinga lang ako mga 15 minutes bago ako umuwi. Nilinis ko muna lahat ng pinag gupitan ko pati yung mga card boards na naka kalat, buong araw kami gumagawa ng props 3 days preparation ito before the November fest kaya naman busy ang lahat gumawa ng props. Pag katapos ko mag linis ay nag phone ako ng ilang minute at nakatulog.

Nagising ako sa init at pag tingin ko sa relo ko ay 6:47 na nakailang missed call narin si Sachiko at binasa ko muna yung text n'ya

From: Sachiko

Girl, I'll go home na I can't wait for you tonight since Maureen saw you still cutting some cardboards eh, you look busy daw so I decided to just left a message for you. STG I have to attend a family meeting tonight. Sorry!!

May dalawa pa siyang text message na puro na exclamation point at tinatanong bat 'di ako nag rereply habang pinupulot ko ang gamit ko ay aksidente kong nabuksan ang camera ng aking "AAAAAHHHHHH!!!!!!!!! quien me cortó el maldito cabello !!!!! ¡¡¡Debo estar soñando!!! Mierda, mierda, si esto es una pesadilla, por favor, despiértame" ¡Nunca me corté el pelo ni una vez, Dios mío, no sé qué hacer! ¡Mi mamá se enojará mucho! esto no es una buena broma. Solo hay dos personas que pueden hacerme esto, es Xanthus o Kallea, espera, tal vez Maureen es quien me cortó el pelo desde que Sachiko dijo que estaba aquí.

Tumawag ako kay Sachiko habang pababa ako ng building wala ng masyadong tao mga Varsity nalang ang nandito sigurado dahil rinig ko ang talbog ng bola galling sa gymnasium at nakita ko ang mga cheering squad sa field na nag papractice "hello Sachiko? Finally, sumagot ka din. Asaan ka? Tapos na ba family meeting niyo" kahit na ayoko huminging tulong kay Sachiko dahil nga may family meeting s'ya ngayon. Pero hindi ako pwedeng umuwi ng ganito na hindi pantay ang buhok na hanggang balikat ko na lamang ngayon dahil nga may demonyong gumupit nito habang tulog ako. "uh actually the meeting just got finished, why do you have a problem?" tanong n'ya sa nag aalalang tono, hindi ko alam paano ko ipapaintindi sakanya kaya sabi ko naman sakanya na kung pwede ay sunduin niya na muna ako sa school ngayon agad naman din syang pumayag kaya wala naring problema, ngunit kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya pag nakita ako.

"get in girl!" sigaw n'ya pag ka baba ng bintana ng sasakyan nya ngunit natigilan sya nung pinasadahan n'ya ako ng tingin "what the fuck? Did you cut your hair out of boredom? I'm telling you look like an idiot hindi pantay oh! I thought you were busy making a props! Iba pala ang ginugupit mo doon buhok mo na pala. Are you crazy?!!" sigaw n'ya hindi pa ako nakakapasok ng sasakyan kaya pag ka bukas ko ay agad kong tinakpan ang tenga ko dahil sigurado na sunod sunod nanaman ang talak neto sa akin.

"no, I didn't cut my own hair what am I a stupid?" pag angal ko sa mga pinag sasabi niya na pinagpipiltang ginupit ko ang sarili kong buhok "then who did that to you?" biglang nag iba ang tono ng boses n'ya from annoyed into cold tone kaya naman tinawanan ko s'ya dahil galit na galit nanaman s'ya alam niya kase na mas iniingatan ko pa yung buhok ko kesa sa ano mang bagay sa mundo, imbis na magalit din ako lalo ay natawa nalang nawawala talaga ang galit ko pag nagagalit din sya "why ask it's really obvious already! That stupid bitch!!!" pag bibintang n'ya kay Kallea hinayaan ko nalang kahit na sa tingin ko ay hindi si Kallea ang nag gupit nito. "you're talking too much let's just go to the salon, wala akong alam na salon doon na lang sayo" sabi ko kahit na wala akong pera mag papaalam nalang ako kay ate mickella na gagamitin ko yung pera n'ya para ipaayos ang buhok ko na sinira ng kung sino man!

"Sachiko, Darling! What brought you here? Oh em gee who's this beautiful girl with you?" baling sa akin nung baklang parlorista hinawakan naman ni Sachiko ang braso ko "this is Zephaniah Amber Daleziel my best friend you choose which of those names you want to call her and can you fix her hair? Pinagtripan sa school yung hair n'ya e" maarteng pag papakilala sa akin ni Sachiko nginitian ko naman iyong bakla na ngayon ay nakatingin na sa akin kahit na gustong gutso ko ng sabunutan ito si Sachiko ay ngumingiti padin ako "ang bongga ang daming pangalan Amber nalang ang itawag ko sayo mas bagay pa. Natural hair mo ito?" sabi ng bakla sa akin pag kaupo ko doon sa harap ng salamin, tumango nalang ako sakanya bilang sagot dahil tinatamad ako mag salita. Sinabi niya naman kay Sachiko na para daw akong pipe ginatungan naman ni Sachiko ang bakla kaya panay ang irap ko sa ere bukod sa badtrip na ako sa buhok ko ay inaasar pa ako neto ni Sachiko.

Binigyan naman ako ng bakla ng portfolio kung anong gusto kong hairstyle at napili ko naman iyong inverted bob style sana lang ay bumagay. 

"Thanks Marian! On Wednesday mag papa extensions s'ya, she needs it for the November fest" sabi doon ni Sachiko kay Marian iyong bakla kanina. Mario daw talaga ang pangalan nya pero madalas daw ay Marian. Pag karating namin sa sasakyan ay doon ako umangal tungkol dun sa sinasabi nyang hair extension "anong hair extension Chi? Wala naman akong sinasabi ha?" takang takang angal ko sakan'ya agad naman s'yang sumagot sa akin "girl don't worry about that I'll pay for it okay? You'll look weird if you are elle and you have a short hair. Your new hairstyle suites you, you're lucky kase maganda yung jaw line mo ughh! I envy you even moreee" umiling na lang ako sakan'ya kahit na hindi ako sang ayon doon lalo na at s'ya ang mag babayad pero dahil wala ako sa mood hinayaan ko nalang s'ya dahil tinatamad talaga ako mag salita.

Mabilis rin kami nakarating sa bahay sinalubong ko agad si inay ng yakap. Nag taka s'ya sa ayos ng buhok ko pinaliwanag ko naman ito sakan'ya pag tapos naming mag tinda "oh eh sino ngaba ang gumupit ng iyong buhok? Hindi ba ayaw na ayaw mo 'yang paputulan maski noon pa ay lagi ko na sinasabi sa iyo na pabawasan natin 'yan?" tanong ni inay na kahit hindi niya ipahalatang masaya s'ya na nag pagupit ako ng buhok ay halata ko parin ngunit hindi maiaalis sakanya ang mag alala ikaw ba naman gupitan ng buhok yung anak mo 'di ka ba mag aalala. Ngumiti ako bago mag salita ulit "hindi ko rin ho alam inay kung sino pero hayaan na po natin atleast nakapag pagupit narin po ako sa wakas" sumang ayon nalaman si inay sa akin at kumain na kami pag katapos kumain ay agad n'ya rin akong pina akyat para makapag pahinga na.

Pag akyat ko ay naligo ako upang matanggal ang amoy usok sa aking katawan pag tapos ay ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama ngunit hindi ko na din napigilan na bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa sobrang inis ko kaya naman naka tulugan ko ang pag iyak ko.

Crossed Paths Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon