Chapter 15

148 8 0
                                    


Zephaniah's POV

Puta madre! Mierda Realmente voy a tener un mal día hoy! Sobrang badtrip ko ngayong araw dahil ngayon na ako lilipat ng section at kagabi parin iyak ng iyak si Sachiko sa akin na huwag ako pumayag dahil mamimiss niya raw ako at hindi daw niya kaya na mabuhay na wala ako sa tabi niya pati narin ko ay naiyak dahil hindi ako sanay na hindi ko sya kaklase kaya ang nangyare ay nakatulugan naming ang pag uusap habang umiiyak.

Pag katapos ko mag muni muni saglit ay naligo na ako at bumaba ng magang maga ang mata. Wala si inay sa sala kaya paniguradong nasa kusina na iyon at nag hahain ng pag kain kaya nag tungo agad ako doon, nagulat ako ng nakita ko si Sachiko na magang maga din ang mata kaya takang taka si inay dahil parehong mugto ang aming mga mata hindi ko pa na aabisuhan si nanay sa gustong mangyari ng board kaya naman habang kumakain ay pinaliwanag ko kay inay ang nias ipatupad ng boards

"Inay kaya po kami umiyak ay dahil ililipat daw ako ng section ng aming board dahil nakitaan daw nila ako na isang magandang ihemplo sa mga studyante kaya nag baka sakali sila na baka ako daw ang makakatulong sa mga studyanteng wala ng pag asang mag bago pa" natuwa naman si inay dahil ayun ang nakikita sa akin ng boards, ngunit hindi niya rin maiwasan na mangamba dahil baka daw mabully ako lowest section pa naman daw iyon panigurado daw na maraming loloko loko, hindi kasi alam ni inay ang mga dinanas ko na pangungutya noong mga nakaraang taon dahil nga ayaw ko s'ya mag alala.

Pag katapos namin kumain ay lumabas na kami ng bahay. Habang nasa sasakyan ay panay ang ngawa ni Sachiko sa tabi ko at kakausapin n'ya daw ang boards ipapakausap n'ya daw sa parents n'ya natuwa man ako sa offer n'ya, pero tinanggihan ko ito dahil wala naman akong magagawa boards na ang nagdesisyon kagaya nga din ng sabi ko eto lang ang paraan upang may maiambag ako sa pag papalago ng skwelahan kaya sobrang nalungkot si Sachiko nang nalaman n'ya na buo na ang desisyon ko na tanggapin eto "bakit ba kase you need to accept it when you don't even want to do it huh?" pag mamaktol n'ya habang nag lalakad kami papasok ng school ngunit hindi narin nagging ganoon kahaba ang pag uusap naming dahil aakyat na ako patungko sa 4th floor kung nasaan ang classroom ng last section.

Nang nasa tapat na ako ng classroom ng bigla akong na estatwa sa kinakatayuan ko at nag simulang lumamig ang pawis dahil sa kaba at nang hawakan ko na ang door knob ay nanginginig ang kamay ko ng ipihit ko ito upang mabuksan, Nawala na din sa isip ko ang pag katok dahil ang nasa isip ko nalang ngayon ay kung paano ako tatayo sa harap ng mga bagong kaklase ko panigurado ay ako lang nag iisang babae dito dahil walang ibang babaena nais maging kabilang sa section na ito kahit na gusto nila maging kaklase ang limang tarantado ang hinihiling nila ay sana mailipat ang mga iyon sa section nila.

"Goodmorning Mr. Dimalanta" bati ko sa baklang adviser ng section na ito in just one glance I can say that he looked debonair and has a cheerful attitude "anong Mr? bastos na agad si Amber Ms. Kakapasok palang kitang ang ganda ganda mo tapos tatawagin kang Mister" sabi ng lalaking sa gitnang pwesto atsaka tumawa ang lahat pati narin ang limang tarantado ngunit sinaway lang sila ng adviser nila pero lumipat na ako dito, kaya technically he's my adviser too. Lumapit s'ya sa akin at iginiya ako patungo sa gitna patuloy ang pag puri n'ya sa kulay ng buhok ko at sa mata ko pati narin sa ilong ko na katamtaman lang ang tangos at ang kulay ng balat ko na balance ang pag kaputi at pag ka Morena para daw akong perpektong ginawa ng diyos dagdag na daw ang height ko na pwedeng pumasok sa Ms. Universe ngiti lang isinukli ko sakanya dahil sa hiya halos lahat ng lalaki ay nakatuon saakin ang atensyon syempre ako lang ang bababe dito malamang ay iniisip na nila kung paano nila ako mabubully pero hindi ako mag papa talo.

Sinabi na ni Mr. Dimalanta na introduce ko na daw yung sarili ko so yun nga ang ginawa ko "uhm, goodmorning I am Zephaniah Amber Daleziel Stones you probably know that I belong to LCA groovers right? So I don't know what more to tell you about myself" sabi ko sabay ngiti uupo na sana ako dahil hindi ko na kinakaya at nang hihina na talaga ang tuhod ko mabuti nalang at nakayanan ko pa na tapusin iyon , biglang nag tanong sa akin iyong lalaking medyo mahaba ang  bagsak na buhok na nakatali at may mga takas na buhok sa kanyang noo na hindi inabot ng pag kaka tali "ikaw ba si lonely pasta girl? Yung unang babaeng tumanggi sa akin?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin na para bang iyon ang unang beses na may babaeng tumanggi sakanya sinabi ko naman na ako yon panay ang taong nila kung mayaman daw ba ako at panay rin ang tanggi ko sakanila na hindi ako mayaman na gulat din ako na ilan pala sa mga nandito ay mga natanggihan ko sa pag sayaw at hindi daw nila iyon makakalimutan dahil first time daw nila matanggihan.

Crossed Paths Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon