Chapter 37

134 8 0
                                    


Leighton's POV

Ang gwapo ko noong gabi ng reunion este araw-gabi kahit hindi reunion. Pag pasok namin sa LCA ay nakita ko na ang magagarang sasakyan ng mga ka batch mate naming noon, may mga naka Ferrari, Porsche at kung ano ano pang sports car. Kung sana lang ay nag kanya kanya kaming sasakyan, naiflex ko sana ang Lamborghini Veneno ko.

Pag tapos ng party na iyon ay nag stay muna kami sa bahay nila Blaize, na mala mansion sa laki. May sariling court, swimming pool na may slides, boxing room, gym with complete equipments, malaking kitchen at dining area, malaking home theater na mala cine, picnic place at may 50 rooms. Minsan naiisip ko na pwede na gawing school itong bahay nila.

Gaya ng plano pag katapos ng isang linggong pamamalagi namin doon ay umalis na kami, akala ni Amber ay uuwi na kami.

Zephaniah's POV

Akala ko pagka alis ng boys ay mag stay pa kami dito ng 1-week pero, kinagabihan din noon ay nag impake kami ni Xanthus ng mga gamit namin.

May sarili naman na akong mga damit dito na binili at pinili ni Sachiko para sa akin. Sabi ni Xanthus ay sa Aman Pulo daw ang punta namin kaya naman nag dala ako ng limang pares ng two piece.

"Why do you need this thing?" sabay taas ni Xanthus sa two-piece ko kaya namula ako at agad itong inagaw sakaniya.

"Just wear this one, moon" sabay bato sakin ng isang pares ng rash guard na crop top at bikini ang design ng pang ibaba, kinuha ko nadin iyon para hindi na kami mag talo pa.

Madaling araw kami aalis. Ang alam ko ay pinlano niya na ito pauwi palang kami dito dahil ayaw na ayaw ni Xanthus ang biglaang lakad.

Buong akala ko ay kaming dalawa lang ang aalis pero nagulat ako nang makitang nasa baba sina Sachiko kasama ang anak at naka impake narin ang mga gamit.

"The two of you is so tagal kumilos, we've been waiting here for like 30 minutes?" maarteng pag rereklamo ni Sachiko pero parehas kami ni Xanthus na tamad mag salita pag umaga kaya tinapunan nalang namin siya ng tinatamad na mata.

"OA mo naman pumpkin. 3 minutes nagiging 30 minutes, sa'yo" pang aasar ni Blaize na sigurado naman akong totoo.

"What?! Are you making kontra to me ba, Blaize?" iritang ainghal niya. Nilayasan namin ang dalawa pag kakuha ni Xanthus kay Slaire na buhat buhat ni Sachiko at mukang bitchesang inaaway si Blaize, agad rin sumunod samin ang dalawa papalabas pero nag tatalo parin kaya napa iling nalang kaming dalawa.

Pumasok na kami sa van nila at nakita namin doon ang driver na malamang kanina pa nag hihintay. Pag pasok ng mag asawa ay salamat sa diyos at nananahimik ito. Lumingon ako sa gawi ni Xanthus dahil humahalakhak na si Slaire.

Ang alam ko ay gagamitin namin ang eroplanong binili ni Xanthus noong umuwi kami dito sa Pilipinas. Naninibago ako dahil hindi niya ako pinansin simula kaninang nagising ako at hanggang ngayong andito kami sa van, pero ayoko naman na pag isipan iyon ng masama kaya itinulog ko nalang.

"Zeph, wake up we're here" bahagyang pag uga sa akin ni Xanthus na sapat lang para magising ako. Agad akong tumayo dahil parang irita ang nahimigan ko sa boses niya.

"Nalabas ko na lahat. Just fix yourself para maka alis na tayo" aniya ng makitang tila hinahanap ko ang gamit ko. Tinanguan ko nalamang siya 'tsaka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay nang makababa ako mula sa van.

Nauuna siyang mag lakad sa akin samantalang ang mag asawa ay sabay lang, kaya naman binilisan ko ang hakbang ko para maka habol sakaniya. Naunang umakyat si Sachiko dahil kanina pa ito atat na atat nakita ko naman na inalalayan siya ni Blaize habang paakyat siya.

Crossed Paths Accidentally On PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon