I pursed my lips as I listen to Pat's explanation on why the hell this woman wasn't around last night.
Sampong beses niya na akong ini-indian! Hindi na ako natutuwa sa babaeng 'to.
"I told you it's Peter's last minute tantrums kaya hindi ako nakapunta!" dahilan niya.
"Oh, for Pete's sake Pat pwede mo naman akong tawagan na hindi ka makakapunta edi sana hindi na kami tumuloy ni Euni—"
"It's really for Pete's sake, Olie."
I groaned and throw my head back, disappointed again. Napakahirap na talaga sa kaniya ang mag-inform. "Secretarya ka pero hindi ka marunong mag-inform sa friends, damn, not to mention na pinapunta kami, sa despedida party ng boss niya."
Bwisit na bwisit akong naglakad papuntang parking, nakasunod lang si Patricia sa 'kin at patawa-tawang makita akong naiirita. Nakasalubong namin si Maxenne na tila wala sa sarili. I didn't fire her, it was a joke, binawi ko rin kaagad noong biniro ko siya.
Nagkatinginan tuloy kami ni Pat dahil binati niya ito ngunit hindi siya pinansin, more of, hindi siya napansin.
"Utak ba no'n nasa Jupiter?"
I shrugged, "Ewan baka doon nag-in."
"Yuck, mano-mano attendance?"
"We're a multi-million company, ikaw utak mo nasaan? Pluto? Gone since 2016?"
"Saka kana magyabang kapag marami nang restaurant malapit dito." Irap niya sabay pasok sa sasakyan ko. Kita mo 'to napaka-mahadera, ang kapal makisakay, may sarili namang sasakyan.
"Wala ka na talagang mapupuna kundi 'yan? Patay gutom ka talaga."
Pat raised her hand infront of my face to stop me from talking, binuksan niya nalang ang aux na tila naka-program na ata ang mga daliri niya para pindutin iyon sa tuwing sasakay sa kotse.
Pat busied herself on her phone, I saw time table so I think inaayos niya lang ang schedule ng boss niya.
May dinner kami sa bahay ngayon, she's like part of the fam, kahit pamilyado na ay talagang iniimbita pa ito ni Mommy feeling niya siguro teenagers pa kami.
"Olie," she suddenly called. Nakatingin ako sa kaliwa dahil pakanan ang liko namin so I just hummed. "Emory went work with a bruise this morning." I glanced at her, she's now looking outside, iniisip siguro ng mabuti kung kaninong may sa demonyong kamao galing ang sapak na 'yon.
"Why, hindi niya ba sinabi?"
Umiling ito. "Ayun nga, eh, tapos mukang hindi man lang galit. I swear she can be grumpy as fuck sometimes kaya nakakapagtaka na kalmado siya gayong may sapak siya sa gilid ng labi."
Hindi ko mapigilang matawa.
After we talked last night, nakitulog lang ito sa bahay and she was gone as time hit 4 o'clock, wala na kaming pinag-usapan pa.
So I don't really know as to why, hindi rin nga ito nagkape roon.
"Eunice punched her."
Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Pat. I chuckled and just nod to confirm.
"Nagpang-abot siguro sila sa labas, I didn't saw, eh." Patay malisyang dagdag ko pa, ang tatanda na kasi nagsasapakan pa, parang mga batang nagtatapakan ng ego at magyayayaan ng square-bati samay kanto.
Dahil sa mga sinasabi ko, naramdaman ko tuloy ang titig niya sa akin, it was intense kaya pinilit kong sa daan ituon ang tingin. Her mind wanders really far most of the time, gan'yan siguro mag-observe ang mga tanders na.
BINABASA MO ANG
Remnants of Our Drowned Love
RomanceOlie Montealondre, who ran away from her extravagant yet complicated life, instantly grabbed her friend's job offer that led her fate come stumbling with Rue's - a driven business woman, her soon-to-be boss, and the only woman who managed to get ins...