"Lost me? You said it as if you didn't hide all these years, Yvan," may riin ko ring sambit.
Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko nang humarap ako, too bad hindi ko man lang nakita ang ekspresyon niya. Yael already interfere, humarang sa 'kin.
"Hep! I'll escort you guys out. Talk privately, my gosh! You both got big names anong nasa isip niyo para magsagutan dito?"
Tumango si Yael sa 'kin pinipilit akong gumalaw saka ako tinulak ng bahagya, nagpatianod nalang ako. He got a point.
Yvan then said, "I'll drive her home." After we got out.
"Sure ka boss?" Then he looked at me, trying to figure out what will happen bago siya mag-decide na tumango nalang at pumayag. "Linisin mo rin 'yang sugat mo, ampanget gago sino ba kasing sumapak sa 'yo? Hindi lang isang sapak 'yan, oh," bilin niya pa, you could really see how fatherly he is when he's serious.
Napailing nalang ako. Naiinis ako sa alak, it gets my emotions easily triggered. Nararamdaman ko 'yung ayaw ko naman maramdaman, hindi ko na dapat maramdaman.
Sa sasakyan niya na kami sumakay dahil wala naman akong dala, nakisabay lang naman ako kay Eunice— damn that woman she punched her God knows how many times.
Naging tahimik ang byahe namin pauwi, it wasn't an awkward silence or the fuck I care? Wala akong ibang iniisip kundi ang alak na ininom namin ni Luisia, inis na inis ako pati na rin dito sa kasama ko.
I don't know!
Maybe I'm drunk! Maybe not.
Or maybe I'm really jealous that she flirted with someone else outside habang nasa loob ako. Tapos sasabihin niya 'yon? That I made her think she have lost me? Tarantado.
Sarap sampalin ng sarili, wala na dapat akong pake, eh. Naghahanap na nga ng iba.
Sana all diba, may nasasaktan dito, oh.
When she stopped infront of my condo bumaba na ako kaagad, not waiting for her to say anything. Ano bang sasabihin ko? At this state? Where my emotions could fuck us up? No thanks. Mas maganda nang manahimik.
But then I closed my eyes tightly when she called my name. Tiim bagang ko itong hinarap.
Bakit ngayon? Pwede ba 'wag ngayon.
"Can I come in?" She glanced at me, biting her freaking lips, nakainis nanaman makita 'yon. Putok kasi, tsk.
Tahimik kong binuksan ang pinto pati na rin ang mga ilaw. I told her to follow me inside after locking the door.
Sa banyo kaagad ako dumeretcho upang kuhanin ang first aid kit.
Nanguha na rin ng yelo upang ilagay sa labi niya.
"Upo," utos ko.
Tila tuta itong pinagalitan at mabilis na sumusunod sa utos. I hate her face right now, o naiinis ako kay Eunice!
"I don't need the first aid kit, I didn't punched her."
Talaga lang, ha? Sana sinapak mo rin para quits.
I sigh before nodding. Cold compress nalang ang inabot ko sa kaniya nang makaupo siya ng maayos.
Mataman ko itong tinignan habang dinadampi-dampi niya pa muna samay labi niya ang compress, magpapasapak kasi tapos aaray-aray.
Umalis ako upang sumilip sa kwarto ni Lia at magbihis na rin. My sister is asleep, lock ang kwarto niya kaya hindi ko na ginulo pa.
"Do you want to eat?" tanong ko pagkalabas. Bisita pa rin naman siya.
BINABASA MO ANG
Remnants of Our Drowned Love
RomanceOlie Montealondre, who ran away from her extravagant yet complicated life, instantly grabbed her friend's job offer that led her fate come stumbling with Rue's - a driven business woman, her soon-to-be boss, and the only woman who managed to get ins...