Chapter 45

3.7K 155 17
                                    

I'm aware na lumilipad nanaman ang isip ko...

"Yvan."

Nang lingunin ko si Olie ay inuhan ko na siya.

"Wala akong problema, sadyang may pumapasok lang sa isip ko, 'wag kang mag-alala."

Pinabayaan kong lumapag sa buhangin ang bolang sinisipa-sipa ko paangat at naglakad palapit sa kaniya.

Kinuha ko ang kamay niya, pinaglingkis saka ko dinala sa labi ko upang halikan, lambot halatang ano talaga, eh.

Olie just woke up dahil napuyat ito, buong gabi kasi itong nakatutok sa laptop niya at pagkarating namin dito work pa rin ang inaabala. Nasa isang beach resort kami, pasado alas kwatro na ngayon and she just slept for 13 hours! Gano'n katindi ang pagod niya mula sa byahe papunta rito isama mo pa ang puyat kaka-type, bagsak na bagsak ang katawan sa kama nang matapos siya.

Ngayon nga ay naglalaro kami ng soccer ni Zef kaya lang nabored ata at naisipan niyang makipaglaro sa ibang bata, patakbo-takbo, she's enjoying herself while I'm looking after her and playing the ball with my foot.

Tila hindi pa naniniwala si Olie sa sinabi ko, napansin niya nanamang masyadong malalim ang iniisip ko, mataman din kasi itong nakatingin...wala naman talaga akong iniisip na problema, hindi rin ako nababagabag...ang palagi kong naiisip? Sila.

Mahirap lang kasi talagang paniwalaan, parang nakalutang pa rin ako.

Tulad ngayon, sasabog ang puso ko sa nakikita.

Sinasanay ko pa kasi ang sarili ko sa araw-araw na ganito...panatag, masaya at puno ng pagmamahal! It's hard to digest! Eto parin ako, oh! Hindi maka-move on sa pagbalik ni Olie.

"Tell me about it."

"About what?"

"'Yung iniisip mo? Sunud-sunod na araw ka nang gan'yan..."

I understand her worries, I was so hyper for a week when she came back then biglang gan'to, siguro nanibago ulit siya.

Para akong batang excited manguha ng ice candy sa freezer tapos bigla nalang...bumagsak ang energy ko, gano'n.

"Is it about me? Am I too fast? O iniisip mo kung may balak ba akong mag-propose? Naiinip ka ba?"

Napalunok ako habang pinapakinggan siya. Oh my God, she's so...kung araw-araw gan'to talaga ayoko na talagang mamatay, habang buhay ko 'tong titik — tititigan, grabe, paminsan, sumasakit ang puson ko kahit pinapanood ko lang siyang tumawa kapag natutuwa siya kay Zef. Seryoso.

Kaya rin siguro madalas ako napapatitig because I'm simply blown away.

Siguradong pagtatawanan ako ni Henry nito.

"Kumain kana muna sa loob." Maganda ang beach house na napili ko sinigurado ko kayang bagsak ito sa higaan dahil alam kong magiging komportable siya.

Napabugtong hininga ito bago tumango saka tinawag si Zef upang itanong kung gutom ba siya, masyadong occupied si Zef sa paglalaro, natawa lang kami ni Olie nang hindi na namin halos maintindihan ang bata dahil hindi niya maituon ang buong atensyon sa amin.

Then she went inside, sa beach house we rented to eat, mahaba ang naging byahe namin papunta rito sa North.

Nang mawala ito sa paningin ko ay natawa nalang ulit ako, I know she's trying to be so patient with me, I'm zoning out frequently! Damn.

Nilaro ko nalang ulit ang bola sa paa ko, I'm fond of watching soccer games before.

So much blabbering.

Remnants of Our Drowned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon