Chapter 15

3.6K 165 15
                                    

"Mind to share?" I whispered. Pinapanood ko itong uminom gawing tila juice lang ang tequila sunrise na ginawa ko, hindi niya alam na papatay 'yun sa kaniya later.

Habang ako — nag-e-enjoy lang —mabagal ako kung uminom, kung hindi ko gagawin iyon ay baka madatnan nalang namin bukas ang bahay na kalat kalat.

"I'm not really sure if I want to share it, but I'm not okay Rue, ang — ang sakit parin."

Bigla akong hindi makagalaw, anong gagawin ko ru'n!? Masakit daw!

"May masakit sa'yo?" Nag-aalala akong tumayo upang tignan siya but she laughed it off.

Nababaliw ata.

Parang gago lang.

"Kahit ipa-CT scan mo ata ako hindi mo makikita kasi sa puso, eh, invisible."

Nabasa ko ang labi ko, broken ba 'to? Aba! Wala akong alam sa gan'yan problema, mataas ang IQ ko pero kapag tungkol d'yan, hard pass, bro.

Napainom tuloy ulit ako ng wala sa oras, nainom ko rin tuloy na parang juice pero hayaan na, nainom ko na.

Olie, kung tanga rin sa pag-ibig nilapitan mo then what? Iiyak ba tayo both!?

"Cheers?" Tinaas niya ang iniinom niya. I nodded and clinked our glasses. Tumabi ako sa kaniya dahil wala akong maisip na dapat gawin, ayokong tignan siya. Nandoon nanaman kasi, the longing, sadness, and pain.

Olie is not too open about her life. Marami akong nalalaman sa ugali niya, I noticed her mannerisms, her favourite type of braids — but not her as whole, I don't even know the real reason why she's here, ang alam ko lang she ran away, broke her engagement, ran from home and work for me na syempre dahil kay Patricia — pero parang may kulang. Maraming kulang.

Naramdaman ko nalang na sumandal ito sa balikat ko. Iniayos ko ito, inakbayan ko upang makasandal ito ng mabuti, I hugged her na rin.

"Ang panget mo, Montealondre."

"Bawal ba! Ngayon lang, eh! Nasasaktan 'yung tao, oh." Napalo niya ang tyan ko. "I-it should've been our second anniversary, fuck."

Nagpintig ang tenga ko.

Dinaga ang dibdib ko. She started crying.

Actually I...I expected this, lagi kong napapansin, 'yung puso niya...wala sa kaniya. She's into someone else and she's hurt, trying to get back up again by flirting with me but failing miserably.

"Minahal ko 'yun ng sobra, eh..."

I couldn't help but to ask, ang tanga lang, pero itanong ko na, "Mahal mo pa?"

Tumingin ito sa akin namumula ang ilong niya, hinila-hila niya ang shirt ko kahit wala itong lakas. "Rue, nakikita mo ako diba? Look at me sobrang messed up. Mahal na mahal, fuck, I even broke my father's trust to be with her, alam mo? Sinira ko ang engagement kasi mahal ko siya. I respected her, I never pushed anything...I waited." She sobbed. "It was true, I felt it."

Nararamdaman ko ang sakit, bakit gano'n? Hindi naman ako ang iniiyakan niya pero affected ako.

Second after seconds I'm hurting too.

These four walls can't do anything about it, this time instead of cries in pleasure my whole house and I just listens to her sorrowful cries and I hope that it wouldn't be the song of the year.

Hayup.

Olie cried herself to sleep. Pinabayaan ko itong umiyak, who am I to stop oneself pour their pain?

Remnants of Our Drowned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon