Kabanata 18

73 4 0
                                    


The day went fast. Ramdam ko ang kagalakan ng mga estudyante dahil bukas na ang Prom. Tahimik na lang din ako sa gilid habang hinihintay si Maya na bumalik dahil may hinatid sa Engineering Department kung saan si Kuya.

Huminto si Lesliy sa harap ko, kaibigan ni Meagan. Malakas na hinampas nito ang lamesa ko. Inis kong inangat ang tingin sa kan'ya. Nakita kong nag-aapoy ang mga mata niya. Nilingon ko pa ang nasa likod niya at ganoon din ang reaksyon ni Meagan.

"Ano bang problema mo?" Nakataas kilay kong tanong.

"Ang kapal din ng mukha mo na ayain si Ker. Magmumukhang hampas lupa ka lang din naman sa Prom," may halong inis na sabi Lesliy.

Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin. Mali siya. Hindi ko inaya si Zakeria. Siya ang nag-aya sa 'kin.

"What? You can't talk now? Laura, you better back off. Tell him you don't want to be his partner. Magmumukha lang siyang basahan bukas dahil sa 'yo," Dagdag niya.

Ngumiti ako nang may pagtitimpi. Mas lalong nalukot ang mukha niya nang makita ang reaksyon ko. Kahit kailan talaga ang mga ito, gustong gusto ng away.

"Ikaw na lang magsabi sa kan'ya kung gusto mo talaga na mangyari ang gusto mo. Mukhang hindi ka mapakali d'yan, e."

"Shut up, Laura," si Meagan at lumapit mula sa likod ng kaibigan.

Binaling ko ang atensyon sa kan'ya.

"Alam mo? Hindi dapat nahuhulog ang puting damit sa putik dahil nadudungisan ang damit. Kung ayaw mong sabunin, ikaw na mismo ang lumayo at huwag kumapit sa damit," huminto si Meagan at naupo sa mesa ko.

"I know my cousin, he's a playboy. I don't know what's on his mind. He's a good player, you know," Dagdag nito. "He's an Alderiste after all."

"Ayoko ng gulo, Meagan. Kausapin mo na lang ang pinsan mo para sa kaibigan mo."

"Ayoko rin ng gulo, Laura. I am just informing you. You might forget you are below us. Know your place," maliit nitong boses bago tumayo at tumalikod.

Inis ang tingin ni Lesliy sa 'kin bago sumunod sa kaibigan.

Nasa practice kami para sa roll call ng Prom pero kanina pa ako kinukulit ni Maya tungkol sa konting pag-uusap namin ng dalawa kanina.

"Hindi mo naman kasalanan iyon. Ikaw ang tinanong niya. Sumang ayon ka lang. In fact, lumapit pa nga ang pinsan niya sa Mama mo."

Umiling ako habang nakatanaw sa malayo.

"Bahala sila. Kung kinausap man nila si Ker at nakumbinsi iyon, labas na ako roon. Gusto ko lang naman tapusin ang buhay ko sa high school nang walang gulo."

Napasinghap ito at hinawakan ang dalawa kong braso.

"Laura, nagmamature ka na. Hindi mo na ako kailangan sa tabi mo. Kaya mo nang mabuhay na wala ako," Si Maya na punong puno ng galak ang boses.

"Tanga. Ayos ka lang? Ano nakain mo?" natatawa kong sabi at inalis ang kamay nito sa balikat ko.

Natatawa naman itong umiling. Nasulyapan ko sa likod nito si Zakeria na papalapit kaya natahimik ako at nawala ang kaninang ngiti.

"Hi, Maya," si Zakeria. "Hi, Laura."

Bumati pabalik si Maya samantalang tumango lang ako at ngumiti. Hindi ko alam kung nakausap na ba ito ni Meagan tungkol sa kanina o hindi. But whatever his decision is, tataggapin ko.

"My mom wants to meet you, Laura," si Zakeria at huminto sa harapan ko. "Puwede ka ba mamaya after practice?"

Nagkatinginan kami ni Maya. Nakita ko ang makahulugan nitong tingin. Tumango siya sa 'kin bago tumikhim.

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now