Kabanata 22

34 4 0
                                    

Deceit




Kanina pa ako hindi mapakali. Dalawang araw pa lang ngayon ng pagtatrabaho ko. But Zakeria called me. Na nandito siya Maynila. I was not aware about his sudden flight. Ang alam ko, sa susunod na buwan pa ito luluwas.

He was the new elected mayor in Glan. Matapos bumaba ang ama sa puwesto, sinundan naman niya. At sa ngayon, delikado sa kan'ya na makita sa publikong lugar. Lalo na at labas sa Glan. There is still riot running between their rival against their family. At hindi ko alam kung tama ba na makipagkita ako sa kan'ya.

Naalala ko ang huling isyu na barilan matapos abangan ang sasakyan nila pagkatapos ng eleksyon. It was the time when I started getting ready for my flight here. Sariwa pa iyon.

Sinulyapan ko ang officemate ko sa kabilang cubicle. Siya pa lang ang una kong naging kakilala rito. Aside from being friendly, matalino rin siya. At sa mga naririnig ko na usapan, siya ang paborito ni Mr. Salcedo.

"Cryza, puwede ikaw muna?" Tinaas ko ang cellphone ko nang lingunin niya ako. Nakuha naman niya agad.

"Ako na bahala, Laura. You can go now." Mahinahon niyang sabi.

Mabilis ang lakad ko palabas. That I didn't someone coming. Agad akong humingi ng paumanhin. At nagpatuloy sa paglalakad. I need to see Zakeria. Bago mangyari ang kinatatakutan. Agad akong pumara ng sasakyan at huminto sa address na binigay niya.

I didn't bother checking my face. After checking files from Salcedo's company. Mas concern ako sa kalagayan ni Zakeria.

Nang marating ang building na tinutukoy niya. Agad akong pumasok roon at bumungad ang tatlong guwardiya. Kunot noo ako nang makita siya na naka upo sa coach, ang mga mata ay nakatutok sa TV.

Hindi ba ito nag aalala na baka may sumaksak sa kan'ya sa likod? Hindi sa wala akong tiwala sa guwardiya niya, pero kung titignan. Hindi maganda na kaunti lang ang isinama niya na bantay gayong nasa syudad ito!

One of his guards whispered on him. Napatingin siya sa akin. Gulat pa ito ngunit agad din nawala at napalitan ng ngiti. Umiwas ako ng tingin. Tumayo siya at lumapit sa akin. He hugged me in between his laughter.

"Aren't you happy to see me Laura?" He asked.

Huminga ako nang malalim bago ibinaling ang mga mata sa kan'ya. "This is not safe, Ker. Alam mo iyon. At magagalit ang dad mo kapag nalaman niya na nandito ka sa Maynila."

"Hanggang dito ba naman, sermon ang bubungad sa akin?" Ngumuso siya.

"This is for your own good, Ker. Hindi ka simpleng tao lang. Tinitingala ka ng marami. Don't act like a child. Hindi ka bumabata. At hindi biro ang trabaho mo."

Tumango siya. "I know, Laura. But I just missed you."

Lumapit pa siya sa akin at yayakapin ulit ako nang agad akong makaiwas. Tinaas ko ang kamay ko para mapigilan siya. Lagi kong naaalala ang pag amin niya sa tuwing umaakto siyang ganito. At ayoko naman na bigyan siya ng motibo sa bagay na makakapagbigay malisya sa iba. At ayoko na isipin niya na may ibig sabihin ang lahat ng bagay na ginagawa niya dahil lamang sa pinapayagan ko siya. I will always put barricades between us. That will always reminds us that we should not cross lines. Kase hindi ko nakikita na makipag relasyon sa kan'ya.

He swallowed and looked away. "Aalis din naman ako agad, Laura. May bibisitahin lang ako sa Cavite. Bago babalik sa Glan."

I feel ease after hearing that. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Ker. Bago pa lang siya sa field na iyon. At wala naman din akong alam sa malalimang pulitika. Pero kung titignan, nakakatakot ito. And knowing Zakeria is still new to this, natatakot rin ako bilang kaibigan niya.

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now