"May tao ba?" sumilip ako sa dating sirang gate sa likod ng bahay ng mga Caballero.
Ayokong dumaan sa main gate. May nakabantay doon at siguradong hindi ako papasukin kahit sabihin kong iniimbitahan ako ng senyorito.
Hindi parin magaling si Maya kaya wala akong kasama ngayon. Mag isa ko na lang tinahak ang masukal na kagubatan patungo rito.
"Sa sala niyo na lang ilagay ang mga iyan. Gising na si Senyorito Ake."
Nakanguso ako habang sinisilip sa likod ng kahoy ang kakaraan lang na mga kasambahay. Nagsasalita ang babaeng matanda sa mga kasama nito. Sa tingin ko, siya ang katiwala sa loob ng Mansyon!
Agad silang yumuko ng may lumapit sa likod nila. Sinundan ko 'yun ng tingin at nangunot ang noo ng makita si Erie. 'Yung babae ni Lucio.
Nandito siya? Ano kaya ang namamagitan sa kanila?
Umiling ako. Mayaman pala ito. Siya ang tipo ng Senyora.
"Nakita niyo po si Lucio, Manang?" lumingon lingon si Erie sa paligid bago sa kasambahay sa harap.
"Lumabas siya kanina sakay ang sasakyan, hija."
"Saan naman pupunta iyon?" nakapamaywang na ngayon at pinadaudos ang kamay sa buhok.
"Wala siyang nabanggit, hija."
Tumango ang dalaga saka lumipat ng pwesto. Napatago ako ng makitang palapit iyon sa kung saan ako. Sumilip lang ako ng maramdamang huminto iyon.
"Why are you not answering my phone?" may pinipindot ito sa kanyang malaking cellphone.
She's tall and pretty. Maganda rin ang hubog ng katawan at maputi. Para siyang artistang nasa mga pelikula.
"Magandang umaga po, sir," bati ng mga kasambahay sa dumating.
May lumapit na lalaking halatang kakagising lang. Nanlalaki ang mga mata ko ng makilalang si Akello iyon!
Akala ko ba sinabi ni Lucio'ng matagal magising ito? Bakit napaaga naman yata ngayon? O baka nagsisinungaling lang si Lucio!
Inangat ko pa ang ulo ko para tingnan ang nasa likod nito. Baka nandito lang talaga ang Senyora at malalagot ako.
"Ake, nagpalit ba ng numero ang kuya mo?"
Lumingon ito kay Erie na hawak hawak ang cellphone at may tinatype. Her black croptop really fits on her flat tummy!
"I don't know," walang emosyon na tugon ni Akello bago nilagpasan ito.
Sinundan siya ng mga kasambahay papunta sa garden table.
"Where did that man go?"
Napaupo ako sa kinatatayuan ko ng tuluyang lumapit sa gate na sira kung nasaan ako ang dalaga.
Saan ba si Lucio at akala ko ba maaga? Hindi kaya nagkamali lang ako ng rinig? Napahawak ako sa bibig ng may naalala. Hindi kaya tinotoo niya 'yung sinabi niya kagabi na susunduin niya ako?
Bumagsak ang balikat ko ng maalalang sinabi kong isasama ko pala si Maya.
Nakatayo ako agad dahil sa gulat ng may sumigaw sa gilid ko. Nakita ko si Erie na nakahawak sa kanyang dibdib at gulat na nakatingin sa'kin. Agad naalarma ang mga kasambahay at lumapit sa'min.
"What are you doing here? You scared me, stink kid!"
"Uh," napaatras ako. Paano ko ba sasabihin ang lahat.
"Anong nangyari, Ma'am?"
Napalingon ako sa mga kasambahay na lumapit sa gilid niya. Gulat parin ang dalaga at tinuro ako.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...