"Tinatawag ko po ang lahat ng mga hayop sa lupa at tubig. Gabayan niyo po kami sa aming paglalangoy."
Nakangisi kong pinagmamasdan si Maya habang nakapikit at ang dalawang kamay ay pinagsalikop.
Nilipat ko ang tingin sa kulay bughaw na tubig ng dagat at ang pinong pinong buhangin sa malayo. The smell of ocean and the air soothed beneath my scent and skin.
"Tara na, Laura!"
Tumakbo si Maya patungo sa tubig at agad nilubog ang katawan. Bigla akong nainggit kaya tumayo ako sa pagkakaupo sa ilalim ng punong niyog at lumusong na rin sa dagat.
Sumalubong ang katamtamang lamig ng dagat. It's not hot nor cold. It's normal and it's really good and better for diving!
"Nakikita mo 'yun?" si Maya at may tinuro sa malayo.
Sinundan ko ang tingin nito. May mga speed boat sa malayo. Nasa isang resort yata nanggaling 'yun.
"Sa Resort 'yun diba?" tanong ko habang nakatingin sa boat.
Mukhang nagkakasiyahan pa ang mga 'yun. Nang mapadpad sila sa gitnang bahagi at medyo malayo sa dalampasigan. Agad silang nawala sa paningin namin.
"Scuba diving? Ano sa tingin mo ang ginagawa nila?"
Kunot noo ko siyang binalingan bago tumango. "Siguro. Mahal naman kasi kapag may kasama kang tatlong master diver. Around 60 balita ko kay kuya."
"Nakapunta diyan si Arles?" may pagtataka sa boses ni Maya at hinawi ang tubig dagat para makalapit sa'kin.
Pareho kaming nakasuot ng maikling short at manipis na puting sando. Wala namang tao dito na napapadpad dahil lugar ito ng mga Caballero.
Kung hindi lang sa papa ni Maya na nagtatrabaho sa kanila ay hindi kami makakapasok dito. Wala rin naman naliligo dito. Ma's gugustuhin nilang sa malapit na resort o sa mga mayamang tulad nila'y sa jacuzzi o sa pool nila.
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Napadpad sila kuya d'yan noong pangingisda nila."
"Seryoso ka, 60? Thousand?" may pagtataka sa boses niya.
Tumango ako at lumangoy palayo. Hinawi ko ang mahabang buhok at hinanap kung saan na si Maya. Bigla siyang umahon sa tabi ko at hinawi ang buhok.
"Seryoso nga? Ang mahal naman," pag-uulit nito. Hindi makapaniwala sa nalaman.
"Oo. Kaya nga swerte natin na taga-rito. Hindi na tayo nawawalan ng pera. We can just go and dive with the sea around Glan," sabi ko at tumingin sa bughaw at asul na dagat.
"English 'yun ah?" natatawa nitong sabi at sinabuyan ako ng tubig.
"Tanga. Parang 'yun lang naman."
"Pero seryoso nga. Ang swerte natin. Nakakaligo tayo sa libreng dagat ng Hacienda Caballero."
"Salamat sa papa mo," nakangisi kong sabi.
Tumawa lang si Maya saka sumisid na. Sinundan ko siya at nakita kong medyo bumalik siya sa mababaw.
Malinaw at halos kita ang nasa ilalim ng dagat. Malinis at walang mga ligaw na lalagyan ng pagkain at plastic sa buhangin.
Pumailalim pa ako at hinawakan ang pino at puting buhangin. Nilibot ko pa ang paningin ko at wala ng nakita kung hindi ang dagat at buhangin na nagsama.
Ngumiti ako bago lumangoy paitaas. Pagkaahon ko ay napasinghap ako sa hangin. Hinawi ko ulit ang nagulong buhok bago tinapunan ng tingin ang medyo malayong seashore.
Nandoon nakatayo si Maya. Nanliliit ang mga mata ko ng makita ang mga lalaki sa malayo.
Lumangoy ako para makalapit sa kanila. Nang medyo makalapit na, doon ko lang nakilala ang mga lalaki.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...