Kabanata 11

89 16 6
                                    

"Anong meron sa labas?" binagsak ko ang sarili sa upuan at sinulyapan ang kaibigan sa gilid ko.

Sinundan nito ang tinutukoy ko bago umiling.

"Ewan? Mga babae yata ni Akello nag aaway?"

Napaupo ako ng maayos at binaba ang hawak na lollipop. Sinulyapan ko pa sa likod ang tahimik na kaklase.

"May kinalaman ba dito si Rosaura?" bulong ko at nginuso ang nasa likod.

Lumingon siya sa likod bago sa'kin. "Ewan ko. Siguro."

Kumunot ang noo ko bago sumandal sa pagkakaupo.

"Hoy, Maya."

Inangat nito ang tingin sa'kin.

"Bakit?"

"Nakita ko kayo ni kuya kahapon sa tapat ng manggahan."

Nanlalaki ang mga mata nito at hindi mapakali sa inuupuan. Ma's lalong nangunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"Nagpatulong lang...ako sa kanya..."

"Nagpatulong lang ba? Ano naman iyon?"

Gumuhit ang irita sa buong mukha nito kaya napangisi ako.

"Nagpatulong lang naman ako...akyatin yung bunga..." aniya.

Napaahon ako sa pagkakasandal at umayos ng upo. Wala yata kaming guro ngayon at may pag-iipon para sa darating na foundation. Kahit maliit lang ang paaralan ng Glan, sinisikap pa rin ng taga-taguyod na hindi mapang-iwanan sa mga malalaking paaralan kahit sa mga laro at aktibidad man lang.

"Mabuti naman...baka ibang bunga nakuha niyo, a?"

Tinampal nito ang balikat ko kaya napahawak ako roon.

"Ano ba? Sinasabi ko lang naman na baka ibang bunga nakuha niyo. Bakit galit kana?"

Umikot ang mata nito at tumingin na lang sa labas.

Napakagat ako sa labi. Alam kong meron, hindi ako tanga na hindi makahalata. Total, wala nanaman si kuya at ang babae niya kaya alam kong may pag-asa pa ito.

"Laura..." si Maya at nakatingin sa papasok.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Akello na patungo sa pwesto namin. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan na lang ito.

"Miss Laura..." nakangisi nitong salubong at naupo sa upuang nasa harap namin ngunit sa'min nakaharap.

Sinulyapan pa niya ang nasa likod na bahagi ng upuan bago kumindat. Si Rosaura naman ang tao roon. Lumabas narin ang mga kaklase naming iba dahil wala rin naman klase.

"Bakit ka nandito?"

"Bakit bawal ba?" nakangisi nitong tugon bago pinadausdos ang kamay sa buhok nito.

Sumulyap pa siya ulit sa likod at ngumiti. Naglalandi lang naman yata siya rito?

"Kung may balak kang lapitan, lapitan mo. Hindi yung nagkakalat ka pa sa harap namin. Konting respeto naman sa'min, Akello."

Bumulalas ang tawa nito. Napatingin pa ang iba naming kaklase sa'min.

"Gusto kong lapitan, pero hindi pwede. Hindi pa ngayon," sabi nito bago nawala ang ngiti sa mukha niya.

Bakit naman niya nasasabi iyon? Isa siyang caballero at kayang gawin ang lahat pero bakit?

"Alam kong kaya mo naman gawin lahat-"

"Mom sent guards with me. I don't want to let her get involve here."

Napakagat ako sa sariling labi. Mainit parin pala ang usapan tungkol sa kanila. Bakit ba kasi ayaw ng senyora na gustuhin na lang ang nagugustuhan ng anak?

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now