Deem"Maya," maliit kong boses habang tinatawag ang kaibigan sa maliit at kahoy nilang bahay.
"Maya, sasama ka pa ba?" pag-uulit ko at medyo kinatok ang nasisira nilang dingding.
"Sino 'yang nasa labas?! Ang ingay mo, ka-aga aga!"
Agad akong napayuko ng marinig ang nanay ng kaibigan ko. Mataba 'yun at laging nakasalubong ang kilay. Kung una mo pa lang itong makita eh aakalain mong galit.
Ganyan man ang mukha at boses niya'y mabait 'yan at ako pa ang ma's paborito niyan kesa sa sarili niyang anak na si Maya, kaibigan ko.
"Tita, ako lang 'to," sabi ko sa maliit na boses. "Gising na po ba si Maya? May pupuntahan kasi kami."
"Oh? Ikaw pala 'yan, Laura! Tena at gigisingin ko," sabi nito at narinig ko ang kaluskos kasunod ang igik ng kaibigan ko.
"Si mama naman eh!"
"Gising na aba! Kanina ka pa hinihitay ni Laura sa labas."
"Si laura?" antok na boses ni Maya. "Teka, mama anong oras na? May pupuntahan kami eh."
Rinig ko ang mga yapak sa isang kawayang sahig kasunod nun ang nagmamadali at nag-aayos ng buhok na si Maya.
"Tanga ka! Akala ko ba maaga? Tara na!" maliit kong boses at hinila na siya.
"Saglit lang naman. Inaatok pa ako baka mawala tayo."
"Bilis na kasi. Baka may makakita sa'tin."
Ngumiti si Maya sa'kin. "Sure ka ba sa sinabi ng kuya mo?"
Nagsisimula na kaming maglakad papunta sa fish port. Bali-balita kasi ay dumating ang panganay na anak ng mga Caballero at galing daw Manila.
"Oo. Gwapo raw at masayahin pa," masaya kong sabi at kinindatan pa ang inaantok na kaibigan.
"Tumigil ka nga. Naririndi ako sa pakindat mong 'yan," pa-ismid na sabi nito. "Basta ipapaalala ko lang sa'yo na sinasamahan lang kita rito dahil gusto ko ang kuya mo."
"Oo na nga, kahit angkinin mo na si kuya," natatawa kong sabi sa kan'ya.
Patay na patay ang kaibigan ko sa kuya ko. Hindi ko rin alam kung anong nagustuhan niya roon eh.
Ramdam ko ang lamig at nagsisimula nang kumawala ang lamig ng pang umagang hangin kahit hindi pa lumalabas ang haring araw.
Ganito minsan ang uwi ni kuya sa t'wing nangingisda sila. Wala pa namang klase kaya sumali si kuya kila tito para mamulaot.
Wala naman akong pakialam sa ginagawa niya. Kaso dahil sa kuryusidad sa mga bali-balitang may dumating na anak ng mayayamang Caballero ay parang gusto kong pakialamanan ang ginagawa ni kuya lalo na't balitang sumama 'yun sa grupo ng mangingisda.
Titingnan ko lang naman, hindi lalandiin.
"Ayun na ang kuya mo!"
Tinuro ni Maya ang grupo ng mangingisda na pumapalaot. Tinali nila ang bangka at inaalis ang mga nahuli nilang iba't ibang klaseng isda.
Hinigpitan ko ang kapit sa makapal kong jacket at inayos ang maalon at mahabang buhok bago hinila ang kaibigan palapit sa kanila. Rinig na rinig pa ang paghampas ng alon sa kahoy na tinatayuan namin.
"Kuya!" sigaw ko ng makilala si kuya.
Nakasuot ito ng itim na long-sleeve at hawak ang isang lambat.
Lumingon siya sa'kin. "O, Laura? Bakit ka nandito?"
"Kasama ko si Maya," ngiti kong sabi at tinapunan ang nahihiya kong kaibigan sa likod ko. "Gusto ko lang makita ginagawa niyo."
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...