"Hindi pwede sa'min eh. Maliit lang ang bahay namin at hindi kompleto sa gamit."
"Hindi naman kakain ang gagawin natin doon, Maya."
Tapos na ang klase namin at nag-uusap kami ngayon para sa isang proyekto. Plano sana namin bukas na gawin para mabilis matapos.
Wala namang problema dahil walang gagawin ang lahat sa'min. Kaso ang hindi namin mapagdesisyonan ay kung saan gagawa.
"Kahit na. Ganun din 'yun atsaka magulo ang bahay namin," bumaling si Maya sa'kin. "Baka kanila Laura."
"Ano, Laura? Pwede ba sa bahay niyo?" tanong ng isa kong kaklase.
Mabilis akong umiling. "Hindi pwede. May gagawin sila kuya kasama ang kaibigan niya eh."
"Sige huwag na kayong pumayag lahat!"
Natahimik kami ng sumigaw si Meagan. Sa lahat, siya lang naman ang pinoproblema namin eh. She's an Alderiste. So her attitude is more likely the same with her family.
Rinig ko pa sa huling isyu ng pamilya niya, nakapatay ang ama nito ng tauhan nila. But see what money can do. They used it against the rights. They paid a lot of money to cover up the evilness and villainy of them.
"Sa'min na lang."
Napatingin kaming lahat kay Rosaura. Kasali pala siya sa grupo namin. Hindi ko man lang napansin.
"Sige. Sa bahay nila Rosa. Ako na lang ang bahala sa mga kahoy," tumayo sa pagkakaupo ang leader namin. "Laura, makakapagdala ka ba ng pako?"
"Uh, martilyo na lang. Kay maya ang pako."
Pinandilatan ako ni Maya ng mata kalaunan ngumiti rin sa lahat at tumango.
"Sige. Ako na lang."
Mabilis ang lakad ko habang tinutungo ang distansya papunta sa bahay nila Maya. Doon na lang kami sasakay.
Dala ang martilyo. Mabilis kaming sumakay sa kakadaan lang din na tricycle. Gulat pa ang driver ng makita ang hawak kong martilyo.
"Para saan 'yan hija?"
Sinundan ko ang tingin niya sa hawak ko saka bumaling ulit sa kan'ya at ngumiti. "Para po ito sa project namin manong."
Huminto kami sa harap ng bahay ng mga Galvarro. Hindi gawa sa semento ang bahay nila ngunit maayos ang pagkakagawa gamit ang varnished wood. Hanggang dalawang palapag iyon at may malaking bintana sa taas.
"Sa pagkakaalam ko, may dalawang kuya si Rosa," bulong ni Maya sa gilid ko.
"Patahimikin mo ang bunganga mo," inis kong sabi saka pumasok na lang sa nakabukas na gate nila.
Narinig ko pa ang malakas na hagikhik ni Maya.
"Kunin mo nga 'yung kawayan, Maya."
Tumalikod si Maya at tinungo ang maliit na gazebo sa malayo para kuhanin ang kawayan. Pinapagawa kasi kami ng isang minigarden. Hinati ang seksyon namin sa dalawang grupo. Isang grupo roon ay puno ng lalaki.
Napagdesyonan ng mga kagrupo kong kahoy na lang ang gamitin para naman makakapagtipid kami at higit sa lahat mataas pa ang puntos pag recycled ang mga material.
Hindi naman kasi sa halaga tinitingnan ang isang bagay. Kung pasado ang quality at maganda ang itsura, paniguradong papasa sa mata ng karamihan. As long as you'll do it with your own style and idea. Uniqueness is a must!
"Hindi kasi ganyan ang plano natin."
Napabaling kaming dalawa ni Maya ng marinig ang boses ni Meagan sa likod namin.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...