"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Lucio nang makababa kami sa sasakyan niya.Nasa taas kami na lugar kung saan makikita ang malawak na tubuhan sa ibaba. May maliit na lumang kubo sa gilid at doon dumeretso si Lucio.
Inayos ko ang buhok kong natatangay ng hangin at nilibot ang tingin sa lugar. May mga tricycle din namang dumadaan kaya nabawasaan din ang pagiging kabado ko. Nilapitan ko itong tahimik na nakaupo sa kubo at malayo ang tingin.
"Bakit ba tayo nandito?" tanong ko ulit dahil ayaw niyang magsalita kanina pa.
Wala pa rin itong imik. Bumuntong hininga ako at sinundan kung saan siya nakatingin. Pero agad din binalik sa kan'ya.
"Uuwi na lang ako kung wala rin po kayong kailangan," sabi ko na ikinatingin niya.
Tinaas nito ang isang kilay ngunit wala pa rin itong kibo.
"Pakisabi na lang kay Akello-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay pinutol na nito.
"I'm bored."
Natahimik ako. At ano naman gagawin ko dito. Problema ko pa ba na wala siyang magawa?
Iniwas ko ang tingin ko. Nakakailang ang titig niya. Hindi ko rin alam ano sasabihin ko. Ayokong maging bastos sa pagsasagot. Kilala siya sa lugar. Wala akong karapatan sa lugar nila.
"Pasensya na," siya at tumayo sa pagkakaupo.
Gulat akong tumingin sa kan'ya. Nakahalukipkip naman siyang nasa harapan ko at nakatingin din sa'kin. Ang tangkad niya!
"Pasensya... para saan?" tanong ko.
"Na dinala kita dito," tipid niyang sagot.
Natahimik ulit ako. May magagawa ba ako?
"Other than feeling bored. Erie wants to see you."
"Ha?" ako. "Bakit? Para saan?"
Dumaan ang gulat sa mga mata nito kaya inalis ang pagkakahalukipkip at kagat labing umiwas ng tingin.
"Bakit daw?" pag uulit ko.
Hindi ko yata magawang maging magalang sa mga matatanda sa'kin pag si Lucio na ang kaharap at kausap.
"Uh, nakalimutan ko."
Kumunot ang noo ko. Pwede bang kalimutan ang dahilan ng isang bagay?
Ngumuso ako at ginilid ang mga mata. Nakita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin na siya sa'kin. Ano bang balak gawin nitong nakakatandang anak at apo ng Caballero?
"May nawala kasi..." pinalobo nito ang kaliwang pisngi gamit ang dila bago sumulyap sa'kin.
"Alin? Anong... anong nawala?" natataranta kong tanong.
"Hindi ko alam kung ano," si Lucio. "Gusto kang makausap ni Erie tungkol doon."
Naglakihan ang mga mata ko sa narinig. Mabilis din ang kabang nararamdaman habang nakatingin sa kausap.
"Wala akong alam doon. Alam kong nakapasok ako sa bahay niyo pero kita mo naman 'di ba na wala akong ibang pinuntahan at sa hapag lang at sala ako," lumunok ako. "Nakita mo 'di ba?"
Walang imik na nakatingin ito sa'kin. Hindi ko alam kung naniniwala ba ito sa'kin o hindi. Wala naman talaga akong alam kung ako ang sinisisi ng mapapangasawa nito sa kung ano mang nawala sa kan'ya.
"Kung ako ang sinisisi niya, wala talaga akong alam. Hindi ko rin nga napagmasdan ng mabuti ang nasa loob dahil natatakot akong baka may mawala. Totoo iyon Lucio," pagpaliwanag ko.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...