This chapter is dedicated to healvixtorious. Thank you for being my number one reader! ilysm <3
------
Treat
"Kuya naman, e."
"Ano? Huwag ka nga lalabas. Malapit na birthday mo. Magagalit lang din si mama niyan pag malaman na lumabas ka na naman."
Inis kong tinapunan nang tingin si Kuya. Nag-aayos ito ng buhok sa harapan ng salamin. May lakad siguro sila ni Maya.
"Ayan ka na naman sa mga pamahiin. Si Maya nga tuwing birthday niya lumalabas naman kami pero wala ring nangyayari sa kan'ya. Sobra ka naman, Kuya. Sabihin mo na lang kaya na ayaw mo akong palabasin kasi walang bantay ang bahay," nakanguso kong sabi.
Umayos ng tayo si Kuya at tumingin sa luma nitong relo. Rinig ko naman ang tunog ng bote, hudyat na may pumasok sa bakuran.
Sinilip ko 'yon sa bintana at nakita si Maya. Maayos ang suot nito at halatang malayo ang lakad nila ni Kuya.
"Kuya naman. Payagan mo na kasi ako," pagpipilit ko.
"Huwag mo ikumpara ang sarili mo kay Maya. Kasi siya matino ang utak, ikaw may pagkabaliw at kung saan saan napupunta. Ikaw rin minsan ang nagpapahamak sa kan'ya eh. Kaya siya minsan lumalabas labas kasi inaaya mo."
Napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa narinig.
"Aba, Arles. Parang hindi mo ako kapatid ah?"
"Sinabi ko bang kapatid kita?" natatawang sabi ni Kuya na nagpa-inis lalo sa'kin.
Agad kong hinablot ang tsinelas ko panloob at binato ito. Sakto ang pagkapasok ni Maya at nadatnan kaming ganoon.
"O? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Maya.
"Etong kuya kong matanda. Child abuse sa'yo!"
"Aba. Age doesn't matter. Just physics. Hindi mo yata alam iyon kasi puro gala inaatupag mo. Hindi na ako magugulat pag magkita kayo ni Dora the explorer ah?" natatawang si Kuya bago tumabi sa likod ni Maya dahil alam nitong babatuhin ko ulit.
"Umalis na kayo, Maya. Bago ko pa iyan masabubutan."
Natatawa si Maya nang lingunin si Kuya na nasa likod niya.
"Umayos ka, Arles," sabi nito sa kan'ya.
"Maayos naman ako ah?" tumayo si Kuya nang tuwid bago kinuha ang pitaka sa likod.
"O, ayan," may inabot siyang isang daan sa'kin. "Huwag kang lalabas ah?"
Kagat labi ako habang pinipigilang ngumiti. Inabot ko ang pera bago tumango.
"Bibigyan mo pala ako ng pera bakit pinatagal mo pa?"
"Basta huwag ka lumabas," sinilip muli ni kuya ang relo nito bago tumango kay Maya.
"Aalis na kami."
"Sige, ingat kayo."
"Ingat ka rin, Laura."
"Maya, huwag mo palagi sundin iyan. Medyo batugan iyan alam mo na," habol ko sa kaibigan.
Huminga ako nang malalim ng muli akong mapag isa sa bahay. Tahimik at tanging ang mga tilaok ng manok ko sa likod ulit ang maririnig.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa likod ng bahay namin para pagkainin ang mga iyon. Habang hinihintay na maubos nila ang mais na nilagay ko sa lagayan ng pagkain nila, agad kong naalala 'yung usapan namin kahapon ni Lucio.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romansa(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...