Recollect
Hindi ko iwasang mapangiti dahil sa naririnig mula kay Zakeria. Hindi nga ako makapaniwala na wala parin itong nobya simula no'ng umapak sa pagiging mayor.
"Akala ko ay mamalagi kana sa Maynila," ngumiti siya saka humigop sa mainit na kape.
Napag alaman kong wala itong tulog nitong sunod sunod na araw dahil sa paghahanda Sa susunod na araw ng Glan.
Napangiwi ako mula sa narinig. Hindi ko alam kung klaro parin ba ang pamamaga ng mata ko o hindi. He flashed a boyish smiled when I didn't responded.
"I saw the news," his smile remained. Ginilid niya ang baso ng kape at pinagsalikop ang mga kamay. "I know back then that he'll bring no good on you."
Ngumiti ako nang mapakla bago ibaling ang mga mata sa mga traysikel sa malayo na nagsisiksikan. Nasa palengke parin kami at inaya niya ako sa malapit na kapehan para magkumustahan. Ngayon na binanggit niya ang tungkol sa trabaho ko, hindi ko maiwasang maalala ang problemang tinakbuhan ko.
"I saw you on your lowest stage. He caused you too much pain that it affects me." Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. "I told myself to get you out of here. I thought province was only suffocating you. So, I asked my friend to get you a job. Sa kasamaang palad, Rubio got messed so you need to find another job. I was planning to get you back when I heard you got another. So, I let you live there. I cut the connection between us."
Naalala ko no'ng tinatawagan ko siya at hindi ma-contact. Wala akong masabi at nakinig na lang sa kan'ya. Hindi nga ako makapaniwala ngayon sa mga naririnig. Akala ko, nagmamagandang loob lang siya sa mga oras na iyon. Alam ko naman na may gusto siya sa akin noon. Pero akala ko ay kumupas na iyon at tanging kabutihan lang ang pinapakita.
"I believe in you, Laura." Ngumiti si Zakeria. "Now that you're back, I'll make sure you won't leave this place."
Natatawa akong umiling. "Salamat..."
Tumayo kami at nagbayad na. Dadaan pa ito sa gitnang bahagi papunta sa dulo ng Glan para mag anunsyo. Mabuti at tahimik na rin ang Glan. Hindi ko sukat akalain na maayos ang pamamalakad nito.
"Dadaan ako sa inyo, Laura. Marami pa akong sasabihin. Trabaho muna ngayon." Nakangiti nitong tinaas ang sumbrero sa ulo at kumaway bago umalis.
Nang makitang wala na iyon, pumasok na ako sa pick up ni kuya at tumulak na. Mataas na ang araw nang makabalik sa bahay. Nadatnan ko si Freja at Maya na nakaupo sa isang sofa at nakaharap sa isang libro. Titser na si Maya, at ngayon buntis siya ay minabuti niyang sa bahay muna dahil iyon din ang kagustuhan ni kuya.
Inubos ko lahat ng oras sa pagtulog. At pagkagising ay nagpaalam ako para mamasyal sa dating bahay. Hindi ginamit ni kuya ang sasakyan niya kaya muli ko itong sinakyan. Samu't saring ala ala ang pumapasok sa isipan habang nilalakbay ang daan patungo sa lugar kung saan ako lumaki.
Huminto ako nang matanaw ang bahay. Dati, puno pa iyon ng mga barong bahay na gawa lamang sa kahoy at sako. At bubong ay may isang gulong para hindi liparin kapag malakas ang hangin. Ngayon, tanging ang bahay lang namin ang natitira roon dahil pinabenta na ang lupa. Naglakad ako palapit at hinayaan sa gilid ang kotse. Noong nakaraang taon lang din binili ni kuya ang lupa na kinatitirikan nito, kaya ito na lang din ang natitira.
Isang malakas na hangin ang umihip. Ang buhok kong nakatali ay nagsisigalawan. Naaamoy ko ang maalat na dagat sa malayo. Sinubukan kong buksan ang bahay. Ngunit nakasarado. Nilibot ko na lang ang mga mata sa paligid. I saw some flowers. Siguro ay mga tanim iyon ni mama.
Dahil hindi naman ako makapasok, dumeretso na lang ako sa dagat. Plano ko rin talaga na maligo, kaya nagdala ako ng extra na damit. Inalis ko ang suot na damit at tinakbo ang distansya patungo roon. Nang maramdaman ang malamig sa balat, Doon ako sumisid.
YOU ARE READING
Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1)
Romance(COMPLETED) Caballero Series #1 The ocean, a restless giant, had always known the rhythm of its existence: the endless dance with the shore, the crashing waves, the gentle caress of the tide. It was a symphony of motion, a constant collision of for...