Kabanata 26

29 2 0
                                    

Argue



"I'll be there in a minute." Binaba ko ang cellphone na hawak matapos makatanggap ng tawag mula kay Morgan.

Mabilis kong inipon ang lahat ng papel sa lamesa. I already checked them all. Hindi ko akalain na sobrang rami nito. Kaya hindi ako nag-aga. Akala ko limang booklet lang ang iche-check ko. Kaya naman ngayon ay para akong hinahabol sa deadline dahil kailangan na iyon ni Morgan.

Mabilis kong inipon ang buhok ko at itinali iyon. I grabbed the folder and papers before rushed out. Sabi sa akin ay nasa golf area siya around Baguio. Hindi ko alam kung saan hahanapin iyon. Hindi ko rin alam kung saan ang bahay ni Morgan. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili habang nagdadrive. Sinulyapan ko ang side mirror. May isang sasakyan na nakasunod. Isang linggo na iyon. At maging sa pag uwi ko, nakasunod iyon. Hindi ko na binigyan ng pansin kahit na medyo nakakapagtaka. Trejo Company is really secured afterall. Baka ganoon lang din sila kaalaga sa mga employees and some workers.

Huminto ako nang mapadpad sa address na binigay sa akin ng dating secretary. Bumaba ako at kinuha ang dapat na dalhin sa loob. Mataas ang araw at nararamdaman ko ang pawis sa noo. I am sure that I look haggard now, pero mas kailangan kong unahin ang trabaho dahil kanina pa naghihintay si Morgan. Dagdag pa dahil traffic ako kanina.

Agad akong nakapasok dahil hindi rin ako tinanong ng security na nagbabantay. I see some cameras around kaya alam kong nakikita ako ni Morgan. O baka sinabihan na ang mga ito na darating ako.

Bumungad ang malawak na bermuda. Nasa malayo ang isang puting bahay. The exterior looks old a bit. But it doesn't look less. Maganda ito and it looks like some ancestor house. May isang fountain sa gilid. Napansin ko na marami rin ang kasambahay nila. Sumagi sa isipan ko ang bahay nila Lucio sa Glan. Parehong pareho rito.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel nang matanaw sa malayo si Morgan. She's playing golf. She was surrounded by men and some maids. Isa isa kong tinignan ang mga lalaki na nandoon. Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala doon si Lucio.

"Here's the paper, Morgan. I'll ready checked it. I suggest to check it again. Kung may gusto ka na idagdag at kung ayaw mo."

Huminto siya sa pag-aasinta at kinuha ang mga papel na inabot ko. Lumingon ako sa paligid habang tinitignan niya iyon. Napakalawak ng lugar. It's even peaceful. Siguro dahil sa malamig na klima sa Baguio. At napansin ko rin sa labas na wala silang kapitbahay. They really owned the land. I am sure Lucio bought this for them.

"This is good. I trust you, Laura." Si Morgan at ibinigay ang papel sa isang kasambahay.

Napabaling ako sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin bago tumalikod. Bumalik ulit siya sa paglalaro ng golf. Seryoso na ito at nilagay ang bola sa baba. Nag asinta agad siya at malayo ang narating ng bola. Everyone clapped their hands. Pati ako ay napahanga. Kung iisipin, she's too young to be a CEO, maganda at mayaman. Matalino rin dahil galing sa isang prestigious na paralan gumraduate. At ang makitang maalam rin ito sa mga laro, mas lalo akong napahanga.

Nawala ang ngiti ko sa gitna ng palakpakan. Kaya ba hindi na ako tinawagan ni Lucio noon dahil nakahanap na siya nang mas babagay sa kan'ya? I feel somehow betrayed. And I feel pity for myself. Masyado akong mababa kung ikukumpara kay Morgan.

Binigay ni Morgan ang gold stick sa isang lalaki. At inalis rin ang kan'yang gloves at golf cap bago tumingin sa akin.

"You want to try, Laura?"

Napaawang ang mga labi ko sa narinig. I looked around. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin. Agad akong umiling.

"I don't know how to play that." I admitted.

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now