Kabanata 21

40 5 1
                                    

Outbound



It was rough. Pero pinagpatuloy ko ang paglalakad sa gitna ng mga matutulis na bato. Alam kong pagdating ko sa dulo, makikita ko na si Lucio na naghihintay. It was sunrise. At mamaya, paalis na si Lucio sa Glan. He promised to ride boat with me. Bago siya tumulak pa-Maynila.

Hinila ko ang mahabang bestida para mas mabilis ang pag-usad. Bagsak ang buhok ko dahil sa malakas na hangin. Hindi na ako nag-abala na itali ito paitaas dahil mababasa ang bestida ko kapag bibitawan ko.

I sighed after I landed safely on the sand. Pinagpag ko ang magkabilaang kamay bago nilibot ang tingin. Wala si Lucio. Naglakad ako palapit sa natanaw na maliit na kubo sa gilid. It was old. At halatang pabagsak na. And it was abandoned.

I saw Lucio there! He was sitting with his eyes closed. He was crossing his arms. Lumapit ako at nakita ko ang dahan dahan niyang pagbukas sa mga mata. Naramdaman ang presenya ko.

"Kanina ka pa ba?" Salubong ko.

Tumango siya saka tumayo mula sa pagkakaupo. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kan'ya. Sobrang lapit ko sa kan'ya at naamoy ko ang pabango niya. I was looking in his eyes.

"Uh..." Ako.

Tumikhim siya saka binitawan ako. Napaatras ako at napasulyap sa gilid. He was acting weird. At hindi ko alam kung bakit ang aga niya rito.

"You're late," sabi niya saka nagsimulang maglakad.

Sumunod ako sa kan'ya. Ngayon ko lang napansin ang isang bangka sa malayo. We are heading there. At paniguradong iyon ang hinanda niya.

"Ang aga mo lang," natatawa kong tugon.

"Get in." Siya saka may kunuhang sagwan sa gilid.

Sumakay ako at naupo sa pinakaunahan, nakaharap sa kan'ya na nasa likod. Napangiti ako nang magsimula siyang magsagwan. Binaba ko ang kamay ko at dinama ang lamig ng tubig. It was cold. Like how the morning breeze touches my skin.

I looked at Lucio. Tahimik lang siyang nakatayo at nagsasagwan. He knows what he's doing. Kaya panatag ako. Sadyang nagtataka lang dahil tahimik siya ngayon.

"Sabi mo aalis ka at matagal ka pa babalik?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

He looked at me. Agad din naman iniwas. Tumango siya saka binaba ang sagwan sa gilid. Napahinto ang bangka namin sa gitna. Humigpit ang hawak ko sa gilid nang gumalaw ang bangka dahil sa kan'yang pag-upo Sa harapan ko. He sighed after he sat down.

"Oo," tipid niyang sagot.

Tumango ako. Iniwas ko ang mga mata sa kan'ya nang maramdaman ang kan'yang paninitig.

"Sa Maynila lang naman iyon 'di ba?" Ngumiti ako. "Atsaka, siguro pagbalik mo, naka-graduate na ako noon. Lilibre kita."

Binaba niya ang tingin at ngumiti ng maliit. Binalik nga rin agad ang tingin sa 'kin. Naninibago ako, dahil hindi naman siya ganito katahimik kapag nagkikita kami.

"At tatawagan mo naman din ako 'di ba?" Nakangiti kong tanong.

He didn't respond. Kaya tumango na lang ako at nangingiting tumingin sa malawak na dagat. Hindi ko alam kung anong meron, at bakit ayaw nitong sagutin ang mga tanong ko. Naiintindihan ko. Oo, malayo iyon. Pero kaya ko naman maghintay sa pagbabalik niya. Atsaka, mag-aabogado siya. Para sa kan'yang kinabukasan. Mas magiging masaya ako pagbalik niya kapag may sarili na itong Firm!

"I can't promise to call you everyday, Laura." He finally spoke.

Nawala ang ngiti ko. Dahan dahan kong pinagsalikop ang mga kamay sa harap. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Nahihimigan ko na. Is this a way of him saying goodbye?

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now