Kabanata 15

75 15 8
                                    

Huminga ako nang malalim bago humakbang. Tanaw ko na ang maliit na puno sa malayo. Malakas rin ang ihip ng hangin ngayon kaya malakas na nagsasayawan ang Alon.

Nakita ko sa malayo na nakatayo si Lucio habang kausap ang isang lalaking may-ari ng bangka. Galing yata iyon sa kabilang resort. Nakikilala ko ang tatak na nasa bangka.

Lucio told me last time about this. Hindi na sana ako papayag at magdadahilan sana kaso halata na talagang umiiwas ako. Hindi ko rin alam paano mag pasalamat sa binigay niya. At hindi ko rin naman binanggit pa 'yon.

"O, siya ba Hijo?" natatawang salubong nung bangkero nang makita akong papalapit.

Lumingon si Lucio sa'kin. Nakahalukipkip ito habang pinaglalaruan ng kabilang kamay ang labi. Tinatangay ng mapaglarong hangin ang buhok nito na mas lalong nagpagulo rito. Umiwas siya nang tingin at humarap sa kausap. Tumango naman ang bangkero at nagsimulang maglakad patungo sa bangka nito.

"Pasensya na, huli ako. May iniutos pa kasi si kuya," pagdadahilan ko kahit ang totoo, hindi ko alam anong susuotin.

Tumango lang ito sa'kin bago binaba ang tingin sa suot ko. Kagat-labi akong nag iwas nang tingin. Dahil sa wala akong mapili na isusuot kanina, ginawa ko na lang na simpleng lakad at gala lang namin ni Maya ang pagkikita namin ni Lucio. Suot ang puting dress na lagi kong suot, tinali ko paitaas ang buhok ko.

"Okay lang," si Lucio at ngumiti. "Ayos naman siguro ako."

"H-ha?" nagtataka kong tanong at sinundan siya nang tingin.

Lumingon ito sa'kin, "Forget it."

Nagtataka man ako ngunit tumango na lang.

"Sir, ayos na," sigaw ng isang bangkero sa malayo.

Sinundan ko iyon nang tingin bago kay Lucio na sa'kin ang mga mata nakatutok.

"Tara?" si Lucio.

Tumango ako ngunit hindi gumalaw sa pwesto niya si Lucio. Kinagat ko ang labi ko at nauna nang maglakad patungo roon sa bangka.

Huminto ako nang maunang sumampa si Lucio at nilahad ang kamay sa'kin para tulungan akong makaakyat.

"Salamat," ako at naupo sa isang maliit na upuan sa gitna.

Mabuti na lang at may bubong naman at hindi mainit mamaya kapag lalabas si haring araw.

The ride started as I was watching the wide ocean peacefully at early morning. I've never been here at this hour. Lagi akong hindi pinapayagan ni Kuya sumama sa kan'ya kapag nagpapalaot siya. I've never thought this could be relaxing!

Napalingon ako kay Lucio nang bigla niyang ilagay ang puting tuwalya sa balikat ko.

"It's cold. You might catch a flu," siya at naupo muli sa likod ko.

Medyo awkward pa kasi nasa likod ko siya. Tinatangay pa naman ng hangin ang buhok ko kahit na nakatali na siya.

Tumukhim ako nang mapansin ang katahimikan. Kanina pa kami walang imikan dito. Hindi naman siya nagsasalita kaya ayos lang din na manahimik ako?

"Uh, ayos lang ba 'yung family gathering niyo noong nakaraan?" simula ko.

Hindi ko naman kasi natapos kaagad panoorin kung anong klaseng gathering ba ginagawa nilang mayayaman. Atsaka, hindi ko kayang lumabas pa matapos sabihin ni Lucio ang tungkol sa pag stay niya dito ngayong pasko. Mabuti na lang at dumating kaagad si Maya. Hindi ako makakahinga kung kaming dalawa lang ni Lucio sa kusina.

"It went well. It's just my brother wasn't there so my mom got worried," si Lucio.

Nilingon ko siya sa likod ko at agad nagtama ang mga mata namin. Seryoso ang mga mata nitong nakatutok sa'kin habang palipat lipat ang tingin sa magkabila kong mga mata.

Ocean Collides with the Sand (Caballero Series #1) Where stories live. Discover now