TCHAM 03: The Baltazar Sisters

527 12 8
                                    


Nice's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGG*

"Class Dismiss!"

Nagsitayuan naman kaming lahat sa mga upuan namin at lumabas na sa classroom. As usual, ibig sabihin ng bell is break time muna before to go in the next subject, pero instead na didiretso ako sa canteen pupunta na lang ako muna sa restroom.

Alam niyo naman ang nangyari diba? Hindi na ako nakapunta sa restroom dahil sobrang daming hadlang talaga kanina. 'Yong pagnakaw ng halik ni Khalex sa akin, 'yong pag-uusap namin muli ni Spark at 'yong pagiging feeling close ni Manner sa akin.

First day of school pa lang! Bwisit na bwisit na ang buhay ko dito. Paano pa kaya sa susunod na araw diba? Pero alam ko naman kung paano kontrolin ang sarili ko e, pero kapag sinagad na talaga ako pasensyahan na lang po tayo dahil wasak talaga ang mundo mo.

Nagtungo na ako sa restroom ng mga girl at pumasok ito.

"What the hell are you doing?!" sigaw ko nito.

Napatigil sila sa ginagawa nilang halikan at tiningnan ako nito. Napayuko na lang ang babaeng habang ang Khalex na manyak ay pangiti-ngiti pa habang may lipstick pa sa gilid ng labi niya

"Excuse me." sambit ni girl nito at nakayukong lumabas sa restroom na pinasokan ko.

Siguro hiyang-hiya siya sa ginawa nila, dito pa talaga naglalaplapan sa public restroom. Nakakahiya naman ang mga ito, walang ka class-class dahil hindi naman man lang naghahanap ng matataguan para maghahalikan.

"Bala!"

Napatingin ako sa bwisit na manyak na lalaking ito bago siya inirapan at tumalikod palabas ng restroom.

"Bala!" sambit na naman niya.

Nagmamadali akong naglakad para makaalis sa lugar na 'to. Nawalan na akong gana na magrestroom dahil sa pinaggagawa nila. Nakakadire talaga e!

"Bala, nagseselos ka ba?" biglang akbay niya sa akin na agad ko naman itong tinanggal ang kamay niya.

"Asa ka!"

"Selos ka lang e... Sorry na please..."

"Taeng-ina ka!"

"Grabe naman 'yon, mumurahin mo talaga ang boyfriend mo?"

"Hindi kita boyfriend! Boyshit ka!"

"Grabe..."

"Taeng-ina ka!" singhal ko muli nito sa kanya.

"Hindi mo naman ako kailangan murahin, kailangan mo akong mahalin." hirit pa niya na ikinairap ko na lang.

Hindi na lang ako nagsalita nito at kusa na lang akong naglakad ng matulin papunta sa papuntahan ko. Pero itong boyshit! Nakisabay pa talaga sa paglalakad ko.

"Ang ganda mo talaga Bala."

"Ang swerte ko naman dahil sobrang ganda ng girlfriend ko."

"Sobrang swerte mo rin dahil sobrang gwapo ng boyfriend mo na si Khalex Alfonso."

"Bala, pansinin mo nga ako."

"Pansinin mo nga ang boyfriend mo."

"Galit ka ba dahil sa nakita mo kanina? Kiss lang naman 'yon e ang importante ikaw ang mahal ko."

"Bala."

Hindi ko siya pinansin nito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko. Sa totoo lang pinipigilan ko lang naman ang sarili ko e, ayaw kong manakit sa lalaking kasabay ko dahil kung susuntukin ko na naman ang mukha niya paniguradong pasa na naman ang makikita. May black eye na nga siya sa isang mata niya gagawin ko pa ba siyang Panda? Hays! Hindi ko na gagawin sa kanya dahil hindi bagay sa pancit canton na buhok niya.

The Campus Heartthrobs and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon